Minaliit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang insidente noong Peb. 17 kung saan nag umang ng radar gun ang isang Chinese warship sa isang Philippine navy ship na nasa loob karagatan ng Pilipinas, na sumasalungat sa naunang pahayag ng militar.
PAHAYAG
Sa isang virtual presser noong Abril 28, sinabi ni Lorenzana, matapos hinilingan na magbigay ng update sa bagay na ito:
“[A]ng ating pagkakaalam diyan sa laser gun [insidente] ay hindi naman offensive (nakakasakit) masyado.”
Sinabi niya na unang una, ang “medyo nakakasakit” ay ang pagtutok ng Chinese warship ng radar gun, na karaniwang ginagamit sa “target acquisition,” sa barko ng Pilipinas. Pagkatapos sinabi ng defense chief:
“Pero ito ay katulad lang noong kanilang ginagawa tuwing tayo ay dadaan diyan sa West Philippine Sea within our (sa loob ng ating) EEZ (exclusive economic zone) at tsina-challenge (hinahamon) tayo.”
Idinagdag ni Lorenzana:
“[H]indi naman siguro nila gustong saktan or harm our (o mapinsala ang ating) — siguro sinusubukan lang nila kung anong magiging reaction (reaksyon) natin.”
Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Public Briefing #LagingHandaPH Episode #36 People’s Television Network, Inc. (PTV), Abril 28, 2020, panoorin mula 8:41 hanggang 10:45
ANG KATOTOHANAN
Ang mga pahayag ng kalihim ay hindi ayon sa isang naunang pahayag ng Armed Forces of the Philippines Western Command (WESCOM) — na mayroong hurisdiksyon sa West Philippine Sea — na naglarawan sa ginawa ng Chinese warship bilang “pangkaaway ang hangarin.”
Ang isang bahagi ng pahayag, na inilabas noong Abril 23, ay nagsaad na:
“This hostile act on the part of the Chinese government and encroachment within the Philippines’ [EEZ] is perceived as a clear violation of international law and Philippine sovereignty.
(Ang pang-kaaway na pagkilos na ito sa bahagi ng gobyerno ng China at pagpasok sa loob ng [EEZ] ng Pilipinas ay isang malinaw na paglabag sa internasyonal na batas at soberanya ng Pilipinas.)”
Pinagmulan: Western Command Armed Forces of the Philippines official Facebook page, WESCOM clarifies the recent incident between Phil Navy and PLAN vessel within Philippine Waters, Abril 23, 2020
Noong Peb. 17, patungo ang barko ng Pilipinas na BRP Conrado Yap para magsasagawa ng mga sovereignty partrol sa inookupa ng Pilipinas na Rizal (Commodore), na nasa loob ng EEZ ng bansa, nang makita ang isang “radar contact ng isang kulay-abo na sasakyang pandagat,” anang pahayag ng WESCOM. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Three things Duterte got wrong on the PH-China maritime standoff)
Kinilala ng mga tripulante ng barko ng Pilipinas ang sasakyan na isang corvette warship ng Chinese People’s Liberation Army, at “biswal na nakita” ang “Gun Control Director” ng huli na nakatutok sa kanila. Ang nasabing kagamitan ay maaaring magamit upang “italaga at subaybayan ang mga target at [gawin] na ihandang paputukin ang lahat ng mga pangunahing baril nang wala pang isang segundo,” idinagdag nito.
Sa isang tweet noong Abril 22, kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ang gobyerno ay nagsampa na ng isang diplomatikong protesta laban sa Beijing dahil sa isyu.
Tumugon sa mga pahayag ni Lorenzana noong Abril 28, sinabi ni Locsin na siya, sa kabilang banda, ay “hindi papayag na tutukan [siya] o [kanyang] mga kababayan,” at idinagdag:
“This is the last word on the subject that I already warned everybody is strictly my exclusive competence and jurisdiction under the president and nobody else in the government (Ito ang huling salita sa paksa na binalaan ko na ang lahat ay mahigpit na aking eksklusibong kakayahan at hurisdiksyon sa ilalim ng pangulo at walang ibang tao sa gobyerno).”
Pinagmulan: Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, “This is the last word,” Abril 29, 2020
Sa ngayon ay nanatiling tahimik sa isyu si Pangulong Rodrigo Duterte, na ilang ulit na nagbabala laban sa pakikipagdigma sa China sa mga nakaraang talumpati. Sa isang pahayag noong Marso 2019, sinabi niya na ang pakikipag-giyera dito ay magiging isang “masaker” ng mga sundalong Pilipino dahil “wala tayong kakayahang labanan sila.”
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang Abril 23 virtual presser na ang gobyerno ay “patuloy na po-protektahan at isusulong ang ating pambansang teritoryo at mga soberanong karapatan.”
Sa isang panayam online noong Abril 27, tinawag ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang insidente na isang “matinding paglala (ng sitwasyon) ng Tsina,” dahil nangyari ito malapit sa pasilidad ng natural gas ng Malampaya, na pinanggagalingan ng hanggang 40 porsyento ng buong kinakailangang enerhiya ng Luzon.
Habang ito ay “hindi” isang mitsa ng digmaan, ito ay “tiyak na isang kilos ng kaaway … sapagkat ito ay isang hakbang lamang mula sa pagpapaputok,” sabi ni Carpio, na may mahalagang papel sa tagumpay ng bansa sa arbitration case nito laban sa China sa pagtatalo ng South China Sea sa Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Hague noong 2016.
Ang PCA ruling ay hindi nagpawalang-bisa sa nine-dash line ng China, na umaangkin ng halos 80 porsyento ng buong South China Sea bilang teritoryo ng China, kabilang ang mga maritime zone ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei, at Taiwan. (Tingnan ang PH wins: Arbitral court invalidates China’s 9-dash line)
Mga Pinagmulan
Inquirer.net, Wescom says Chinese warship readied guns vs PH Navy ship in PH territory, April 23, 2020
ABS-CBN News, Chinese ship had ‘hostile intent’ in pointing radar gun at PH vessel: military, April 23, 2020
Rappler, Chinese warship targeted Philippine Navy vessel in West PH Sea – AFP, April 23, 2020
Presidential Communications Operations Office, Public Briefing #LagingHandaPH Episode #36 People’s Television Network, Inc. (PTV), April 28, 2020
Western Command Armed Forces of the Philippines official Facebook page, WESCOM clarifies the recent incident between Phil Navy and PLAN vessel within Philippine Waters, April 23, 2020
AFP Western Command, ABOUT WESCOM, n.d.
Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, “At 5:17 pm today…,” April 22, 2020
Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, “But on the other hand…,” April 28, 2020
Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, “This is the last word,” April 29, 2020
Presidential Communications Operations Office, President Rodrigo Roa Duterte during the distribution of Certificate of Land Ownership Award (CLOA), March 8, 2019
President Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, April 23, 2020
Foreign Correspondents Association of the Philippines, FOCAP Online News Forum with Ex-SC Justice Carpio, April 27, 2020
Malampaya.com, Clean energy for Luzon, n.d.
Permanent Court of Arbitration, Press Release: The South China Sea Arbitration, July 12, 2016
Permanent Court of Arbitration, Award on the South China Sea Dispute, July 12, 2016
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)