Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Matapos ang matagal na pagkawala sa paningin ng publiko, Duterte nagbitaw ng tatlong maling pahayag

Matapos hindi magpakita sa publiko nang halos dalawang linggo, lumitaw si Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 12 sa kanyang regular na "Talk to the People" address, ngunit gumawa ng tatlong hindi totoong pahayag sa kanyang 20-minutong pag-unang salita.

By VERA Files

Apr 23, 2021

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Matapos hindi magpakita sa publiko nang halos dalawang linggo, lumitaw si Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 12 sa kanyang regular na “Talk to the People” address, ngunit gumawa ng tatlong hindi totoong pahayag sa kanyang 20-minutong pag-unang salita.

Sinuri ng VERA Files Fact Check ang kanyang mga pahayag at natukoy na ang isa ay hindi totoo, isa ang flip-flop, at isa pa na nangangailangan ng konteksto. Basahin para malaman ang tungkol sa bawat pahayag:

Sa paghayag ng alarma laban sa banta ng COVID-19

Sa bilang ng VERA Files Fact Check, hindi bababa sa dalawang beses na sinabi ni Duterte na agad siyang nagtaas ng alarma laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Hindi ito totoo. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte sinabing nagbabala siya tungkol sa ‘nakamamatay’ na COVID-19 mula pa sa simula. Hindi naman.)

Sa dalawang talumpati noong Pebrero 2020, inilarawan ni Duterte ang banta ng COVID-19 bilang isang bagay na hindi nakakaalarma o dahilan para maging “hysterical” ang mga Pilipino.

Sa talumpati noong Peb. 3, 2020, tatlong araw matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang unang nasawi sa COVID-19 sa bansa, na una rin sa labas ng China, sinabi niya na ang virus ay “mamamatay nang kusa … kahit na walang bakuna,” katulad ng iba pang mga nakakahawang sakit tulad ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS). (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ang new coronavirus ay katulad ng HIV, sabi ni Duterte. Ganoon ba?)

Sa isa pang mensahe sa telebisyon noong Peb. 14, 2020, hinimok ng pangulo ang mga Pilipino na maglakbay “kasama ko” sa buong bansa at tiniyak na “lahat ay ligtas” sa mga tuntunin sa kalusugan, batas at kaayusan, at accessibility. Naganap ito dalawang araw matapos matantiya ng Department of Tourism na hindi bababa sa P42.9-bilyon ang mawawalang kita sa turismo sakaling magkaroon ng tatlong buwan na pagbabawal sa mga nagbibiyaheng hindi Pilipino na patungo o mula sa China at mga teritoryo ng Hong Kong, Macau, at Taiwan.

Naitala ng Pilipinas ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 noong Enero 30, 2020, na kinasangkutan ng isang babae mula sa Wuhan City, China — ang pinagmulan ng unang COVID-19 outbreak. Simula noon, iba’t ibang mga hakbang kaugnay ng quarantine ang ipinatupad nang hiwa-hiwalay pa minsan minsan sa bansa upang pigilan ang pagkalat ng virus.

Hanggang Abril 22, ang mga nakumpirmang kaso sa bansa ay umabot na sa 971,049, kung saan 107,988 ang aktibo. May 16,370 na ang namatay at 846,691 ang naka-recover.

Sa pagpapabakuna laban sa COVID-19

Pabago-bago ang paninindigan ni Duterte tungkol sa kung siya ay magpapabakuna at kailan. Mula sa pagboboluntaryo na mauna na magpabakuna sa harap ng publiko hanggang sa siya na lang ang mahuli, noong Pebrero, naging depende sa payo ng kanyang doktor, ngayon sinasabi ni Duterte na kanyang “ipauubaya” (sa iba) ang kanyang pagkakataon na magpabakuna dahil sa kanyang edad (76 taong gulang). (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Ang ebolusyon ng pagbabakuna ni Duterte laban sa COVID-19: Mula ‘una’ naging ‘huli’ hanggang ‘hindi pinapayagan’)

Sa mga mamamayang Pilipino na may edad na 70 pataas na ‘hindi kasama’ sa listahan ng prayoridad na pagbabakuna ng COVID-19

Ang mga mamamayang Pilipino na may edad 60 pataas ay pangalawa sa 12-tier na listahan ng mga priority group ng gobyerno para sa pagbabakuna sa COVID-19, kasunod sa tinatayang 1.7 milyong frontline healthcare workers, ipinapakita sa listahan ng mga prayoridad ng DOH.

Ayon sa DOH, inuuna ang mga senior citizen para sa pagbabakuna dahil nahaharap sila sa “pinakamalaking peligro ng matinding impeksyon o pagkamatay” dahil sa COVID-19.

Ang pagbabakuna ng mga senior citizen, nauri bilang A2, ay nagsimula noong huling bahagi ng Marso sa ilang mga lugar sa bansa, partikular sa Metro Manila, matapos payagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang sabay-sabay na inoculation sa iba pang mga top priority na mga grupo, tulad ng mga health worker (A1) at mga taong may comorbidities (A3).

Sa ilalim ng COVID-19 vaccination program ng gobyerno, dalawa lamang sa pitong brand ng bakuna ang kasalukuyang mayroon — AstraZeneca at Sinovac. Sa dalawa, ang mga bakunang AstraZeneca lamang ang unang naaprubahan para magamit sa mga senior citizen.

Gayunpaman, dahil sa limitadong supply ng AstraZeneca jabs at ang pangangailangan na mabakunahan ang mga matatanda sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, pinayagan ng Food and Drug Administration (FDA) at DOH noong Abril 7 ang paggamit ng mga Sinovac vaccine, na unang naaprubahan para lamang sa mga 18 hanggang 59 taong gulang, sa mga senior citizen.

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacanang, PRRD’s Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19 4/12/2021, April 12, 2021

On sounding an alarm against the COVID-19 threat:

RTVMalacanang, Briefing on the 2019 Novel Coronavirus – Acute Respiratory Disease 2/3/2020, Feb. 3, 2020

Department of Tourism, President Duterte Invites Filipinos to Travel Around the Country, Feb. 14, 2020

Loss in tourism revenues due to COVID-19

Department of Health, DOH CONFIRMS FIRST 2019-NCOV CASE IN THE COUNTRY; ASSURES PUBLIC OF INTENSIFIED CONTAINMENT MEASURES, Jan. 30, 2020

Department of Health, DOH COVID-19 Case Bulletin #404, April 22, 2021

On getting the COVID-19 vaccine:

PTV, PANOORIN: Laging Handa Special Coverage | March 1, 2021, March 1, 2021

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19):

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Jan. 19, 2021

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Feb. 15, 2021

Office of the Presidential Spokesperson, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Feb. 22, 2021

On Filipino citizens aged 70 and above being excluded from the COVID-19 vaccination priority list:

Department of Health, Where am I in the prioritization list?, April 16, 2021

Department of Health, 4. Who gets the vaccine first?, March 21, 2021

Department of Health, IATF Resolution No. 106

Metro Manila LGUs senior citizens vaccination starts

Food and Drugs Administration, Emergency Use Authorization (EUA) for COVID-19 Vaccine (ChAdOx1- S[recombinant]) (COVID-19 Vaccine AstraZeneca), Jan. 28, 2021

Food and Drugs Administration, Republic of the Philippines Department of Health FOOD AND DRUG ADMINISTRATION 22 February 2021 IP BIOTECH, INC. Emergency Use Au, Jan. 28, 2021

Department of Health, What is the required age for vaccination?, March 28, 2021

Department of Health, DOH, FDA GREEN-LIGHT CORONAVAC FOR SENIOR CITIZENS, April 7, 2021

Department of Health, Department Memorandum No. 2021-0175

Department of Health, Why do we need to have prioritization?, Accessed April 22, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.