Mula sa pagtatanggol sa Korte Suprema bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), inaatake na ngayon ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang tribunal.
Ang PET ay binubuo ng mga hukom ng Korte Suprema.
PAHAYAG
Sa isang media forum noong Enero 10, inakusahan ni Marcos si Associate Justice Benjamin Caguioa na “hindi patas at hindi makatarungan”:
“Nababahala ako dahil mukhang hindi patas ang pag trato sa akin sa PET at nakikita natin may naging, may mga nakababagabag na serye ng mga desisyon na ginawa si Justice Caguioa na malinaw na hindi patas at hindi makatarungan.”
Pinagmulan: pahina ng Facebook ni Bongbong Marcos, Enero 10, 2018, panoorin mula 1:38 hanggang 2:01
Ayon sa mga balita, ang kaso ng protesta ni Marcos ay na-raffle kay Caguioa.
Sinabi ni Marcos na minadali siya ng PET noong Kuwaresma noong nakaraang taon na magbayad ng P36 milyon bilang unang tranche upang pondohan ang poll recount, habang si Robredo ay binigyan ng palugit. Nagbigyan din si Robredo ng mga soft copy ng decrypted na litrato ng mga balota nang libre, habang binayaran ko ng P7 milyon ang parehong mga kopya na hindi ko pa natatanggap, dagdag ni Marcos.
Hindi pinagbigyan ng PET ang kahilingan ni Marcos na magkaroon ng mga opisyal na kopya ng mga decrypted na litrato ng mga balota.
FLIP-FLOP
Noong 2016, ipinagtanggol mismo ni Marcos ang PET.
Patutsada kay Robredo, na nagsabing may “balak na nakawin ang vice presidency” nang magbitiw bilang housing secretary, sinabi ni Marcos na “dapat nating piliin mabuti ang ating mga salita” kapag nagsasalita tungkol sa hukuman:
“Sinabi ko sa komento, na ito ay karaniwang isang paghamak sa Korte Suprema, na bilang Presidential Electoral Tribunal, ay may tanging awtoridad na magdesisyon sa protesta kaugnay ng halalan hinggil sa pagka-bise presidente noong Mayo ng taong ito. Ang Mataas na Hukuman ay hindi papayagan ang anumang pagtatangka na manipulahin ang pagdinig ng protesta. Gayunpaman, makikita natin na malinaw na may mga nagtatangkang gawin ito. Sinasabi ko na sinuman tayo, dapat nating piliin mabuti ang ating mga salita kapag nagsasalita tayo tungkol sa ating Korte Suprema.”
Pinagmulan: bongbongmarcos.com, Transcript ng talumpati ni Senator Bongbong Marcos sa PHILCONSA Event: We cannot escape history, Dec. 8, 2016
Sa hindi bababa sa tatlong pagkakataon mula nang isampa ang kaso ng protesta, ang kampo ni Marcos ay malugod na tinatanggap ang mga resolusyon ng PET na pumapabor sa kaniya:
- Ito ay “natuwa” na tinanggihan ng PET ang mosyon ni Robredo na ibasura ang kaso;
- Ito ay “nagalak” nang muling ipagkait ng korte ang motion for reconsideration ni Robredo;
- “Pinuri” nito ang resolusyon ng korte na nagsasabing ang Commission on Elections, hindi si Marcos, ang dapat magbayad ng mga gastusin para sa kaso.
Mga pinagkunan:
GMA News Online, PET keeping official copies of decrypted ballot images, other docs in VP poll protest, Jan. 18, 2018
The Manila Times, Marcos to get ballot copies in VP recount, Jan. 18, 2018
Inquirer.net, PET denies Bongbong’s request for original documents in VP poll protest, Jan. 18, 2018
bongbongmarcos.com, BBM camp lauds PET resolution rejecting COMELEC’s move to pass on ballot storage fees to Marcos, Oct. 30, 2017
bongbongmarcos.com, PET sustains BBM Election Protest, Sept. 5, 2017
bongbongmarcos.com, PET affirms BBM’s election protest, Feb. 16, 2017
Manila Standard, Robredo, Bautista deny ‘secret meeting’, July 15, 2016
Philstar.com, Bongbong poll protest raffled off to Noy counsel, July 5, 2016
ABS-CBN News, Aquino classmate gets Marcos poll protest: sources, July 4, 2016