Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Jay Sonza nag post ng maling litrato sa Leni b-day Pasay rally

WHAT WAS CLAIMED

Litrato ng campaign rally ni Leni Robredo sa isang open field, na may mga lugar na kakaunti ang tao, na sinasabing rally sa Pasay City noong Abril 23.

OUR VERDICT

Nakaliligaw:

Ang ginamit na litrato ay ang campaign rally ni Robredo sa Mandaue City noong Abril 21. Ang rally noong Abril 23 ay ginanap sa isang mahabang kalsada, hindi sa open area gaya ng ipinapakita.

By VERA Files

Apr 27, 2022

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Niligaw ni dating broadcaster Jay Sonza ang mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng ibang litrato sa isang Facebook (FB) “congratulatory” post sa bilang ng mga dumalo sa #ArawNa10To! rally na ginanap sa Pasay City noong April 23 para kay Vice President Leni Robredo.

Ang kanyang post ay nagpakita ng litrato ng rally sa Mandaue City, Cebu noong Abril 21.

PAHAYAG

Maaga pa noong Abril 24, nag-post ni Sonza ng mensaheng ito:

“ congratulations/

to the organizers & the 412k attendees

all star cast concert: leni@57 in pasay.”

 

( congratulations/

sa mga organizers at sa 412k attendees

all star cast concert: leni@57 sa pasay.)

 

Pinagmulan: Opisyal na Facebook account ni Jay Sonza, congratulations/…, Abril 24, 2022

Ang litrato ni Sonza ay mula sa isang rally para kay Robredo sa isang open field, na may mga lugar na kakaunti ang populasyon. Sinabi ng ilang netizens na ito ay nakaliligaw ng mga tao dahil ginanap ang rally ni Robredo sa Pasay City sa kahabaan ng kalsada, hindi sa open area gaya ng ipinapakita.

Ang isa pang user na mukhang naniniwala sa post ni Sonza ay kinukutya ang kampanya ni Robredo dahil sa “pinararami ang bilang ng mga dumalo” sa rally.

Ang FB post ay umani ng 17,000 reactions, 3,300 comments, at 736 shares noong Abril 27.

ANG KATOTOHANAN

Ipinapakita ng reverse image search na ang litratong ipinost ni Sonza ay nakunan at in-upload ng isang FB user noong Abril 21 sa “CeBoom! Cebu Grand People’s Rally 2.0” para kay Robredo.

Sa kanyang post, nagbigay ang FB user ng mga litrato at video ng Cebu rally shot mula sa kanyang condominium unit na overlooking sa North Reclamation Area (NRA) sa Mandaue City, Cebu. Ang isang mapa na nai-post ni Ricky Ballesteros, isa sa mga coordinator ng event, ay nagpapakita na ang NRA ay isang open square field.

Ang rally sa Pasay City noong Abril 23 ay ginanap sa 1.6 kilometrong bahagi ng Diosdado Macapagal Blvd., mula sa J.W. Diokno Blvd. sa EDSA, ayon sa Youth For Leni – Pasay’s official FB page.

Nakasaad sa post ni Sonza na humigit-kumulang 412,000 katao ang dumalo sa #ArawNa10To! rally sa Pasay City. Tumutugma ito sa pagtatantya ng karamihan na ibinigay ng mga lokal na organizer at iniulat ng maraming organisasyon ng media.

Gayunpaman, sinabi ng National Capital Region Police Office sa isang pahayag noong Abril 25 na nasa 70,000 hanggang 80,000 na mga tagasuporta at boluntaryo lamang ang dumalo sa rally.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

The Freeman, Ceboom! grand people’s rally: Huge crowd for Robredo, April 22, 2022

GMA News, Robredo draws crowd in Mandaue City, says Cebu development aligned with her plans, April 22, 2022

Cebu Daily News, 250k Kakampinks attend Cebu rally – organizers, April 21, 2022

Ricky Ballesteros’ Facebook account, The land area for the Lenikiko Grand Rally…, April 21, 2022

Google Maps, Diosdado Macapagal Blvd., accessed Feb. 25, 2022

Youth for Leni – Pasay’s official Facebook page, Handa na ba kayong magtipon-tipon… April 21, 2022

Rappler, Robredo’s marching orders to 412,000 in Pasay: Open your hearts, fight fake news, April 24, 2022

BusinessWorld, Robredo celebrates birthday in Pasay rally, camp estimates 412K people, April 25, 2022

Philippine Daily Inquirer, More celebrities pitch for Leni in record-breaking Pasay rally, April 25, 2022

National Capital Region Police Office, NCRPO Successfully Secures Campaign Rallies held in Pasay, Manila and San Juan, April 25, 2022

 

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.