Hindi totoo ang sinabi ni Sen. Imee Marcos na Pilipinas ang nagpataw ng “pinakamaagang lockdown … sa buong mundo” upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.
PAHAYAG
Nang tanungin sa isang panayam noong Nob. 30 sa CNN Philippines upang ipaliwanag ang kanyang panukala na payagan ang local government units na luwagan ang mga paghihigpit sa quarantine at buksan muli ang mga paaralan para sa limitadong in-person na mga klase sa mga lugar na may mababang transmission ng COVID-19, sinabi ni Marcos:
“We know that we’ve had the earliest, longest, arguably the most expensive lockdown in the world…Without jeopardizing anyone’s health, without threatening anyone with infection, I think it’s about time that we start localizing, to the smallest degree, to the smallest possible, quarantines. They cost too much; we can ill afford them.
(Alam namin na tayo ang may pinakamaaga, pinakamahaba, masasabing pinakamahal na lockdown sa buong mundo … Nang hindi inilalagay sa panganib ang kalusugan ng sinuman, nang walang pagbabanta sa sinumang na impeksyon, sa palagay ko panahon na para magsimula tayo ng lokalisasyon, sa pinakamababang antas, sa pinakamaliit na posible, mga quarantine. Masyado itong magastos; hindi natin kayang masustentuhan ang mga ito.)”
Pinagmulan: CNN Philippines, The Source: Imee Marcos, Nob. 30, 2020, panoorin mula 2:48 hanggang 3:45
ANG KATOTOHANAN
Taliwas sa pahayag ni Marcos, hindi bababa sa limang mga bansa — China, Vietnam, Italy, Mongolia at Saudi Arabia — ang nauna sa Pilipinas sa pagpapataw ng lockdown at quarantine measures para mapigilan ang COVID-19 pandemic.
Noong Peb. 13, ipinasailalim ng Vietnam ang hindi bababa sa 10,000 mga residente ng Son Loi, isang commune sa lalawigan ng Vinh Phuc, sa quarantine matapos na matuklasan ang anim na kaso ng COVID-19 sa lugar. Ang lockdown na ito ay itinuring na isa sa mga unang mass quarantines sa labas ng China, ang kauna-unahang bansa na nagdeklara ng lockdown noong Enero 23 sa Wuhan City — ang epicenter ng mga kaso ng COVID-19 — dahil sa tumataas na bilang ng mga taong nahawahan ng contagion.
Sumunod ang ibang mga bansa sa mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa buong mundo. Ini-lockdown ng Italy ang 11 mga munisipalidad noong Peb. 23 sa loob ng 14 na araw bago tuluyang idineklara ang quarantine sa buong bansa simula Marso 10. Ang Saudi Arabia at Mongolia ay nagpataw ng kanilang sariling mga community quarantine noong Marso 8 at Marso 10, ayon sa pagkakabanggit.
Nagpataw ang Pilipinas ng quarantine noon lamang Marso 15, apat na araw matapos idineklara ng World Health Organization (WHO) na COVID-19 pandemic sa kabila ng pagtatala ng unang tatlong kumpirmadong mga pasyente ng COVID-19, na pawang mga mamamayan ng China na bumibisita sa bansa mula sa Wuhan City bandang huli ng Enero. Ang isa sa mga pasyenteng ito ay ang kauna-unahang naitala na namatay sa labas ng China.
Unang binale-wala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga takot tungkol sa COVID-19 nang sinabi niya sa press briefing noong Peb. 3 na ang virus ay “mamamatay ng kusa kahit na walang bakuna.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte sinabing nagbabala siya tungkol sa ‘nakamamatay’ na COVID-19 mula pa sa simula. Hindi naman.)
Mula noon binago ni Duterte ang kanyang pananaw matapos sabihin sa maraming gabing-gabi na public address na bakuna ang “tanging sagot” laban sa COVID-19. Hiniling pa niya sa mga Pilipino na “ipagpaliban” ang kamatayan at maghintay hanggang ang bakuna ay pinakamaagang magagamit bandang Disyembre o Enero 2021.
Bagaman unti-unting niluluwagan, ang mga manakanakang community quarantine sa Pilipinas ay kabilang sa pinakamahaba sa mundo, na umaaabot na ng siyam na buwan, o 268 araw noong Dis. 8. Ang quarantine measures na ito ay inuri sa apat na kategorya, mula sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) sa niluwagan na modified general community quarantine (MGCQ), lahat ay naglalayong mapigilan ang pagkalat ng impeksyon sa mga tukoy na lugar.
Maliban sa Metro Manila at pitong mga lalawigan at lungsod na nasa ilalim pa rin ng GCQ, lahat ng iba pang mga pamayanan sa bansa ay nasa ilalim ng MGCQ hanggang Dis. 31 dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 infection. Hanggang noong Dis. 8, higit sa 442,780 kabuuang kaso ang naitala sa bansa, kung saan 25,325 ang recovering; 408,790 ang naka recover na; at 8,670 ang patay.
Inulit lang ni Marcos, isang kaalyado ni Duterte, ang maling mga pahayag ng pangulo noong Abril na ang Pilipinas ang unang bansa na nagpataw ng lockdown dahil sa COVID-19. Binigyan-katuwiran din ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang paunang tugon ng gobyerno laban sa contagion sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-echo ng maling pahayag ni Duterte:
- Duterte repeats false claim that PH was ‘first’ to impose COVID lockdown in Asia;
- Roque repeats false claim that PH was ‘first’ to impose COVID lockdown in Southeast Asia; and,
- Roque repeats false claim on COVID lockdown for the third time
Mga Pinagmulan
CNN Philippines, The Source: Imee Marcos, Nov. 30, 2020
China lockdown
- New York Times, China Ends Wuhan Lockdown, but Normal Life Is a Distant Dream, April 17, 2020
- Business Insider, How Wuhan residents are reacting to the end of their 76-day lockdown, April 15, 2020
- CNN, China lifts lockdown on Wuhan as city reemerges from coronavirus crisis, April 8, 2020
- World Health Organization, Situation Report No. 3 on 2019-ncov, Jan. 23, 2020
Vietnam lockdown
- Straits Times, Vietnam quarantines area with 10,000 residents over coronavirus fears, Feb. 13, 2020
- Bangkok Post, Vietnam locks down 10,000 people over coronavirus, Feb. 13, 2020
- Garda, Vietnam: Son Loi (Vinh Phuc province) placed under quarantine due to coronavirus February 13 /update 7, Accessed Dec. 8, 2020
Italy lockdown
- Official Gazette, GAZZETTA UFFICIALE, Feb. 23, 2020
- Italian government official website, Il Presidente Conte firma il Dpcm 9 marzo 2020 |, March 9, 2020
Saudi Arabia lockdown
- Al Arabiya, Saudi Arabia temporarily suspends travel to 9 coronavirus-hit countries, March 9, 2020
- Sauid Press Agency, Ministry of Interior: Suspending entry into and exit from Qatif Governorate temporarily The official Saudi Press Agency, March 8, 2020
- Straits Times, Saudi Arabia locks down Qatif region, suspends schools over coronavirus, March 9, 2020
Mongolia lockdown
- Straits Times, Mongolia locks down cities after reporting first coronavirus case, March 10, 2020
- Garda, Mongolia: Government places Ulaanbaatar and other cities on lockdown due to COVID-19 March 10 /update 7, March 10, 2020
- Erkhembayar et al. on The Lancet, Early policy actions and emergency response to the COVID-19 pandemic in Mongolia: experiences and challenges, July 23, 2020
Presidential Communications Operations Office, Gov’t imposes community quarantine in Metro Manila to contain coronavirus, March 13, 2002
World Health Organization, WHO Director-General’s opening remarks at the media briefing on COVID-19 – 11 March 2020, March 11, 2020
Department of Health, DOH REPORTS 4+9 NEW COVID-19 CASES; TOTAL NOW 33, March 10, 2020
Department of Health, DOH REVEALS MORE NEGATIVE 2019-NCOV CASES; CONFIRMS FIRST NCOV ARD DEATH IN PH, Feb. 2, 2020
Department of Health, DOH CONFIRMS 3RD 2019-NCOV ARD CASE IN PH, Feb. 5, 2020
First COVID-19 fatality outside China
- BBC, Coronavirus: First death outside China reported in Philippines, Feb. 2, 2020
- Reuters, Coronavirus kills Chinese man in Philippines, first death outside China, Feb. 2, 2020
- Rappler.com, Coronavirus: What we know about first death outside China, Feb. 2, 2020
RTVMalacanang, Briefing on the 2019 Novel Coronavirus – Acute Respiratory Disease 2/3/2020, Feb. 3, 2020
Duterte on COVID-19 vaccine
- RTVMalacanang, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan? | Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19, Aug. 17, 2020
- RTVMalacanang, PRRD’s Meeting with the IATF-EID and Talk to the People on Covid-19 07/31/2020, July 31, 2020
- RTVMalacanang, PRRD’s Meeting with the IATF-EID and Talk to the People on COVID-19 5/19/2020, May 19, 2020
Philippines with one of the longest-running lockdowns
- Inquirer.net, Longest lockdown, lost opportunities: PH COVID-19 cases go past 300,000, Sept. 27, 2020
- Agencia EFE, World’s longest lockdown extended in Manila | World | English edition, Sept. 29, 2020
- Japan Times, Philippines now has worst COVID-19 outbreak in Southeast Asia, Aug. 7, 2020
Official Gazette, OMNIBUS GUIDELINES ON THE IMPLEMENTATION OF COMMUNITY QUARANTINE IN THE PHILIPPINES with Amendments as of October 08, 2020, Oct. 10, 2020
Presidential Communications Operations Office, Davao del Norte placed under GCQ starting December 1, Metro Manila, Davao City remain GCQ, Nov. 30, 2020
Department of Health, COVID-19 Case Bulletin No. 269, Dec. 8, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)