Mula sa pagsabing “hindi [kailangan] ng pera” ng Pilipinas mula sa Iceland at 17 iba pang mga bansa na bumoto para sa isang imbestigasyon sa kalagayan ng karapatang pantao sa bansa, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na panahon na para mag “move on.”
Ito, matapos na isantabi ng gobyernong Duterte ang utos nito na huwag tanggapin ang lahat ng tulong mula sa bansang Nordic, dahil sa pamumuno sa resolusyon tungkol sa imbestigasyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), at ang 17 na iba pa na sumuporta sa pagkilos.
PAHAYAG
Tumugon sa pamamagitan ng Twitter sa kwento ng Inquirer.net tungkol sa pagbabago ng patakaran, sinabi ni Locsin:
“This is called moving on. After all, we defeated that resolution with the big help of our real friends like China, African states; Japan and a big group that she convinced to abstain (Ito ang tinatawag na moving on. Tutal, natalo namin ang resolusyon na iyon sa tulong ng aming tunay na mga kaibigan tulad ng China, mga estado ng Africa; Japan at isang malaking grupo kanyang na kumbinsi na mag abstain).”
Pinagmulan: @teddyboylocsin, This is called moving on, Marso 5, 2020
FLIPFLOP
Sa isang tweet noong Setyembre 2019, tinawag ni Locsin ang memorandum tungkol sa ban, na inisyu ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa ngalan ng pangulo, na isang “magandang ideya,” at sinabing:
“We don’t need the money (from the 18 countries that signed the UNHRC resolution); we’ve more than enough without turning to anyone outside except Japan of course whose generosity is unconditional, quick; and whose motivation is honestly to help the Philippines. The rest are tongue in cheek and negligible.
(Hindi namin kailangan ang pera (mula sa 18 mga bansa na pumirma sa UNHRC resolution); mayroon kaming higit sa sapat nang hindi lumalapit sa sinuman maliban sa Japan syempre na ang kabutihang-palad ay walang pasubali, mabilis; at kung saan ang motibasyon ay matapat na tulungan ang Pilipinas. Ang natitira ay mapanuya at hindi maaasahan.)”
Pinagmulan: @teddyboylocsin, Good idea. We don’t need the money, Set. 20, 2019
Ang resolusyon na pinamunuan ng Iceland, na pinagtibay ng UNHRC Hulyo 11 noong nakaraang taon, ay “hinimok” ang Pilipinas na “gumawa ng lahat ng kinakailangang hakbang upang maiwasan ang extrajudicial killings at enforced disappearances” at nanawagan sa UN High Commissioner on Human Rights na maghanda ng “comprehensive written report ”tungkol sa sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Andanar’s claim that Iceland has no representation in PH is WRONG)
Argentina, Australia, Austria, Bahamas, Bulgaria, Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Italy, Mexico, Peru, Slovakia, Spain, Ukraine, United Kingdom, at Uruguay ay ang iba pang mga bansa na bumoto ng pabor sa panukala.
Sa isang pahayag kasunod ng pagpapatibay ng resolusyon ng UNHRC, sinabi ni Locsin na “hindi tinatanggap” ng Pilipinas ang pagkilos, at idinagdag na:
“[W]e will not tolerate any form of disrespect or acts of bad faith. There will be consequences; far-reaching ones (Hindi namin papayagan ang anumang uri ng kawalang-galang o bad faith. May mga (masamang) kahihinatnan (ito); malalayo ang mararating).”
Pinagmulan: Department of Foreign Affairs, Statement of Philippine Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin on the Adoption of the Iceland Resolution by the Human Rights Council, Hulyo 11, 2019
Sa isang press briefing noong Marso 5, tinawag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang ban na isang “reaksyon bunga ng galit.” Sinabi niya: “Naipahayag na namin ang aming paninindigan sa (resolusyon), marahil mayroon na ngayong dahilan upang baguhin ito (ang patakaran).”
Inilabas noong Peb. 27, inutusan ng memorandum ang lahat ng mga kalihim ng departamento at pinuno ng mga ahensya, mga government-owned and controlled corporations at state financial institutions na ipagpatuloy ang mga pakikipag-usap para sa pagpirma ng loan at grant agreements sa 18 mga bansa. Hindi nito tinukoy ang dahilan para sa pagbabago ng patakaran.
Basahin ang buong memorandum dito:
Memorandum lifting UNHRC si… by VERA Files on Scribd
Mga Pinagmulan
Un.org, Promotion and protection of human rights in the Philippines (A/HRC/41/L.20), July 5, 2019
Office of the President, Memorandum from the Executive Secretary, Feb. 27, 2020
@teddyboylocsin, This is called moving on, March 5, 2020
@teddyboylocsin, Good idea. We don’t need the money, Sept. 20, 2019
Philstar.com, Philippines shuns aid from countries in Iceland resolution, Sept. 21, 2019
CNN Philippines, Philippines suspends aid from countries that back UN drug war probe, Sept. 21, 2019
Inquirer.net, Duterte order shuns all loans, grants, aid from 18 countries backing probe of PH killings, Sept. 20, 2019
Department of Foreign Affairs, Statement of Philippine Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin on the Adoption of the Iceland Resolution by the Human Rights Council, July 11, 2019
Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, March 5, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)