Noong Set. 7, ipinagkaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte ang absolute pardon ay United States marine Joseph Scott Pemberton, na nahatulan sa kasong homicide at sinentensiyahan ng anim hanggang 10 taon na pagkabilanggo dahil sa pagpatay sa Pilipinong transgender na babae na si Jennifer Laude noong 2014.
Narito ang apat na bagay na kailangan mong malaman tungkol sa kaso:
1. Ano ang absolute pardon?
Binibigyan ng kapangyarihan ng 1987 Constitution ang pangulo na patawarin ang mga bilanggo “pagkatapos na mahatulan sa panghuling paghuhukom.” (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Five things you should know about presidential pardons)
Ito ay isang “act of grace” mula sa chief executive na “pinatawad [ang] tao sa ibinigay na parusa” para sa ginawang krimen, ayon sa isang ulat ng Department of Justice (DOJ) noong 2003.
Mayroong dalawang uri ng presidential pardon: conditional, na ipinagkakaloob sa mga nagsilbi ng hindi bababa sa kalahati ng minimum na orihinal na sentensya; at, absolute, para sa mga nakapagsilbi na ng maximum na sentensya, pinalaya, at nakatanggap mula sa korte ng pagwawakas ng probation.
Kapag ang isang nahatulan na tao ay nabigyan ng absolute pardon, ang kriminal na pananagutan ng tao ay ganap na tinatanggal “nang walang anumang kundisyon,” sa gayon ay ibinabalik ang buong karapatang sibil at pampulitika, ayon sa primer ng Parole and Probation Administration (PPA), isang ahensya sa ilalim ng DOJ.
Gayunpaman, hindi nito “binubura ang nagawang krimen at hatol sa nagawang pagkakasala,” ayon sa desisyon ng Supreme Court noong 1989 sa kaso ng Monsanto v Factoran Jr. Nakasaad sa desisyon na:
“Pardon implies guilt…It does not wash out the moral stain. It involves forgiveness and not forgetfulness (Ang pardon ay nagpapahiwatig ng pagkakasala … Hindi nito natatanggal ang bahid na moral. Ito ay tungkol sa pagpapatawad at hindi pagkalimot).”
Mga Pinagmulan: Lawphil.net at Chan Robles Virtual Law Library, G.R. No. 78239
Upang maging kwalipikado para sa absolute pardon, kailangang ang tao ay:
-
- nakapagsilbi na ng maximum na sentensiya, nabigyan ng final release at pinalaya, o binigyan ng korte ng pagwawakas ng probation; o,
- 65 taong gulang pataas, at nagsilbi ng hindi kukulangin sa limang taon ng sentensya o ang patuloy na pagkabilanggo ay “nakasasama sa kanilang kalusugan,” tulad ng inirekomenda ng mga awtoridad sa kalusugan.
Ang aplikasyon ng isang nahatulan na tao na nabigong matugunan ang unang pamantayan ay maaari ring isaalang-alang kung siya ay nagnanais na maitalaga o mahalal sa posisyon, nangangailangan ng medikal na treatment sa ibang bansa na hindi maaaring gawin sa bansa, handang kumuha ng anumang eksaminasyon ng gobyerno, o pangingibangbayan, ayon sa isang service manual mula sa DOJ at PPA.
Maliban sa mga ito, ang Board of Pardon and Parole, na may tungkulin na suriin ang lahat ng mga aplikasyon para sa pardon, naglilista ng hindi bababa sa 13 mga kinakailangan sa dokumento, kabilang ang mga clearance mula sa pulisya, National Bureau of Investigation, at mga korte sa lugar kung saan naninirahan ang petitioner, at isang paunawa o komento mula sa nasaktan na partido, upang maproseso ang isang aplikasyon.
Gayunman, sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete, sa panayam noong Set. 8 sa ABS-CBN Teleradyo, na hindi kailangang dumaan ni Pemberton sa karaniwang pamamaraan dahil si Duterte, “batay sa kanyang pagpapahalaga sa mga katotohanan at mga argumento,” ay nagbigay ng pardon sa Amerikanong serviceman kahit walang aplikasyon.
Sinabi ni Perete na ang pamamaraan para sa “karaniwang” mga aplikasyon ng pardon ay hindi nagbabawal sa pangulo na magbigay ng naturang executive clemency.
2. Tungkol saan ang kaso ni Pemberton?
Ang absolute pardon na ipinagkaloob kay Pemberton ay nag ugat sa hatol kaugnay ng kanyang pagpatay sa 26-taong-gulang na si Laude sa isang kuwarto sa motel sa Olongapo City, Zambales, noong Oktubre 2014.
Noong Disyembre 2015, ang sundalong Amerikano ay napatunayang nagkasala ng homicide sa pagpatay kay Laude sa pamamagitan ng paglublob ng kanyang ulo sa toilet bowl sa kwarto ng motel. Sa mga paglilitis sa korte, inamin niyang sinakal niya si Laude bago niya kinaladkad sa banyo matapos malaman na siya ay isang transgender na babae habang nakikipagtalik.
Si Pemberton ay una nang hinatulan ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74 ng anim hanggang 12 taong pagkakabilanggo, ngunit sa kalaunan ay nabawasan ito hanggang 10 taon. Inatasan din siyang bayaran ang pamilya ni Laude ng P4.65 milyon bilang civil, moral, at exemplary damages, at iba pang gastos.
Dahil sakop siya ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng U.S., ginugol ni Pemberton ang kanyang buong sentensya sa solitary confinement sa isang espesyal na pasilidad ng militar sa Camp Aguinaldo. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Visiting Forces Agreement, ipinapaliwanag)
Noong Hunyo 2, binawi niya ang kanyang huling apela sa harap ng SC sapagkat kanyang “tinanggap [at] at kinilala [d]” na ang hatol ay “final at executory,” ayon sa isang resolusyon ng SC Third Division na isiniwalat sa media nito lamang huli ng Agosto.
Pagkalipas ng tatlong buwan noong Set. 1, binigyan si Pemberton ng isang maagang pagpapalaya ng parehong korte ng Olongapo sa kabila ng halos limang taon lamang niyang pagsilbi sa kanyang anim hanggang 10 taong sentensya.
Nagpasiya ang korte na ang dapat na good conduct time allowance credits ng sundalo — isang pagbawas sa sentensya sa ilalim ng batas ng Pilipinas para sa mga bilanggo na nagpapakita ng mabuting pag-uugali — ay nagpakita na nagsilbi na siya ng 10 taon, isang buwan, at 10 araw sa bilangguan. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Understanding good conduct time allowance for prisoners: 4 things you should know)
Nag apela ang pamilya Laude at ang kanilang mga abugado sa korte kaugnay ng desisyon, na sinasabing walang batayan o record na ipinakita na nagpapatunay na si Pemberton ay talagang nagpakita ng mabuting pag-uugali sa loob ng kanyang selda.
Ang proseso ng hudikatura ay natigil nang bigyan ni Duterte ng absolute pardon si Pemberton wala pang isang linggo matapos na ilabas ang utos ng korte ng Olongapo. Ang desisyon ng pangulo ay isang pagbaligtad sa naunang posisyon ng Palasyo. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Malacañang bumaligtad sa pagpapalaya kay U.S. marine Pemberton)
3. Ano ang mangyayari pagkatapos ng pardon?
Sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) na nilagdaan na nito ang order para sa paglaya ni Pemberton matapos matanggap ang opisyal na kopya ng kanyang absolute pardon mula sa DOJ noong Set. 10.
Pagkatapos ay nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa DZMM na mananatiling nakakulong si Pemberton sa Camp Aguinaldo, ngunit ang pag-iingat sa kanya ay ipauubaya ng BuCor sa mga opisyal ng Immigration para sa deportation.
Sinabi ni immigration chief Jaime Morente noong Set. 9 na agad ide-deport si Pemberton sa sandaling siya ay mapalaya at ipasa sa kanyang ahensya mula sa BuCor. Sinabi ni Morente na si Pemberton ay mayroong standing deportation order dahil sa pagiging isang “undesirable alien” na inilabas ng board of commissioners ng BI noong Set. 16, 2015.
4. Paano tumugon ang kampo ni Laude?
Sa isang pahayag na nai-post sa Facebook noong Set. 7, “mariing tinuligsa” ng abugado na si Virginia Suarez, tagapayo sa pamilya Laude, na nagsasalita sa ngalan ng kanyang mga kliyente, ang desisyon ni Duterte, na tinawag nitong “isang panunuya sa ating judiciary at legal system [at] isang paghamak sa soberanya at demokrasya ng Pilipinas.”
Sinabi niya na ang kaso ni Laude ay “sumasalamin sa sistematikong diskriminasyon at karahasan na idinulot ng [U.S.] sa mga kababaihang Pilipino, bata [,] at LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) na komunidad.”
(Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: The LGBTQ community in the eyes of Rodrigo Duterte)
Sa isang pakikipanayam sa ABS-CBN Teleradyo kinabukasan, kinontra ni Suarez si Duterte sa pagkampi kay Pemberton, na sinasabing magkakaroon ng “mas maraming Jennifer Laude” habang inuuna ang interes ng mga dayuhan.
Pinasinungalingan ng abogadong si Romel Bagares, miyembro ng Center for International Law (CenterLaw) at abogado ng pamilyang Laude, ang pahayag ng pangulo na si Pemberton ay hindi itinrato nang patas, na sinasabing ang Amerikanong marino ay “binigyan talaga … ng mga espesyal na pribilehiyo” sa Pilipinas sa ilalim ng VFA.
Mga Pinagmulan
On absolute pardon
Definition of absolute pardon
- Official Gazette of the Philippines, 1987 Constitution, Art. VII, Sec. 19
- Department of Justice, Year 2003 Accomplishment Report
- Parole and Probation Administration, FAQ on Parole/Executive Clemency
- Parole and Probation Administration, Mandate/Mission/Vision
- Department of Justice, Agencies: Parole and Probation Administration
- Lawphil.net, G.R. 78239: Monsanto v. Factoran Jr.
- Chan Robles Virtual Law Library, G.R. 78239: Monsanto v. Factoran Jr.
Process and qualifications of absolute pardon
- Parole and Probation Administration, Primer on Probation, Parole and Executive Clemency
- Board of Pardons and Parole, Board Resolution No. OT-04-15-2020: Interim Rules on Parole and Executive Clemency, Retrieved on Sept. 9, 2020
- Parole and Probation Administration, DOJ-PPA Service Manual (Updated 2016)
- Official Gazette of the Philippines, Executive Order No. 292 [BOOK IV/Title III/Chapter 6-Board of Pardons and Parole], July 25, 1987
- Board of Pardons and Parole, Updated Citizen’s Charter, Retrieved on Sept. 9, 2020
- ABS-CBN News, Pemberton pardon within Duterte’s prerogative under Constitution: justice official, Sept. 8, 2020
On Pemberton’s case
Conviction of Pemberton
- ABS-CBN News, Pemberton found guilty of homicide, Dec. 1, 2015
- Rappler.com, Pemberton guilty of homicide, Dec. 1, 2015
- Philstar.com, Pemberton found guilty of homicide for killing Jennifer Laude, Dec. 1, 2015
Pemberton admitted choking Laude
- Inquirer.net, Pemberton admits he choked Laude | Global News, Aug. 25, 2015
- Rappler.com, Pemberton admits strangling Laude ‘in self defense’ – lawyer, Aug. 24, 2015
- Philstar.com, Pemberton admits strangling, killing Laude | Philstar.com, Aug. 24, 2015
Pemberton’s sentence reduced
- Inquirer.net, Olongapo RTC reduces Pemberton prison sentence to 10 years, April 4, 2016
- Rappler.com, Pemberton sentence reduced, April 4, 2016
- CNN Philippines, Court affirms Pemberton’s conviction but reduces sentence to up to 10 years, April 3, 2016
Pemberton withdraws SC petition
- GMA News, Pemberton withdraws appeal at Supreme Court; case now closed and terminated, Aug. 24, 2020
- PTV, Pemberton withdraws SC petition, accepts conviction, Aug. 24, 2020
- Inquirer.net, Pemberton withdraws appeal at SC to review conviction, Aug. 22, 2020
Pemberton granted early release
- Rappler.com, As Filipino convicts wait for freedom via GCTA, US soldier Pemberton to walk free, Sept. 2, 2020
- PTV, Court orders early release of Pemberton, Sept. 2, 2020
- CNN Philippines, Court orders Pemberton’s early release on ‘good conduct’, Sept. 2, 2020
Laude camp appealed Pemberton’s early release
- Philstar.com, Pemberton’s lawyer seeks dismissal of Laude family appeal on court’s early release order, Sept. 4, 2020
- Manila Bulletin, Laude family lawyer insists court shouldn’t have issued release order for Pemberton, Sept. 7, 2020
- Washingont Post, U.S. Marine who killed transgender woman in Philippines is granted early release, Sept. 3, 2020
- CNN Philippines, Laude family appeals court decision to free PembertonSept. 2, 2020
Presidential Communications Operations Office, President Duterte on Pemberton’s pardon: I’m not favoring anybody, Sept. 8, 2020
RTVMalacanang, Press Briefing by Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. 9/3/2020, Sept. 3, 2020
Sources for TIMELINE: The early release of convicted US marine Pemberton
On what’s next after the pardon
ABS-CBN News, Pemberton hopes to go back to school after Duterte pardon: lawyer | Headstart, Sept. 8, 2020
ANC, Pemberton lawyer thanks Duterte for absolute pardon, assures he won’t be ‘spirited away’ from PH, Sept. 8, 2020
BuCor releases Pemberton
- PhilStar.com, BuCor signs Pemberton release papers, Sept. 11, 2020
- ABS-CBN News, BuCor signs release order for convicted killer Pemberton, Sept. 11, 2020
- PTV, BuCor signs Pemberton’s release order, Sept. 11, 2020
Pemberton to remain in Camp Aguinaldo
- Rappler.com, Pemberton Update.., Sept. 11, 2020
- PhilStar.com, Pemberton to remain in military compound while BI takes over custody for deportation processing, Sept. 11, 2020
- ABS-CBN News reporter Mike Navallo, Justice Sec Menardo Guevarra tells Teleradyo US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton will be turned over to custody of Immigration…, Sept. 11, 2020
BI to deport Pemberton immediately
- CNN Philippines, Pemberton to be deported after release from detention, Sept. 9, 2020
- GMA News, Immigration to deport Pemberton after release from prison, Sept. 9, 2020
- Inquirer.net, Immigration to implement deportation order against Pemberton, Sept. 9, 2020
BuCor started processing Pemberton’s release
- GMA News, BuCor now processing Pemberton release, spox says, Sept. 10, 2020
- Manila Bulletin, BuCor starts processing of Pemberton’s release – Manila Bulletin, Sept. 10, 2020
- Inquirer.net, BuCor commences release process for Pemberton, Sept. 10, 2020
GMA News, Dobol B Sa News TV Livestream: September 8, 2020 | Replay, Sept. 8, 2020
BuCor updated Pemberton’s records
- ABS-CBN News, Malacañang yet to submit pardon documents for Pemberton release: BuCor, Sept. 9, 2020
- CNN Philippines, LOOK: Mugshot of US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton.., Sept, 9, 2020
- Inquirer.net, BuCor updates Pemberton records, takes latest mugshot, fingerprints, Sept. 9, 2020
On the Laude camp’s response
Laude’s lawyer Atty. Virginia Suarez official Facebook account, This is revolting!, Sept. 7, 2020
ABS-CBN News, Duterte can’t fight foreign power, Laude camp says after Pemberton pardon | TeleRadyo, Sept. 8, 2020
ABS-CBN News Channel, The camp of slain transgender woman Jennifer Laude rejected President Duterte’s claim, Sept. 8, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)