Itutuloy ng Department of Justice (DOJ) sa Set. 6 ang paunang pagsisiyasat sa patung-patong na kasong isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Vice President Leni Robredo at 37 iba pa.
Nakasaad sa reklamo ng PNP-CIDG, na isinampa noong Hulyo 18, na si Robredo, walong miyembro ng klero, mga taga oposisyon, abogado, at iba pang mga miyembro ng civil society ay nagsabwatan upang patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte, at, dahil dito, nakagawa ng krimen ng sedisyon, bukod sa iba pa. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Four questions on sedition, answered)
Ang pangunahing katibayan nito? Ang sinumpaang salaysay ni Peter Joemel Advincula, ang nagpakilalang “Bikoy” na nasa likod ng serye ng video na “Ang Totoong (The Real) Narcolist” na nag-uugnay kay Duterte, mga miyembro ng kanyang pamilya, at malapit na mga kasama sa iligal na kalakalan ng droga.
Habang tinukoy ng PNP-CIDG ang bersyon ni Advincula ng mga kaganapan na maaaring kapani-paniwala para magamit bilang ebidensya, ipinakikita ng mga naunang talaan — mga pahayag sa publiko at affidavit — na siya ay ilang ulit nang bumaligtad at nagbigay ng mga maling impormasyon.
Sinubaybayan at sinuri ng VERA Files Fact Check ang mga pahayag ni Advincula sa kanyang anim na naitalang mga pahayag at nakakita ang mga tema, nawawalang impormasyon, at higit na marami pang hindi nagtutugmang pahayag sa kanyang kuwento.
Ang kwentong ‘Bikoy’ ay nagbago mula sa pagiging tungkol sa mga sindikato ng droga hanggang sa isang plano na patalsikin (ang pangulo).
Dalawang pangunahing salaysay ang lumilitaw sa anim na pahayag ni Advincula:
-
- isang malaking sindikato ng droga na kinasasangkutan ng mga high-profile na pulitiko na binago para maging swak sa grupo ng mga karakter; at
- isang masalimuot na balak para patalsikin ang pangulo.
Sa kanyang mga naunang pahayag — Sotto document, Integrated Bar of the Philippines (IBP) affidavit, at IBP press briefing — tinalakay lamang ni Advincula ang kanyang sinasabing pagkakasangkot sa “Quadrangle Group,” isang sindikato umano ng droga na nakabase sa Misibis Bay Resort sa Bicol, na pinangungunahan ng negosyanteng si Elizaldy “Zaldy” Co, ang may-ari ng resort.
Isinalaysay nang detalyado sa Disyembre 2016 Sotto document, isang pahayag na nilagdaan ni Advincula ngunit hindi ipinanotaryo, kung paano niya napasok umano ang sindikato nang hindi sinasadya noong 2010 bilang isang “technical controller,” na namamahala at nagpapanatili ng mga closed-circuit television monitor ng headquarter.
Habang ginagawa ito, nakita niya umano ang noo’y bagong halal na Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III,noo’y Interior Secretary “Mar” Roxas, at dating Justice Secretary (ngayon senador) Leila de Lima, bukod sa iba pa, na nakikipagpulong kay Co nang maraming beses at tumanggap ng malaking halaga mula sa operasyon ng sindikato.
Nang mga panahong nilagdaan ni Advincula ang dokumento, si De Lima, na noon ay isang senador, ay iniimbestigahan ng DOJ tungkol sa mga kasong iniuugnay sa droga.
Ang 2019 IBP affidavit at press briefing, kapwa may petsang Mayo 6, ay nagsasalaysay din ng karanasan umano ni Advincula sa Quadrangle Group, ngunit sa pagkakataong ito ay walang pagbanggit kay Aquino, Roxas, o De Lima. Sa halip, pinanindigan niya ang mga pahayag na kanyang ginawa sa mga video ng “Narcolist” na anak ng pangulo, si Davao 1st District Rep. Paolo Duterte, at Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ay sinasabing sangkot sa iligal na droga bilang “mga patron” ng katuwang ng Quadrangle Group sa Davao.
Wala pang 20 araw ang lumipas, ang mga kwentong droga ni Advincula ay naging isang balak na kudeta nang kanyang binawi ang mga pahayag sa Narcolist video series sa isang press briefing kasama ng PNP noong Mayo 23.
Ngayon sinabi niya na inutusan siya ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV at mga miyembro ng oposisyon na ipalaganap ang naturang “kasinungalingan” laban kay Duterte bilang bahagi ng “Project Sodoma,” isang sinasabing balak na ibagsak ang pangulo at iluklok si Robredo sa pinakamataas ng posisyon.
Ito ay muling sinabi sa kanyang affidavit noong Mayo 29 sa CIDG, at muli sa isa pang affidavit noong Hulyo 18, kasama din ang CIDG, na isinumite sa DOJ bilang suporta sa mga kasong sedisyon laban kay Robredo at iba pa.
Hindi gaanong nabanggit, kung meron man, ang kanyang pagkakasangkot sa Quadrangle Group, o ni Co at iba pang mga personalidad na dati niyang pinangalanan sa mga sinumpaang salaysay noong Mayo 29 at Hulyo 18.
Mga ‘kontrobersyal’ na bahagi ng IBP affidavit
Hiniling ng VERA Files mula sa IBP ang kumpletong bersyon ng affidavit ni Advincula noong Mayo 6, dahil ang nakuha nito mula sa iba’t ibang independiyenteng sources ay may anim na hindi kumpletong mga talata, habang ang isang buong pahina at limang pang mga talata, sa iba’t ibang mga seksyon ng pahayag, ay nawawala.
Ngunit sa isang liham ng Agosto 27, sinabi ng IBP:
“[W]e cannot provide a copy of the said affidavit due to the reason that…[the] case folders handled and pending cases from the previous administration were not yet turned over to the current administration and the records of the cases are not yet updated including the document you are requesting
(Hindi kami makakapagbigay ng kopya ng nasabing affidavit dahil sa kadahilanan na … [ang] mga case folder na hinahawakan at nakabinbin na mga kaso ng nakaraang administrasyon ay hindi pa naibibigay sa kasalukuyang administrasyon at ang mga talaan ng mga kaso ay hindi pa na-update kasama ang dokumento na inyong hinihiling).”
Pinagmulan: IBP response letter to VERA Files’ “Bikoy” affidavit request, Agosto 27, 2019
Hiningi naman ng VERA Files ang mga nawawalang bahagi ng dokumento sa dating pangulo ng IBP na si Abdiel Dan Elijah Fajardo, na nagsabing wala siyang kopya ng pahayag. Ang mga kahilingan para sa legal assistance, tulad ng kaso ni Advincula, aniya, ay hinahawakan ng National Council for Legal Aid (NCLA) ng IBP, na independiyenteng gumagana.
Sinabi ni Fajardo, gayunpaman, na ang dokumento ay “confidential.” Sinabi niya na ayaw ng NCLA na “lumabag sa [kasunduang] confidential“ kay Advincula, na noo’y nag-aapply para sa legal assistance. Si Minerva Ambrosio ang direktor ng NCLA noong nag-aapply si Advincula para sa legal aid.
Sa katunayan, ang dokumento ay nilagdaan ng isang notaryo publiko, na kung sa dapat ay awtomatikong ginawa itong pampublikong dokumento.
Ang mga kwentong ‘Bikoy’ ay maraming hindi magkakatugmang detalye
Sa anim na pahayag, ang parehong salaysay ni Advincula tungkol sa droga at ang mga planong ouster tadtad ng salu-salungat na detalye.
Kahit ang mga detalye sa kanyang mga affidavit sa CIDG at DOJ — ang huli bilang pangunahing batayan ng kaso ng sedisyon ng CIDG — na may halos parehong nilalaman, ay hindi palaging nagtutugma, tulad ng sinabi ng isang ulat ng balita sa ABS-CBN.
Pinagsama namin ang ilan sa mga lumutang na flip-flop ni Advincula.
Sa sindikato ng droga
Sa ‘Project Sodoma’
Mga Pinagmulan
Department of Justice, PNP-CIDG FILES SEVERAL CASES BEFORE THE DOJ AGAINST PROMINENT PERSONALITIES OVER PROJECT SODOMA, July 18, 2019
Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group, Criminal complaint filed to the Department of Justice
ABS-CBN News, Man behind viral anti-Duterte videos surfaces, May 6, 2019
Philippine National Police official Facebook page, NOW: Media briefing on the surrender of Peter Joemel Advincula (part 1), May 23, 2019
Philippine National Police official Facebook page, NOW: Media briefing on the surrender of Peter Joemel Advincula (part 2), May 23, 2019
Affidavit of Peter Joemel Advincula, May 6, 2019
IBP response letter to VERA Files’ “Bikoy” affidavit request, Aug. 27, 2019
Manila Speak, LIVE: SEN. TITO SOTTO ON THE BIKOY ISSUE, May 8, 2019
Senate.gov.ph, PRIB: Transcript of Kapihan sa Manila Bay with Senate President Vicente C. Sotto III and Marichu Villanueva, May 8, 2019
Statement of Peter Joemel Advincula (distributed by Sotto), December 2016
Interaksyon.com, In new video, ‘Bikoy’ disowns signature in affidavit Sotto released, May 16, 2019
ABS-CBN News, ‘Bikoy’ denies tagging Aquino admin to drug trade in new video, May 12, 2019
Inquirer.net, ‘Bikoy’ denies Sotto’s claims in new video, May 13, 2019
Affidavit of Peter Joemel Advincula, May 29, 2019
Affidavit of Peter Joemel Advincula, July 18, 2019
ABS-CBN News, ‘Bikoy’ affidavits contain inconsistencies, July 30, 2019
Personal communication with Jesuit Residence Staff, August 19, 2019
Inquirer.net, Trillanes posts P200K bond to travel to Europe, US, December 10, 2018
@ancalerts, Makati RTC Br. 150 temporarily lifts hold departure order vs Sen. Antonio Trillanes and allows him to travel to Europe, November 29, 2018
GMA News Online,Trillanes posts bail for libel cases, December 10, 2018
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)