Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte sinabing gobernador ng Camiguin lang ang ‘mayaman’ na miyembro ng PDP-Laban; hindi totoo

Hindi totoo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Camiguin Gov. Jurdin Jesus Romualdo ang "tanging mayaman" sa Partido Demokratiko ng Pilipinas- Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

By VERA Files

Oct 22, 2021

7-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

 

Hindi totoo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Camiguin Gov. Jurdin Jesus Romualdo ang “tanging mayaman” sa Partido Demokratiko ng Pilipinas- Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

PAHAYAG

Sa panunumpa ng mga bagong miyembro ng PDP-Laban sa Lanao Del Norte noong Okt. 16, sinabi ni Duterte na ang kanyang partido ay hindi tulad ng iba na tumatanggap ng pondo mula sa mga “oligarchs:”

Mao na sa dagan sa panahon, medyo ang taong nakasabot nga ang PDP pro-poor gyud na fundamentally. Ang nidato si … ang dato lang sa PDP si Romualdo kay nimata siguro siya niadtong unang panahon … it’s an island, Camiguin eh. Pero ang ako pung balita na kanang lanzones gud ang nagdaan ng liso nga original si Romualdo.”

(Sa paglipas ng panahon, naiintindihan ng mga tao na ang PDP ay talagang maka-mahirap. Ang nidato si … ang dato lang sa PDP si Romualdo kay nimata siguro siya noong unang panahon … isa itong isla, Camiguin. Pero ang balita ko si Romualdo ang unang nagdala ng orihinal na binhi ng lanzones doon.)

Pinagmulan: RTVMalacanang, PDP-Laban Oath-Taking of New Members and Proclamation of Local Candidates (Speech) 10/16/2021, Okt. 16, 2021, panoorin mula 15:03 hanggang 15:50 (transcript)

ANG KATOTOHANAN

Taliwas sa pahayag ni Duterte, ilan sa kanyang mga ka-partido na naroroon din sa seremonya ang nagdeklara ng mga net worth na multi-million pesos.

Si Energy Secretary Alfonso Cusi, na namumuno sa isang paksyon ng naghaharing partido na binuo noong Hulyo, ay naiulat na pinakamayamang miyembro ng Gabinete na may P1.43-bilyong net worth noong 2019. Noong 2020, tumaas ang kanyang net worth sa P1.46 bilyon batay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), ayon sa ulat ng Rappler.

Tinukso pa ni Duterte, ang chairperson ng PDP-Laban, si Cusi, ang kanyang vice chairperson noon, sa hindi bababa sa dalawang okasyon noong 2018 matapos tumalon ang kanyang net worth mula P162 milyon noong 2016 at naging mahigit P1 bilyon noong 2017.

“Alam mo Al, hindi mo talaga kailangan ang trabaho mo. Nakita ko ‘yung SALN mo [umabot ng isang bilyon]… Kung ako ikaw … puwede ka nang mag retiro kung gusto mo,” sinabi ni Duterte kay Cusi sa mgakahalong Ingles at Filipino sa inagurasyon ng Pagbilao 3 power plant noong May 31, 2018.

Parehong multi-millionaire sina Senador Ronald Dela Rosa at Christopher “Bong” Go. Sina Dela Rosa at Go, na kabilang sa mga pinakamalapit na kaalyado sa pulitika ni Duterte, ay nagdeklara ng mahigit P34 milyon at P91 milyon na net worth, ayon sa pagkakasunod, sa kanilang SALN noong 2020, batay sa summary report ng SALN ng Senado.

Ang mga dating kaalyado ni Duterte sa pulitika, sina Senador Koko Pimentel at Manny Pacquiao, na pinatalsik ng paksyon ng Cusi noong Hulyo, ay multi-millionaire din. Makikita sa talaan ng Senado na sina Pimentel at Pacquiao ay mayroong P37.20 milyon at P3.18 bilyon na net worth, ayon sa pagkakabanggit, noong 2020.

Ang tanggapan ni Romualdo ay hindi pa tumutugon sa kahilingan ng VERA Files Fact Check para sa kanyang pinakabagong SALN. Ngunit sa ulat noong 2012 ng Mindanao-based news outlet na Mindanews nakasaad na si Romualdo ay mayroong P48.48-million net worth noong 2011, base sa joint SALN nila ng kanyang asawang si Ma. Luisa.

Mula noong 2018, hindi na inilabas ni Duterte ang kanyang SALN sa publiko. Ang kanyang huling naiulat na net worth ay P28.54 milyon noong 2017.

Binatikos ng ilang organisasyon ng media, kabilang ang Philippine Center for Investigative Journalism, at mga nagmamalasakit na indibidwal ang Office of the President at Ombudsman sa pagtanggi sa mga kahilingan para sa mga kopya ng SALN ni Duterte.

BACKSTORY

Nahaharap sa isang krisis ng liderato ang PDP-Laban dahil sa nagbabangayang paksyon nina Cusi at Pimentel-Pacquiao.

Pinatalsik ni Pacquiao, na inihayag ang kanyang pagnanais na maging presidente sa 2022, si Cusi at ang kanyang mga kaalyado mula sa PDP-Laban noong Hulyo 3 dahil sa umano’y pagtulak sa anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kumandidato bilang pangulo kahit kabilang siya sa ibang partido. Pinalitan din ng paksyon si Duterte at itinalaga si Pimentel bilang chairman ng partido noong Agosto.

Bilang ganti, sinibak ng paksyon ni Cusi si Pacquiao bilang presidente ng partido noong Hulyo 17 matapos ideklarang bakante ang kanyang puwesto, at pagkatapos ay pinatalsik siya sa PDP-Laban noong Okt. 3 dahil sa paghahain ng certificate of candidacy para sa presidente sa ilalim ng ibang partido. Pinatalsik din ng paksyon si Pimentel bilang executive vice chairperson at inihalal si Cusi bilang presidente ng partido.

Hindi pa rin nareresolba ang awayan sa pamunuan ng partido ngunit ayon kay Commission on Elections Spokesperson James Jimenez, ang desisyon kung alin sa dalawang paksyon ang ituturing na lehitimong PDP-Laban ay ilalabas sa Disyembre ngayong taon.

 

Tala ng editor: Ang pahinang ito ay na-update upang itama ang pangalan ng naghaharing partido. Sa naunang bersyon ng artikulong ito, ang nailathalang pangalan ng partido ay “Partido Demokratiko ng Pilipinas – Lakas ng Bayan” sa halip na “Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan.”

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacanang, PDP-Laban Oath-Taking of New Members and Proclamation of Local Candidates (Speech) 10/16/2021, Oct. 16, 2021 (transcript)

ABS-CBN News, Cusi elected party president, as PDP-Laban split becomes final, July 12, 2021

CNN Philippines, Cusi named as new PDP-Laban president in Duterte-led assembly; Pacquiao faction questions legality, July 17, 2021

Inquirer.net, Pacquiao out, Cusi in as PDP-Laban president, July 17, 2021

Rappler.com, Cusi, Villar remain Cabinet members with highest net worth in 2020, July 28, 2021

Rappler.com, Cusi overtakes Mark Villar as Cabinet member with highest net worth in 2019, Sept. 25, 2020

ABS-CBN News, Cusi dethrones Villar as richest Cabinet member; restrictions to full SALN disclosure formalized in nearly all branches, Nov. 6, 2020

GMA News Online, Cusi’s P1.43-B net worth highest among Cabinet members in 2019, Nov. 19, 2020

Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his meeting with the Filipino Community in South Korea, June 3, 2018

Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Inauguration of the 420-MW Pagbilao Unit 3 Power Project, May 31, 2018

ABS-CBN News, Duterte Cabinet still club of billionaires, multimillionaires in 2018, June 21, 2019

Rappler.com, Cusi joins Villar in Duterte Cabinet ‘billionaires’ club’ in 2017, May 29, 2018

GMA News Online, Duterte ribs billionaire DOE chief Cusi: You can retire if you want, May 31, 2018

Senate of the Philippines, Summary of SALN of senators as of December 2020, Accessed Oct. 21, 2021

Backstory

Rappler.com, TIMELINE: PDP-Laban’s infightings, legal battles among factions, July 10, 2021

Inquirer.net, Rift between PDP-Laban factions unlikely to be mended — Cusi wing, Sept. 10, 2021

ABS-CBN News, Pacquiao orders PDP-Laban members to ignore Cusi’s call for party assembly, May 27, 2021

Rappler.com. PDP-Laban expels Cusi for supporting Duterte-Duterte tandem, July 9, 2021

CNN Philippines, Pacquiao-led faction expels Cusi, 2 others from PDP-Laban, July 9, 2021

Philstar.com, Pacquiao’s PDP-Laban kicks out Cusi, 2 others for ‘backing’ another political party, July 9, 2021

Rappler.com, ‘Original’ PDP-Laban ousts Duterte as party chairman, Aug. 29, 2021

Manila Bulletin, Duterte removal as PDP-Laban chair to ‘save’ party from crisis, party stalwart says, Aug. 30, 2021

Inquirer.net, Pimentel replaces Duterte as PDP-Laban chairman, Aug. 28, 2021

Rappler.com, Pacquiao ousted as president of Duterte party PDP-Laban, July 17, 2021

Philstar.com, Cusi faction knocks out Pacquiao as PDP-Laban president, July 12, 2021

ABS-CBN News, Cusi faction: Pacquiao faces expulsion from PDP-Laban, Aug. 13, 2021

Philstar.com, PDP-Laban faction expels Pacquiao for filing COC under little-known PROMDI, Oct. 3, 2021

Inquirer.net, PDP-Laban Cusi wing expels Pacquiao from party, Oct. 3, 2021

ABS-CBN News, PDP-Laban factions bicker over Pacquiao’s COC filing under PROMDI, Oct. 3, 2021

Rappler.com, Koko Pimentel, son of party cofounder, also ousted from PDP-Laban post, July 17, 2021

CNN Philippines, Nograles: Cusi group is legitimate PDP-Laban; Pacquiao, Pimentel still members, July 19, 2021

Mindanews, Mangudadatu is Mindanao’s richest gov; Matugas is richest city mayor, Sept. 4, 2012

Mindanews, Joint SALN of Romualdo and wife Ma. Luisa, 2011

Business World, Duterte’s net worth goes up by P1 million in 2017, May 11, 2018

Rappler.com, Duterte’s SALN for 2017 shows net worth of P28.5M, May 11, 2018

ABS-CBN News, Duterte’s net worth up by P1.11 million in 2017, May 11, 2018

Philippine Center for Investigative Journalism, Duterte’s SALNs secret; PCIJ makes public wealth disclosures of all presidents since Cory, Oct. 18, 2021

Inquirer.net, Lawyer directly asks Duterte for his SALNs this time, Sept. 13, 2021

ABS-CBN News, Lawyer challenges Duterte: Release your SALNs, Sept. 14, 2021

GMA News Online, Ombudsman denies lawyer’s request for copies of Duterte’s SALN, Sept. 7, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.