Tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic of China o Taiwan na mainland China sa isang talumpati sa international community sa Tokyo, Japan.
PAHAYAG
Sa isang keynote address noong Mayo 31 sa ika-25 Nikkei Conference on the Future of Asia, isang internasyonal na pagtitipon para sa mga pandaigdigang lider mula sa rehiyon ng Asia-Pacific upang talakayin ang mga isyu sa rehiyon, sinabi ni Duterte:
“China is a standing partner. That China Sea is part of the Republic of China. And so we give it. Why? Because they are there. And a lot of lousy politicians in my country would like to push me to arbitral ruling because we won. And China said ‘this is our land, this is our sea. Anyone who goes in there will just have to contend with us verbally and maybe with arms.’”
“Ang China ay isang standing partner. Na ang China Sea ay bahagi ng Republic of China. At kaya binibigay namin ito. Bakit? Dahil nandoon sila. At maraming walang kwentang pulitiko sa aking bansa ang nais itulak ako sa arbitral na desisyon dahil nanalo kami. At sinabi ng China ‘ito ay aming lupain, ito ay aming dagat. Sinuman ang pumupunta doon ay kailangang harapin kami sa salita at marahil ng may mga armas.'”
Pinagmulan: PCOO, Keynote Address ni President Rodrigo Roa Duterte sa 25th Nikkei Conference on the Future Of Asia, Mayo 31, 2019, panoorin mula 20:10 to 20:47
ANG KATOTOHANAN
Ang Taiwan — hindi China – ay opisyal na tinatawag na Republic of China (ROC).
Ang pamahalaang ROC ay itinatag noong 1912 sa China. Noong panahong iyon, ang Taiwan ay hawak ng Japan. Sa pagtatapos ng World War II noong 1945, sumuko ang Japan at nagsimulangpamahalaan ng ROC ang Taiwan.
Noong 1949, pumutok ang civil war sa pagitan ng ROC ni Chiang Kai-Shek at ng Communist Party of China na pinamumunuan ni Mao Zedong. Matapos ang isang serye ng mga pagkatalo sa mainland, si Chiang at ang pinamumunuan ng Kuomintang na ROC ay tumakas sa Taiwan. Simula noon, ang China at Taiwan ay pinamumunuan ng magkaibang pamahalaan.
Ang China, ang ikalawang pinakamalaking bansa sa Asya sa sukat ng lugar, ay opisyal na pinangalanan bilang People’s Republic of China (PROC) noong Abril 12,1988.
Ang PROC ay may “one-China policy” na kung saan itinuturing ang Taiwan bilang isang probinsya, hindi isang hiwalay na bansa. Ang mga bansa na gustong magtatag ng diplomatikong relasyon sa China ay kailangang kilalanin ang “one-China policy.”
Labing pitong bansa lamang ang may opisyal na diplomatikong relasyon sa Taiwan, ayon sa website ng gobyerno nito.
Ang China at Taiwan ay parehong may marami at magkasalungat na inaangking teritoryo sa halos buong South China Sea.
Ang mga bansa sa Southeast Asia na Brunei, Vietnam, Malaysia at Pilipinas ay may mga inaangkin na mga bahagi ng South China Sea, kabilang ang mga nasa Spratly Islands at Bajo de Masinloc o Scarborough shoal.
Noong 2017, pinagtibay ng China at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) angbalangkas para sa isang code of conduct sa South China Sea, upang tiyakin na ang mga tensyon dahil sa patung-patong na mga claim ay hindi lumalaki at mauwi sa labanan.
Kaagad na naglabas ang Taiwan ng isang pahayag, sinasabing ang ROC “ay dapat na kasama sa anumang mga pag-uusap sa isang mekanismo ng paglutas ng hindi pagkakaunawaan.”
Mga Pinagmulan
Presidential Communications Operations Office (PCOO) website, Keynote Address of President Rodrigo Roa Duterte during the 25th Nikkei Conference on the Future Of Asia, May 31, 2019
Official website of the Republic of China, ABOUT TAIWAN
Official website of the National People’s Congress of the People’s Republic of China, Constitution
World Atlas, World Facts: The Largest Countries in Asia by Area
English.president.gov.tw, President Tsai attends exhibition commemorating 70th anniversary of recovery of South China Sea Islands, December 9, 2016