Mali ang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na si Presidente Rodrigo Duterte lamang ang nagpahayag ng kusang-loob na pagtanggap sa mga refugee ng Rohingya humanitarian crisis.
PAHAYAG
Sa isang tweet Mayo 27, binatikos ni Locsin ang isang litrato ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) na nagbigay ng pahayag tungkol sa mga karapatan ng mga tao na humingi ng asylum bunga ng pag-uusig.
Si Locsin, ang Permanent Representative ng Pilipinas sa UN bago siya naging Foreign Affairs Secretary, ay nagbahagi ng litrato sa kanyang Twitter account na may caption:
“And only the President of the Philippines, you useless bastards, has said his country the Philippines will welcome them with open arms, referring to the least welcome of refugees: Rohingya who aren’t welcome even where they came from.
(At tanging Pangulo ng Pilipinas lamang, kayo na walang mga silbing huwad, ay nagsabi na kanyang bansang Pilipinas ay malugod na tatanggapin ang mga ito, na tumutukoy sa mga hindi pinakatatanggap na mga refugee: Rohingya na hindi tinatanggap kahit sa kung saan sila nagmula.)”
Pinagmulan: @teddyboylocsin, And only the President of the Philippines, May 27, 2019
ANG KATOTOHANAN
Maraming mga bansa, kabilang ang Pilipinas, ang tumanggap o nagpahayag ng kusang-loob na pagtanggap ng mga refugee kahit bago pa naging presidente si Duterte.
Si dating Communications Secretary Herminio Coloma Jr. noong Mayo 2015 ay nagsabi na handa ang Pilipinas tumanggap ng hanggang 3,000 na mga refugee bilang isang signatory ng 1951 UN Convention Relating to the Status of Refugees.
Ang Malaysia at Indonesia ay sumang-ayon din noong Mayo 2015 na iligtas at magbigay ng pansamantalang kanlungan para sa hanggang 7,000 migranteng Rohingya. Noong Mayo 2018, pinasalamatan ng UNHCR ang Malaysia at Indonesia sa kanilang papel sa pagsagip sa 140 na mga refugee na tumakas sa Myanmar noong Abril ng taong iyon.
Samantala, iniulat ng United Nations Children’s Fund na bandang Abril 2019, mahigit sa 1.2 milyong refugee na ang tumakas at nanirahan sa Cox’s Bazar District sa kalapit na Bangladesh, “mistulang bumubuo ng pinakamalaking kampo ng refugee sa mundo.”
Gayunpaman, sinabi ng gobyerno ng Bangladesh sa UN Security Council noong Pebrero 2019 na hindi na ito makatatanggap ng higit pang mga refugee dahil sa lumalalang kondisyon sa Cox’s Bazar.
Sinabi ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UN OCHA) na ang mga Muslim Rohingya, na naninirahan sa kanluran ng estado ng Rakhine sa Myanmar, ay napasailalim ng ilang mga dekada ng “sistematikong diskriminasyon, kawalang-batas at karahasan.” Ang pinakabago sa mga ito ay isang paghihigpit ng militar ng Burma mula 2016.
Ang Medicins Sans Frontieres (MSF), na kilala rin bilang Doctors Without Borders, noong Disyembre 2017 ay nag-ulat na hindi bababa sa 9,000 mga Rohingya ang namatay sa Myanmar mula Agosto hanggang Setyembre 2017, na may hindi bababa sa 6,700 na namatay “sanhi ng karahasan.”
Sinabi ni MSF medical director Sidney Wong na ang mga bilang na ito ay “malamang na napakaliit pa.”
Isang Agosto 2018 na pag-aaral ng non-governmental organization na Ontario International Development Agency ang nag-ulat na hindi bababa sa 24,000 Rohingyas ang napatay mula Agosto 2017 hanggang Enero 2018 sa tinatawag na “ethnic cleansing” at “genocide.”
Sinabi ni Duterte noong Abril 5, 2018, na payag siyang tanggapin ang mga refugee ng Rohingya, na kanyang inilarawan bilang mga biktima ng “genocide,” ngunit dapat ding tumanggap ang mga bansang European ng mga refugee. Humingi siya ng paumanhin para sa kanyang komento pagkatapos ng isang linggo, matapos ang hindi magandang reaksyon ng gobyerno ng Myanmar.
Inulit ng Pangulo ang kanyang kahandaang tumanggap ng mga refugee sa isang talumpati Pebrero 26, na muling pinupuna ang Europe sa “hindi pagkilos” sa krisis.
Gayunpaman, ang Pilipinas ay patuloy sa pagboto laban sa ilang mga resolusyon ng UN na ikondena at tugunan ang kalagayan ng karapatang pantao sa Myanmar dahil sa umano’y “politicization” ng isyu.
Sinabi ng UN OCHA na isang Joint Response Plan upang harapin ang krisis sa Rohingya ang inilunsad noong Pebrero 2019, humiling ng $ 920.5 milyon upang “magbigay ng pangsagip-buhay na tulong sa 1.2 milyong katao, kabilang ang mga refugee ng Rohingya na tumakas sa Myanmar papuntang Bangladesh at sa mga kumukupkop na lokal na komunidad.”
Sinabi ng grupo na ang apela ay may 17 porsiyento nang pondo noong Abril 2019.
Mga pinagmulan
Teodoro Locsin Jr.’s official Twitter account, And only the President of the Philippines, May 27, 2019
Rappler, PH open to sheltering 3,000 ‘boat people,’ May 18, 2015
CNN, Lost at sea, unwanted: The plight of Myanmar’s Rohingya ‘boat people,’ May 20, 2015
The Telegraph, Philippines to accept refugees stuck at sea after being rejected across south-east Asia, May 30, 2015
Newsweek, Indonesia and Malaysia agree to take Rohingya and Bangladeshi boat migrants, May 20, 2015
The Guardian, Indonesia and Malaysia agree to offer 7,000 migrants temporary shelter, May 20, 2015
The New York Times, Indonesia and Malaysia Agree to Care for Stranded Migrants, May 20, 2015
United Nations High Commissioner for Refugees, UNHCR thanks Indonesia and Malaysia for rescue and disembarkation of Rohingya refugees, calls on countries in the region to comply with maritime search and rescue obligations, May 1, 2018
United Nations Children’s Fund, Rohingya crisis
United Nations, Crisis in Rakhine State, Violence Could Derail Gains in Myanmar’s Peace Process, Special Envoy Warns Security Council, Calling for Unimpeded Humanitarian Access, Feb. 28, 2019
United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, Rohingya Refugee Crisis
Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Awarding of Outstanding Farmers, Fisherfolks and Coastal Communities (Gawad Saka 2017 and Malinis at Masaganang Karagatan 2017), April 5, 2018
Presidential Communications Operations Office, Speech and Press Conference of President Rodrigo Roa Duterte upon his Arrival from his Participation to the Boao Forum For Asia In Hainan, China and Working Visit to Hong Kong Special Administrative Region, April 13, 2018
Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the 2019 General Assembly of the League of Municipalities of the Philippines (LMP), Feb. 26, 2019
United Nations, Third Committee Approves 13 Drafts on Persons with Disabilities, Ageing, Human Trafficking amid Protracted Votes on Human Rights in Syria, Myanmar, Nov. 16, 2018
United Nations, Third Committee Approves 16 Drafts with Friction Exposed in Contentious Votes on Glorification of Nazism, Cultural Diversity, Right to Development, Nov. 16, 2017
United Nations Human Rights Council, Human Rights Council adopts 10 resolutions and one Presidential statement, Sept. 28, 2018
Medicins Sans Frontieres, MSF surveys estimate that at least 6,700 Rohingya were killed during the attacks in Myanmar, Dec. 12, 2017
Ontario International Development Agency, Forced Migration of Rohingya: The Untold Experience, August 2018