Kulang ng konteksto ang panukala ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kopyahin ng Pilipinas ang ginagawa ng US na pagpopondo sa kampanya ng mga kandidato sa pulitika para mahinto ang bilihan ng boto.
PAHAYAG
Sa isang press briefing Mayo 14, isang araw pagkatapos ng eleksyon, tinanong si Panelo kung anong patakaran ang iniisip niya na dapat ipatupad ng pamahalaan upang maiwasan ang bilihan ng boto sa susunod na mga halalan. Sinabi niya:
“Ako ang iniisip ko, alam ninyo kung ano, para walang gastos ang mga kandidato, the government should spend for the expenses of the candidates just like in America (ang gobyerno ang dapat sumagot ng mga gastos ng mga kandidato tulad na lang sa Amerika). Ang mga Amerikano galing sa gobyerno ang gastos nila eh, mga kandidato.”
Pinagmulan: PCOO, Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, Mayo 14, 2019, panoorin mula 12:01 hanggang 12:18
ANG KATOTOHANAN
Habang pinopondohan ng pamahalaan ng U.S. ang mga kampanyang pampulitika, ito ay napapailalim sa ilang mga kundisyon at hindi sapilitan. Ang pagpopondo ng gobyerno ay hindi pinalawig sa lahat ng mga posisyon at nag-iiba sa bawat estado.
Sa pederal na antas, tanging mga kandidato ng pampanguluhan ang may access sa mga pampublikong pondo sa kampanya; ang mga kandidato sa kongreso ay wala.
Sa ilalim ng Presidential Public Funding Program, maaaring gamitin ng mga kandidato ang pederal na pondo ng pamahalaan para sa kanilang kampanya sa parehong primary at general elections, na may ilang mga kundisyon. Nilikha ito upang “itama ang mga problema na nakikita sa proseso ng eleksyon ng Pangulo” kabilang ang:
- Di-pantay na impluwensiya o ang mistulang impluwensya ng mga mayayamang taga-ambag
- Mga pangangailangan ng pangangalap ng pondo na humahadlang sa ilang mga kandidato na sapat na maipakita ang kanilang mga pananaw sa publiko; at
- Pagtaas ng gastos sa mga kampanya ng pampanguluhan na mistulang nagtatanggal ng karapatan sa mga kandidato na walang access sa malaking pondo.
Ang programa ay pinopondohan ng mga taxpayer, na maaaring boluntaryong maglaan ng $3 sa kanilang pagbabayad ng federal income tax para sa pondo ng pampanguluhan kampanya.
Sa panahon ng mga primary, ang pondo ay magagamit lamang ng mga kandidato na naghahangad ng nominasyon mula sa mga partidong pampulitika na kayang mangolekta ng $ 250 mula sa hindi bababa sa 20 katao bawat isa sa hindi bababa sa 20 mga estado. Ang primary election ay pinapatakbo ng estado at mga pamahalaang lokal para makatulong sa pagpili ng mga nominado ng mga pangunahing partido sa mga general election.
Para sa mga general election, ang mga naturang nominado ay maaaring magdesisyon na gamitin ang buong pondo sa pamamagitan ng isang grant, na noong 2016 ay nagkakahalaga ng higit sa $ 90 milyon. Ang mga nominado mula sa mga maliit na partido, sa kabilang banda, ay maaaring makakuha ng bahagyang tulong.
Ngunit upang maging kuwalipikado para sa general election grant, ang mga nominado ng mga pangunahing partido ay dapat sumang-ayon na “limitahan ang paggasta sa halaga ng grant at hindi tmaaaring umanggap ng mga kontribusyon mula sa pribadong sektor para sa kampanya.”
Walang pampanguluhang kandidato sa huling dalawang general elections, na ginanap noong 2012 at 2016, ang gumamit sa mga pampublikong pondo sa kampanya, ayon sa datos mula sa U.S. Federal Election Commission (FEC).
Ang isang malaking bahagi ng pondo ng kampanya ni Republican American President Donald Trump, na nagkakahalaga ng higit sa $ 350 milyon, ay nagmula sa mga indibidwal na kontribusyon, sa 38.11%, at “mga transfer mula sa iba pang mga awtorisadong komite,” sa 38.38%. Ang isang malaking halaga ay nagmula sa sariling bulsa ni Trump sa pamamagitan ng mga pautang, 13.55%, at mga kontribusyon ng mga kandidato, 5.31%.
Sa kaso ng hinalinhan ni Trump, ang Democrat na si Barack Obama, 72.25% ng kanyang mahigit sa $760-milyong pondo ng kampanya para sa kanyang reelection ay nagmula sa mga indibidwal na kontribusyon.
Hindi bababa sa 14 estado ng Amerika ang nagpapatupad ng pampublikong pagpopondo para sa mga kampanyang pampulitika. Halimbawa, ang Arizona ay nag-aalok ng buong “clean funding” para sa mga kandidato sa lahat posisyon sa estado at pambatasan “na sumasang-ayon na talikuran ang espesyal na interes at mataas na kontribusyong dolyar.” Ito, kung makakukuha sila ang $ 5 na kontribusyon mula sa hindi bababa sa 200 hanggang 4,000 indibidwal, depende sa posisyon, bilang patunay na ang kandidato ay may sapat na pampublikong suporta.
Samantala, nag-aalok ang Michigan ng bahagyang pagpopondo para lamang sa mga kandidato na pang gobernador:
- Sa panahon ng mga kampanya para sa primary election sa pamamagitan ng isang matching fund para sa mga nagawang mangolekta ng hindi bababa sa $ 75,000 sa mga kwalipikadong kontribusyon. Ang mga kwalipikadong kontribusyon ay direktang mga donasyon ng mga indibidwal na $ 100 o mas mababa; at
- Mga kampanya para sa general election kung saan ang bawat kandidato mula sa isang pangunahing partido ay bibigyan ng karaniwang $1,125,000.
Ang iba pang mga estado na nagpapatupad ng mga programa sa pagpopondo ng publiko para sa mga kampanyang pampulitika ay ang Connecticut, Florida, Hawaii, Maine, Maryland, Massachusetts, Minnesota, New Mexico, Rhode Island, Vermont, West Virginia, at Wisconsin.
Mga Pinagmulan
Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, May 14, 2019
Federal Election Commission, Presidential Public Funding Program, April 1993
Federal Election Commission, Public funding of presidential elections
Usa.gov, Presidential Election Process
Federal Election Commission, Presidential Public Funding Program – Public funds received by candidates 1976-present (.xls)
Federal Election Commission, TRUMP, DONALD J. / MICHAEL R. PENCE, 2016
Federal Election Commission, Registering Your Principal Campaign Committee and Other Authorized Committees
Federal Election Commission, OBAMA, BARACK, 2012
University of Northern Texas Digital Library, Congressional Research Service: Public Financing of Congressional Campaigns: Overview and Analysis, Jan. 25, 2010
National Conference of State Legislatures, Overview of State Laws on Public Financing
National Conference of State Legislatures, State Public Financing Options 2015-2016 Election Cycle, July 17, 2015
Azcleanelections.gov, How clean funding works
Azsos.gov, Campaign Finance Candidate Guide
Senate.michigan.gov, THE STATE CAMPAIGN FUND, 2001
Michigan.gov, Public Funding for Gubernatorial Candidates