Mali si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa pagsabi na kinilala ng international community si Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang “emerging world leader” dahil sa pagmura niya sa noo’y U.S. President Barack Obama.
PAHAYAG
Ginawa ni Panelo ang pahayag sa isang press briefing noong Hunyo 25 bilang tugon sa isang tanong tungkol sa “makulay” na lengguwahe na ginagamit ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin laban kay Vice President Leni Robredo:
“Eh yung Presidente naman natin, ‘di ba, ganun din ang
style (estilo)? Pero kita mo naman ang epekto. Look at the effect (Tingnan ang epekto).
When he cursed (Nang murahin niya si) Mr. Obama, oh. Eh ‘di
ba, bigla siyang tiningala ng buong mundo as an (bilang isang)
emerging world leader.
He stood up (Nanindigan siya). Alam mo kung minsan, marami ring nagagawa ‘yang ganyan.”Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Hunyo 25, 2019, panoorin mula 22:50-23:16
Sa isang tweet noong Hunyo 24, tinawag ni Locsin si Robredo na “boba” (tanga) matapos niyang kuwestiyunin ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag-utos na kanselahin ang mga diplomatic passport.
Ang utos ni Locsin ay lumabas pagkatapos na harangin si dating DFA Secretary Albert Del Rosario, isang kritiko ng China, sa pagpasok sa Hong Kong noong Hunyo 21.
Si Locsin, na tinuligsa sa kanyang tweet, ay ilang ulit na humingi ng
paumanhin kay Robredo dahil sa kanyang sinabi.
ANG KATOTOHANAN
Taliwas sa pahayag ni Panelo, hindi umani ng papuri si Duterte sa pagtawag kay Obama na “anak ng kalapating mababa ang lipad” sa isang speech noong Setyembre 2016 bago ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Laos, na humantong sa pagkansela ng kanyang bilateral meeting sa dating pangulo ng Amerika.
Maraming mga sangay ng media sa buong mundo ang nag-ulat tungkol sa kanyang “pang-iinsulto” at “kontrobersyal” na mga pahayag kahit nakalipas nang isang taon ang kanyang pagmumura kay Obama, na nagpahayag ng pangamba sa (nagaganap na) giyera laban sa droga ng administrasyong Duterte.
Noong 2016, isinalaysay ng The Guardian ang ilang insidente ng “tuloy-tuloy na silakbo ng galit” ng “mapanghamon na lider ng Pilipinas”:
“Obama joins a long list of people whose mothers’ purity have been called into question by Duterte, including Pope Francis, Philippine bishops and a murdered journalist,” referring to the late Davao-based reporter and Duterte critic Jun Pala.
Translation:
“Kasama si Obama sa isang mahabang listahan ng mga tao na ang
kadalisayan ng mga ina ay kinuwestiyon ni Duterte, kabilang sina Pope Francis, mga obispo ng Pilipinas at isang napatay na mamamahayag,” na tumutukoy sa yumaong reporter na nakabase sa Davao at kritiko ni Duterte na si Jun Pala.Pinagmulan: The Guardian, Barack Obama cancels meeting after Philippines president calls him ‘son of a whore,’ Set. 5, 2016
Sinulat din ng independiyenteng organisasyon ng media na Al Jazeera noong 2016:
“Duterte has previously angrily rejected criticism from the Catholic Church, human rights groups, politicians and the United Nations.”
Translation:
“Galit na itinanggi rin ni Duterte ang mga pagpuna ng Iglesia
Katoliko, mga human rights group, mga pulitiko at United Nations.”
Idinagdag nito:
“The maverick president has quickly earned a reputation for making offensive comments about his critics.”
Translation:
“Ang rebeldeng presidente ay mabilis na umani ng isang
reputasyon sa pagbitaw ng nakakasakit na mga komento tungkol sa kanyang mga kritiko.”Pinagmulan: Al Jazeera, Barack Obama cancels Rodrigo Duterte talks after insult, Set. 6, 2016.
Sa parehong taon, ang naka-base sa Australia na The Interpreter, isang policy blog na inilalathala ng independiyenteng think tank na The Lowy Institute, ay tinukoy ang “walang pakundangang paggamit ni Duterte ng makulay at madalas na mapanirang lengguwaheng pang araw-araw”:
“His (un)presidential comments led the US to postpone this meeting indefinitely, and followed an earlier incident where he used a homophobic slur in reference to U.S. ambassador to the Philippines Philip Goldberg.”
Translation:
“Ang kanyang mga komento na hindi angkop sa pampanguluhan ay humantong sa pagpapaliban ng U.S. ng pulong nang walang katiyakan, at sinundan ang mas naunang pangyayari kung saan kinutyat at tinawag niyang bakla ang ambassador ng U.S. sa Pilipinas na si Philip Goldberg.”Pinagmulan: The Interpreter, Rodrigo Duterte’s mayoral mentality, Set. 7, 2016
Noong 2017, ang business at financial news network na CNBC International ay itinala rin ang “pinaka-maapoy na mga komento at pahayag” na ginawa ni Duterte nang taong iyon, kabilang ang pag-amin sa pagsaksak at pagpatay ng isang tao, pagbabanta na bitayin ang mga opisyal ng European Union, at ang kagustuhan na “kainin” ang mga terorista kung sakaling mahuli ng buhay:
“From admitting to killing people to joking about rape, the 72 year-old’s explosive comments have made headlines around the world and earned him comparisons to President Donald Trump. In response, his administration insists that the leader’s statements should be taken with a pinch of salt, with the president himself even admitting that “only two out of my five statements are true.” Still, critics frequently attack Duterte for what they deem unpresidential behavior.”
Translation:
“Mula sa pag-amin sa pagpatay ng tao hanggang sa pagbibiro
tungkol sa panggagahasa, ang 72-taong-gulang na may mga mapanganib na mga komento ay gumawa ng mga headline sa buong mundo at nakuhang maihambing siya kay Pangulong Donald Trump. Bilang tugon, ang kanyang administrasyon ay naninindigan na ang mga pahayag ng lider ay hindi dapat laging paniwalaan, na ang presidente mismo ay umaamin na “dalawa lamang sa aking limang pahayag ang totoo.” Gayunman, madalas na inaatake ng mga kritiko si Duterte dahil sa itinuturing nilang asal na hindi angkop sa pampanguluhan.”Pinagmulan: CNBC, “ ‘I will eat his liver’: Philippines President Rodrigo Duterte’s most controversial comments of 2017,” Dis. 24, 2017
Gayundin noong 2017, pinagsamasama ng American magazine na Newsweek ang “pinaka-nakakainsultong” mga sipi ni Duterte tungkol sa Amerika, na nagsasabing:
“The former mayor of Davao City became known for his outrageous statements in the run up to being elected yesterday, and has criticized global figures from the pope to former President Barack Obama. He has also gained infamy for instigating an aggressive war on drugs in which at
least 2,000 people have died, with police investigating
the deaths of 7,000 more people.”Translation:
“Ang dating mayor ng Lungsod ng Davao ay naging kilala sa
kanyang mga kasuklam-suklam na pahayag bago naihalal kahapon, at pinupuna ang mga pandaigdigang personalidad mula sa santo papa hanggang kay dating Pangulong Barack Obama. Nakilala rin ang kanyang kabuktutan sa pagsusulong ng isang agresibong giyera laban sa droga kung saan hindi bababa sa 2,000 katao ang namatay, at ang pulisya ay sinisiyasat ang pagkamatay ng 7,000 higit pang mga tao.”Pinagmulan: Newsweek, U.S. and the Philippines: President Rodrigo Duterte’s Most Insulting Quotes About America,
Hunyo 30, 2017
Humingi ng paumanhin si Duterte sa kanyang komento laban kay Obama pagkaraan ng dalawang taon. Gayunpaman, sa pag-alala sa parehong insidente noong Mayo, kanyang sinipi nang mali si Obama sa isang talumpati sa Tokyo, Japan.
(Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte grossly overestimates daily drug deaths in the US, wrongly attributes quote to Obama)
Tinutuligsa rin ni Duterte ang media kaugnay ng pag-uulat ng mga
kontrobersiya at mga maling pahayag na nagawa sa ilalim ng kanyang pamamahala. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte seesaws with the media)
Mga Pinagmulan
Agence France Presse, Philippines’
Duterte calls Obama ‘son of a whore,’ Sept. 5, 2016.
Al Jazeera, Barack Obama cancels Rodrigo Duterte talks after insult, Sept. 6, 2016.
CNBC, ‘I will eat his liver’: Philippines President Rodrigo Duterte’s most
controversial comments of 2017, Dec. 24, 2017.
Inquirer.net.Duterte: Media never wanted me president, Mar. 20, 2019.
Newsweek,
U.S.
and the Philippines: President Rodrigo Duterte’s Most Insulting Quotes About America, June 30, 2017.
Philstar.com. Duterte says he has lost faith in media, June 10, 2019.
Presidential Communications Operations Office, Press Briefing NEB, Malacañang June 25, 2019.
Rappler, Duterte blasts ‘Western-funded’ media, hits ‘professional twisters,’
May 13, 2019.
RTVM, Meeting with the Filipino Community (Speech) 09/02/2018
.
The Guardian, Barack Obama cancels meeting after Philippines president calls him ‘son of a
whore,’ Sept. 5, 2016.
The Interpreter, Rodrigo Duterte’s mayoral mentality, Sept. 7, 2016.
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at
kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)