Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Lider ng hukbong dagat ng Japan, HINDI nagbanta ng giyera laban sa China

WHAT WAS CLAIMED

Japanese commander nagbanta ng digmaan kung hindi susunot ang China sa international law

OUR VERDICT

Mali:

Hindi nagbabala ang Japanese commander ng ganoon.

Ayon sa Kabanata 2, Artikulo 9 ng konstitusyon ng Japan, habambuhay na tinatalikuran ng mga Hapones ang digmaan bilang kataas-taasang karapatan ng bansa at ang pagbabanta o paggamit ng dahas bilang paraan ng pagreresolba ng mga alitang pandaigdig.

By VERA FILES

Oct 17, 2023

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong Oct. 12, 2023.)

Isang video ang nagsasabing isang komander ng hukbong dagat ng Japan ang nagbanta ng digmaan kung hindi susundin ng China ang mga batas pandagat. Hindi ito totoo.

Ang pahayag na galing daw kay Japanese commander Noguchi Yuta ng Akizuki-class destroyer JS Suzutsuki ay tumutukoy sa kahandaan sa misyon ng Japanese Maritime Self-Defense Force.

Noong Sept. 20, isang Facebook page ang nag-share ng isang video na ini-upload sa YouTube noong June 28. Sabi ng video: 

“HULING BABALA! Japanese Commander NAGBANTA NG DIGMAAN Kung Hindi Susunod Ang CHINA!”

Hindi nagbabala si Yuta ng ganoon. Sa isang pahayag noong June 23, matapos ilunsad ng JS Suzutsuki ang isang RIM-162 Evolved SeaSparrow Missile habang nasa pagsasanay kasama ang U.S. Navy sa Hawaii, sinabi ng Japanese commander:

“We managed to display the full capability of our installed weapon systems, succeeded in defeating a target, and improved our tactical capabilities. In addition, crew morale is high to respond to new missions.” 

(Kinaya nating ipakita ang buong kakayahan ng ating mga sistemang pansandata, nagtagumpay sa pagtalo sa isang target, at napahusay ang mga kakayahan nating pantaktika. Dagdag pa, ang diwa ng grupo ay mataas sa pagtugon sa mga bagong misyon.)

Ayon sa Kabanata 2, Artikulo 9 ng konstitusyon ng Japan, habambuhay na tinatalikuran ng mga Hapones ang digmaan bilang kataas-taasang karapatan ng bansa at ang pagbabanta o paggamit ng dahas bilang paraan ng pagreresolba ng mga alitang pandaigdig.

Pinost ng YouTube channel na Terong Explained (ginawa noong Oct. 6, 2015) at ini-upload ulit ng Facebook page na PH Speaker (ginawa noong Sept. 19, 2022), ang video na may maling impormasyon ay humakot ng 450,349 interactions.

Inilabas ang video matapos sinabihan ng Japan ang China na tanggalin ang mga buoy malapit sa pinagtatalunang Senkaku Islands sa East China Sea.


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.