Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte nag iba ng deklarasyon tungkol kay Marcos Jr. bilang kahalili na ‘may kakayahan’

Dalawang araw matapos kumpirmahin sa publiko ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang partnership kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa 2022 elections, nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa team-up.

By VERA Files

Dec 2, 2021

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Dalawang araw matapos kumpirmahin sa publiko ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang partnership kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa 2022 elections, nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa team-up.

Sinabi ng pangulo na mahinang lider si Marcos Jr., isang pagbaligtad sa kanyang mga pahayag tatlong taon na ang nakararaan.

Panoorin ang video na ito:

Sa press briefing noong Agosto 2018, idinagdag ni Roque na kung sakaling talunin ni Marcos Jr., ang kaisa-isang anak at kapangalan ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr., si Robredo sa kanyang electoral protest para sa pagka-bise presidente, “tutuparin ni Duterte ang kanyang salita” at bababa bilang chief executive. Noong Pebrero ngayong taon, nagkakaisang ibinasura ng Korte Suprema ang protesta dahil sa “kakulangan ng merito.” (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Pag-unawa sa pagbabasura ng PET sa poll protest ni Marcos laban kay Robredo)

Sa isang panayam noong Nob. 14 ni pro-Duterte blogger na si Byron Cristobal, na kilala bilang Banat By, sinabi ni Duterte na “hindi niya masusuportahan” ang plano na kumandidato bilang pangulo ni Marcos Jr., pagkatapos ay inakusahan ang huli, nang walang ebidensya, na isang “maka-komunista” na kandidato katulad ni Robredo.

Sa isang talumpati pagkaraan ng apat na araw, inakusahan ni Duterte ang isang presidential aspirant, na hindi niya pinangalanan, na gumagamit ng cocaine, at sinabing:

“…he is a very weak leader (siya ay napakahinang lider) ang character (pagkatao) niya, except for the name (maliban sa pangalan). Pero ang tatay, pero siya, anong ginawa niya? He might win hands down, okay (Maaaring manalo siya nang walang hirap, okay). If that is what the Filipino wants, go ahead (Kung iyan ang gusto ng Pilipino, sige). Basta alam ninyo ‘yang droga na ‘yan…”

Pinagmulan: RTVMalacañang Official Youtube Channel, Inspection of the General Santos Airport Development Projects (Speech) 11/22/2021, Nob. 22, 2021

Sa lahat ng mga nais kumandidato sa pagkapangulo, partikular na inilarawan ni Duterte si Marcos Jr., na nangunguna sa mga kasalukuyang survey na may kaugnayan sa halalan, bilang isang “mahinang lider.”

Sa kabila ng hindi diretsahang mga tirada ng pangulo, pinaninindigan ng kampo ni Marcos Jr. na “hindi kami ang tinutukoy (sa mga alegasyon),” idinagdag na ang dating senador “ay [may] pinakamataas na paggalang at pagkilala” para kay Duterte.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Mayor Inday Sara Duterte Official Facebook Page, The people will make me strong…, Nov. 16, 2021

RTVMalacañang Official Youtube Channel, Meeting with the Local Leaders of Oriental Mindoro, Nov. 18, 2021

CNN Philippines, Duterte believes the ‘likes of Escudero, Bongbong Marcos’ will be better successor, Aug. 15, 2018

ABS-CBN News, Duterte prefers Bongbong, Chiz as replacement instead of Leni, Aug. 15, 2018

Inquirer.net, President prefers the likes of Marcos, Escudero as successor, Aug. 16, 2018

Radio Television Malacañang Official Facebook Page, Press Briefing, Aug. 16, 2018

RTVMalacañang Official Youtube Channel, Go Negosyo: “Pilipinas Angat Lahat” Launch (Speech) 8/14/2018, Aug. 14, 2018

Banat By, EXCLUSIVE: Sagot ni PRRD after filing ni Sen Go for Presidency (FULL INTERVIEW), Nov. 14, 2021

RTVMalacañang Official Youtube Channel, Joint NTF-RTF ELCAC IV-B Meeting in Oriental Mindoro 11/18/2021, Nov. 18, 2021

RTVMalacañang Official Youtube Channel, Inspection of the General Santos Airport Development Projects (Speech) 11/22/2021, Nov. 22, 2021

GMA News Online, Bongbong camp on Duterte’s cocaine-using presidentiable claim: We don’t feel alluded to, Nov. 19, 2021

CNN Philippines, Marcos camp on Duterte’s cocaine allegations: ‘We don’t feel alluded to’, Nov. 19, 2021

Inquirer.net, Marcos camp on Duterte blind item: ‘We don’t feel alluded to’, Nov. 20, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.