Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Malacañang bumaligtad sa pagpapalaya kay U.S. marine Pemberton

Sa loob lamang ng apat na araw, nagbago ang posisyon ng Palasyo mula sa pagtawag na "judicial overreach" ang desisyon ng lokal na korte na palayain ang si United States marine Joseph Scott Pemberton hanggang sa pagbibigay ng absolute pardon sa pagpatay noong 2014 sa Pilipinong transgender woman na si Jennifer Laude.

By VERA Files

Sep 8, 2020

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa loob lamang ng apat na araw, nagbago ang posisyon ng Palasyo mula sa pagtawag na “judicial overreach” ang desisyon ng lokal na korte na palayain ang si United States marine Joseph Scott Pemberton hanggang sa pagbibigay ng absolute pardon sa pagpatay noong 2014 sa Pilipinong transgender woman na si Jennifer Laude.

PAHAYAG

Sa kanyang pahayag sa telebisyon noong Set. 7, binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tungkol sa kanyang naunang inihayag na desisyon na patawarin ang Amerikanong serviceman. Sinabi niya na “hindi patas” kay Pemberton na ang kanyang dapat na good conduct time allowance (GCTA) sa ilalim ng batas ng Pilipinas ay hindi nakuwenta nang maayos:

“Hindi makatarungan…Pinatawag ko sila (Justice Secretary Menardo Guevarra at Executive Secretary Salvador Medialdea) kanina; sabi ko it’s my decision to pardon. Correct me if I’m wrong but (desisyon ko na magbigay ng pardon. Itama ninyo ako kung ako ay mali, pero) ito ang tingin ko sa kaso. We have not treated Pemberton fairly (Hindi namin itinrato si Pemberton ng patas), so i-release (kaya’t papalayain) ko.”

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19 (sic), Set.e 7, 2020, panoorin mula 18:02 hanggang 18:44

FLIPFLOP

Ang pahayag ni Duterte ay taliwas sa sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang press briefing noong Set. 3 nang ibigay niya ang posisyon ng Palasyo sa desisyon ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74 na pagbigyan ang mosyon ni Pemberton para sa mas maagang pagpapalaya dalawang araw bago nito.

Si Roque, na nagsilbi bilang dating abogado para sa pamilyang Laude, ay nagsabi:

I’m speaking as [a] spokesperson (Nagsasalita ako bilang [isang] tagapagsalita). Mukha pong taliwas sa rekomendasyon na ginawa ng Bureau of Corrections ang naging desisyon ng korte. Sa mga naghahawak po sa pagkatao ni Pemberton…bigyan ninyo ng pagkakataon na mag-move for (humingi ng) reconsideration ang Executive Branch dahil ang desisyon naman po on allowance for good conduct is an executive function (sa allowance for good conduct ay isang executive function).”

Pinagmulan: Presidential Communication Operations Office, Press Briefing ng Presidential Spokesperson Harry Roque, Set. 3, 2020, panoorin mula 25:15 hanggang 26:50

Idinagdag ng tagapagsalita:

“…[I]yong ginawa po ni Judge na siya na ang nagdesisyon kung paano siya bibigyan ng credit for (para sa) good conduct is an instance of (ay isang halimbawa) judicial overreach.”

Noong huling bahagi ng Agosto, ang kampo ni Pemberton ay nagpetisyon sa korte ng Olongapo para sa maagang pagpapalaya batay sa sinasabing mga time allowance na naipon bunga ng good behavior, na ipinagkaloob ng korte noong Set. 1.

Ang GCTA ay isang probisyon sa pagbawas ng sentensya na binibigay sa mga taong pinagkaitan ng kalayaan na nagpapakita ng mabuting pag-uugali ayon sa utos ng Republic Act 10592. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Understanding good conduct time allowance for prisoners: 4 things you should know)

Nakasaad sa Sec. 5 ng batas na ang mga allowance para sa mabuting pag-uugali ay maaaring ibigay lamang ng:

  • director ng Bureau of Corrections;
  • pinuno ng Bureau of Jail Management and Penology; o,
  • warden ng isang probinsya, distrito, munisipyo o city jail.

Hindi lahat ng mga bilanggo ay maaaring makinabang sa GCTA. Hindi sakop ang mga recidivist, o mga iyong mga nahatulan nang dalawang beses o higit pa dahil sa anumang krimen, pagiging laging delinkuwente, pagtakas, at nakasuhan ng mga karumal-dumal na krimen.

Si Pemberton ay napatunayang nagkasala ng homicide sa parehong korte ng Olongapo noong 2015 dahil sa brutal na pagpatay kay Laude, at nahatulan ng anim hanggang 10 taong pagkakabilanggo. Ang kanyang hakbang para baligtarin ang hatol ay ibinasura ng Court of Appeals noong 2017. Noong Hunyo 2020, binawi niya ang kanyang huling apela sa harap ng Supreme Court.

Dahil si Pemberton ay sakop ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng United States, pinayagan siyang pagdusahan ang kanyang sentensya sa isang pasilidad ng Armed Forces of the Philippines na napagkasunduan ng parehong bansa. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Visiting Forces Agreement, ipinapaliwanag)

Naunang magsampa ang mga abugado ng pamilya Laude ng isang motion for reconsideration sa desisyon kamakailan ng korte ng Olongapo, na sinasabi, bukod sa iba pa, na ang GCTA law “ay ni hindi magagamit (sa kaso ni) Pemberton” sa dahil ang layunin ng batas ay upang decongest ang mga selda ng bilangguan ng bansa.

“[Ang] pagpapalaya kay Pemberton ay hindi makakatulong sa pagbawas ng mga tao sa selda ng bilangguan. Huwag kalimutan na siya ay may pribilehiyo [at inilagay] sa isang very privileged facility,” sinabi ng abogadong si Virginia Suarez sa isang panayam sa ANC noong Set. 2.

Sa pagpapaliwanag sa desisyon ng pangulo, sinabi ni Roque sa mga reporter na si Pemberton ay maaari na ngayong mapalaya, at idinagdag:

“Binura na po ng presidente kung ano pa ‘yung parusa na dapat ipapataw kay Pemberton. Ang hindi po nabura ng presidente [ay] ‘yung conviction ni Pemberton; mamamatay tao pa rin siya.”

(Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Five things you should know about presidential pardons)

 

Mga Pinagmulan

Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, “Cutting matters short over what constitutes time served…,” Sept. 7, 2020

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19 (sic), Sept. 7, 2020

People’s Television, WATCH: Palace virtual presser with Presidential Spokesperson Harry Roque, Sept. 3, 2020

Rappler, Pemberton’s bid for early freedom through GCTA now underway, Aug. 25, 2020

Philstar.com, Pemberton’s lawyer seeks dismissal of Laude family appeal on court’s early release order, Sept. 4, 2020

ANC 24/7, Laude camp files motion for reconsideration over early release of Scott Pemberton | ANC, Sept. 2, 2020

Official Gazette, Republic Act 10592

ABS-CBN News, Olongapo court convicts Pemberton of homicide, Dec. 1, 2015

Inquirer.net, Olongapo RTC reduces Pemberton prison sentence to 10 years, April 4, 2016

Rappler.com, Pemberton sentence reduced, April 4, 2016

CNN Philippines, Court affirms Pemberton’s conviction but reduces sentence to up to 10 years, April 3, 2016

Rappler, CA upholds 10-year jail time for U.S. marine who killed Jennifer Laude, Aug. 20, 2017

CNN Philippines, Revisiting the Jennifer Laude murder case, Feb. 24, 2015

ABS-CBN News, CA affirms guilty verdict vs Pemberton, April 10, 2017

ABS-CBN News, Closed, terminated: SC accepts Pemberton’s withdrawal of homicide conviction appeal, Aug. 24, 2020

Inquirer.net, Pemberton withdraws appeal at SC to review conviction, Aug. 22, 2020

Rappler, Pemberton withdraws appeal, accepts 10-year sentence from 2015, Aug. 24, 2020

Official Gazette, Agreement Between the Government of the Republic of the Philippines and the Government of the United States of America Regarding the Treatment of United States Armed Forces Visiting the Philippines, February 10, 1998, Feb. 10, 1998

Manila Times, Pemberton gets absolute pardon, Sept. 8, 2020

OnewNews, Be Fair: Duterte Grants Absolute Pardon To US Serviceman Convicted Of Killing Transgender Jennifer Laude, Sept. 8, 2020

CNN Philippines, Duterte grants ‘absolute pardon’ to convicted US Marine Pemberton, Sept. 7, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.