Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte mali sa pagsabing naglingkod sa Marcos cabinet si Raffy Alunan

Si Alunan ay Interior Secretary noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos, hindi si Marcos, gaya ng pahayag ni Duterte.

By VERA FILES

Jun 11, 2019

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin niyang si dating Interior Secretary Rafael Alunan III ay nagsilbi sa Cabinet ni Ferdinand Marcos Sr.

STATEMENT

Sa kanyang keynote address sa Nikkei 25th International Conference on the Future of Asia sa Japan, binanggit ni Duterte ang patuloy na kampanya ng kanyang administrasyon laban sa mga bawal na gamot.

Lumihis sa kanyang inihandang talumpati, sinabi niyang si Alunan, sa kanyang kapasidad bilang Interior Secretary, ay minsang “tinawag” ng “Drug Enforcement Agency” ng US para “bigyan ng babala” kung paano ang” Pilipinas “ay nilalamon ng droga.”

Sinabi ni Duterte:

“He (Alunan) went back to the Philippines, he called for all the mayors and governors and told us that. At (and) that was during Marcos’ time. That would be something like 15, 16 years ago (Siya (Alunan) ay bumalik sa Pilipinas, pinatawag ang lahat ng mga mayor at gobernador at sinabi sa amin ang tungkol dyan. At iyan noong panahon ni Marcos. Iyan ay mga 15, 16 taon ang nakaraan.)”

Pinagmulan: PCOO, Keynote address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 25th Nikkei conference on The Future of Asia, Mayo 31, 2019, panoorin mula 23:39 hanggang 25:01

 

ANG KATOTOHANAN

Si Alunan ay Interior Secretary noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos, hindi si Marcos, gaya ng pahayag ni Duterte.

Mga dokumento ng gobyerno pati na rin ang opisyal na biodata ni Alunan ay nagpapakita na siya ay kalihim ng Cabinet ng dalawang pangulo lamang: Ramos, bilang Interior Secretary mula 1992 hanggang 1996; at yumaong Pangulong Corazon Aquino, bilang Tourism Secretary mula 1991 hanggang 1992.

Si Alunan ay isang trustee ng Manindigan!, isang cause-oriented group ng mga negosyante, mga propesyonal at mga akademiko na nagprotesta laban sa rehimeng Marcos noong dekada ’80.

Ang pahayag ni Duterte na ang termino ni Marcos ay naganap “mga 15, 16 na taon ang nakaraan” ay mali rin.

Si Marcos ay pinalayas mula sa panguluhan noong 1986, mahigit 33 taon na ang nakararaan.

 

Mga Pinagmulan

PCOO, Keynote address of President Rodrigo Duterte during the 25th Nikkei conference on the future of Asia, May 31, 2019

Philippine Charity Sweepstakes Office, PCSO SPONSORS EDSA PHOTO EXHIBIT 2018, March 1, 2018

Supreme Court E-Library, GR 225973, Nov. 8, 2016 (See DECISION and LEONEN, J. DISSENTING OPINION)

Raffy Alunan III official Facebook account, RAFAEL MORENO ALUNAN III Bio-Data, April 3, 2019

Raffy M. Alunan official Facebook page, About, Retrieved June 4, 2019

Bloomberg.com, Rafael Moreno Alunan III

Peoplaid.com, Raffy Alunan III Biography

Bworldonline.com, Do we have a learning disability?, Feb. 18, 2014

Bworldonline.com, It is high time to take a stand, Aug. 9, 2016

Bworldonline.com, Con Ass: Potential Disaster, Jan. 10, 2018

Official Gazette, The Executive Branch

Official Gazette, Third Republic

 

(Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.