Sa pagpo-promote ng paggamit ng mga copper-infused face mask sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, si dating beauty queen Miriam Quiambao-Roberto ay nag share sa kanyang Facebook status noong Enero 6 ng isang “forwarded message” na nagbanggit ng maling pangangatwiran sa kakayahan ng tanso sa pag “disinfect ng virus at bacteria.”
Mali rin ang mensahe na nanggaling sa isang hindi pinangalanang may-akda na nagsabi rin na ang COVID-19 virus ー o ang severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2) ー ay nagiging airborne lamang dahil sa “aerosol procedures.”
PAHAYAG
Sa FB status na tinanggal na ngayon, ibinahagi ni Quiambao-Roberto ang sagot ng isang umano’y “medical health professional” sa “mga katanungan” tungkol sa pagiging epektibo ng mga copper-infused face mask. Sinabi ng nasabing may akda na nagbebenta din siya ng produktong ito.
Nakasaad sa bahagi ng sagot:
“…[A]ng reasoning po why copper can disinfect viruses and bacteria [ay] dahil po sa extra negative charge nito. Dahil po dun napapatay niya ang virus and bacteria kaya antimicrobial siya. Clinically proven na po yan and has been used since egyptian times pa po.
(…[A]ng dahilan po kung bakit ang tanso ay maaaring mag disinfect ng mga virus at bacteria [ay] dahil po sa sobrang negative charge nito. Dahil po dun napapatay niya ang virus at bacteria kaya antimicrobial siya. Clinically proven na po yan at nagamit na mula pa noong Egyptian times pa po.)”
Pinagmulan: Miriam Quiambao-Roberto personal Facebook account, “SHARING A RESPONSE I SAW ON FB…,” Enero 6, 2021 (Archived)
Ang post, na nai-publish din sa isang na-verify na FB page sa pangalan ni Quiambao-Roberto, ay binale-wala rin ang mga pahayag na ang virus ay maaaring pumasok sa pamamagitan ng isang opening sa ilalim na bahagi ng mask.
“[A]ng covid naman po is by droplets talaga ang pag spread… Nagiging airborne lang po ang covid due to aerosol procedures like bronchoscopy, endotracheal intubation and such. So wala naman po sa public na presence ng airborne covid kase wala naman po nagiikot ng nakaintubate.
([A]ng covid naman po ay sa droplets talaga ang pag kalat… Nagiging airborne lang po ang covid dahil sa aerosol procedures tulad ng bronchoscopy, endotracheal intubation at mga katulad niyan. Kaya wala naman po sa public na presensya ng airborne covid kase wala naman po nagiikot ng naka-intubate.)”
Ang status ay sinasabing ginawa upang “mapigil ng pagkalat ng maling impormasyon” tungkol sa mga copper-infused mask.
Bilang tugon sa mga komento ng ilang netizens na tumatawag ng pansin sa maling impormasyon sa kanyang status, sinabi ni Quiambao-Roberto: “Wala po namang sapilitan. Choice nyo, choice ko. Respetuhan tayo. Basta ang alam ko, ligtas ako sa coppermask. Ito ay anti-viral (sic) at ligtas para sa pang-araw-araw, hindi pang-medikal na paggamit.”
Ang FB status ni Quiambao-Roberto, kung saan bumanggit siya ang partikular na brand ng copper-infused mask, ay naibahagi ng 2,600 beses sa platform bago ito tinanggal.
ANG KATOTOHANAN
Sa kabila ng pahayag na kagustuhang magbigay ng tamang impormasyon, kabaligtaran ang ibinahagi ng status ni Quiambao-Roberto.
Habang maraming siyentipikong pag-aaral ang tunay na nagpakita na ang mga copper at copper alloys, o tanso na inihalo sa iba pang mga metal (tulad ng brass, bronze, at copper-nickel), ay may mga antimicrobial property — nangangahulugang maaari itong pumatay o hindi mag activate ng microbes tulad ng fungi, bacteria, at mga virus — hindi ito dahil sa umano’y “labis na negative charge.”
Ayon kay Mary Donnabelle Balela, isang associate professor sa Department of Mining, Metallurgical, ang Materials Engineering sa University of the Philippine-Diliman, ang mga ion ng copper (na positively charged particles) ang “pinaka-aktibong agents” laban sa microbes, kaysa sa electrons nito (na negatively charged).
Sinabi ni Balela na ang isa sa maraming paraan na ang metal ay maaaring pumatay ng microbes ay sa pamamagitan ng pag-oxidize ng copper surface, kung saan ang metal ay nagre-release ng ions at electrons.
Pagkatapos “puputukin (ng ions) ang cell membrane at panloob na istraktura ng bacteria … Samakatuwid, mas maraming [copper] ions ang na release sa surface, mas epektibo ito at mas mabilis na mapipigilan ang paglago o direktang papatayin ang bacteria,” sabi ni Balela, na ang specialty ay nanotechnology.
“Kung ang [mga manufacturer] ay gumawa ng isang hiwalay na treatment sa copper mask surface para gawin itong negatively charged, ang surface mismo ay maaaring maging negatively charged,” sabi niya sa Ingles. Ngunit “ang copper bilang metal ay hindi negatively charged.”
Sinabi ng mga public health expert mula sa internasyonal nonprofit Meedan sa VERA Files Fact Check na, habang may pananaliksik na nagpapahiwatig na ang SARS-CoV-2 ay hindi mabubuhay nang matagal sa copper surfaces, mahalagang tandaan na ang mga pag-aaral na ito ay ginawa sa mga controlled, laboratory setup.
Ang isa sa mga madalas na binanggit na pag-aaral sa pagtatanggol sa mga copper mask, ayon sa mga eksperto ng Meedan, ay isang comparative study na inilathala noong Abril 2020 sa The New England Journal of Medicine, na nasabing “walang viable na SARS-CoV-2” na nasukat sa solid copper surfaces pagkatapos ng apat na oras.
Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang copper products ay “laging epektibo” sa pagprotekta laban sa COVID-19, sinabi ng pangkat ng mga eksperto.
Isang “kritikal na dami ng copper” ang kinakailangan din sa mga surface para maiwasan nito ang pagdami o para pumatay ng mga bacteria o mga virus, sinabi ni Balela, na binanggit na “mas kaunti sa dami nito at walang makabuluhang antimicrobial property [ang] makikita.”
Idinagdag ng mga eksperto mula sa Meedan: “Sa katunayan, maraming mga copper-based products na kasalukuyang nasa merkado ang hindi naglalaman ng sapat na konsentrasyon ng copper para sa makabuluhang mga antimicrobial effect.”
Bukod sa dami ng ginamit na copper, binanggit ni Balela ang iba pang mga kadahilanan na makakaapekto sa mga contact-killing property ng metal, kabilang ang:
- ang uri ng ginamit na copper (hal. copper metal, copper sulfate, copper carbonate, o copper oxides);
- ang paraan kung paano ihinalo sa produkto (naka-embed o inilapat sa surface); at
- ang surface na lalagyan ng copper (kung ang copper ay direktang nakalantad sa surface).
Ang microbe-killing property ng copper ay hindi rin agad-agad.
“Ang copper ay hindi kaagad lumalaban sa microbes tulad ng mga virus; sa mga natuklasan sa pananaliksik, nakita na maaaring tumagal ang copper ng 45 minuto para lamang mabawasan ng kalahati ang dami ng virus sa isang surface,” sabi ng mga eksperto ng Meedan sa Ingles.
Binanggit sa isang literature review tungkol sa paggamit ng copper upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng ilang mga coronavirus, na inilathala sa journal na Diagnostic Microbiology ang Infectious Disease noong Agosto 2020, na ang datos na sinuri ay lumalabas na sumusuporta sa paggamit ng copper materials laban sa ilang mga virus, at tila isang “complimentary strategy” na maaaring makatulong na mabawasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit.
Gayunpaman, sinabi nito, “magiging kapaki-pakinabang ang mas maraming pananaliksik para suportahan ang paggamit ng [copper] sa new SARS-CoV-2.”
Bukod sa nakaliligaw na pahayag sa kakayahan ng copper na “mag disinfect ng mga virus at bacteria,” ang post na nai-share ni Quiambao-Roberto ay may maraming pahayag na kailangan ng konteksto.
Sinabi nito na ang mga antimicrobial property ng copper ay “clinically proven” at “ginamit mula pa noong Egyptian times.”
Ang copper ay napatunayang ginamit “para mag sterilize ng mga sugat sa dibdib at tubig na inumin” sa sinaunang Egypt, at maraming mga nai-lathalang pag-aaral na nagpapakita ng antimicrobial property ng metal. Nakapagrehistro rin ang U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ng halos 300 iba’t ibang mga copper surface na antimicrobial noong 2008.
Ngunit nilinaw ng EPA na ang anumang pahayag na ang antimicrobial copper ay maaaring pumatay ng 99.9% ng bacteria ay para lamang sa anim na partikular na bacteria at sa loob ng dalawang oras na contact. Ang anim na ito ay: Vancomycin-Resistant Enterococcus faecalis (VRE), Methicillin-resistant Staphylococcus aureus (MRSA), E.coli O157: H7, Enterobacter aerogenes, Pseudomonas aeruginosa, at Staphylococcus aureus.
Sa isang pahayag ng posisyon sa COVID-19 pandemic, sinabi ng Copper Development Association, isang nonprofit na nakabase sa U.S., na mayroon pa ring “limitadong ebidensya” at “kinakailangan ng karagdagang pag-aaral“ para masuri ang bisa ng mga copper surface, kabilang ang mga produktong nakarehistro sa EPA, laban sa SARS-CoV-2.
Sa airborne transmission
Sinabi sa FB post na ang COVID-19 virus ay magiging airborne lamang sa panahon ng pagsasagawa ng “mga aerosol procedure,” kabilang ng mga ito, ang mga may kinalaman sa intubation. Sinabi rin ni Quiambao-Roberto sa isa sa kanyang mga sagot sa talakayan sa FB na ang COVID-19 ay kumakalat “sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnay, hindi sa hangin.”
Mali ito.
Habang ang novel coronavirus ay pangunahing kumakalat sa pamamagitan ng mga respiratory droplet, maaari itong maging airborne kapag ang mga maliliit na droplet na tinatawag na droplet nuclei o aerosols na naglalaman nito ay nasuspinde sa hangin. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Duterte na airborne ang COVID-19 virus nangangailangan ng konteksto)
Bagaman ang pananaliksik sa aerosol transmission ay nagpapatuloy pa rin, nabanggit na ng World Health Organization at ang U.S. Centers for Disease Control and Prevention na may lumalabas na ebidensya sa airborne transmission sa “loob ng ma-tao at hindi maaliwalas na mga lugar.” Nakitang ang mga kulong na lugar na may sapat na virus para maging sanhi ng mga impeksyon sa mga taong higit sa anim na talampakan ang layo, o na dumaan sa isang lugar kasunod ng paglabas sa silid ng isang nahawang tao, ayon sa mga public health expert ng Meedan.
BACKSTORY
Sa isang panayam sa telepono noong Enero 7, sinabi ni Edwin Pasumbal, na miyembro ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases Inc. (PSMID) sa VERA Files:
“Ang problem with copper mask, not only copper masks but also other face masks available na may valves, it actually defeats the purpose of the face mask kasi ‘pag meron kang valve, like yung copper mask meron do’n sa ilalim, how can the breathed air, the exhaled air, paano siya mafifilter kung meron siyang butas sa baba?”
(Ang problema sa copper mask, hindi lamang mga copper mask kundi pati na rin ang iba pang mga face mask na available na may (mga) valve, binabale-wala talaga nito ang layunin ng face mask kasi ‘pag meron kang valve, tulad yung copper mask meron do’n sa ilalim, paano ang hiningang hangin, ang hininga na hangin, paano siya mafifilter kung meron siyang butas sa baba?)”
Maliban sa PSMID, hindi rin inirerekomenda ng iba pang medical at health groups tulad ng Philippine College of Physicians at Makati Medical Center ang paggamit ng ilang mga copper-infused mask na maaaring mabili sa merkado dahil “makakawala sa mga valve at slit sa kanilang disenyo ang unfiltered na hangin kapag huminga” at “magiging hindi gaanong epektibo ang pag-filter ng mga respiratory droplet.”
Nagbabala si Karrera Djoko, isang biochemist at microbiologist mula sa Durham University sa United Kingdom, na maaaring may mga isyu sa tibay ng copper products, partikular sa mga face mask na maaaring paulit-ulit na na-disinfect, “sapagkat maraming mga karaniwang panglinis sa bahay ang may mga compound na maaaring makatanggal ng mga copper ion sa isang surface,” tulad ng binanggit ng Meedan sa database ng mga eksperto nito sa COVID-19.
Sa kabilang banda, sinabi ng Department of Health na ang mga copper face mask ay maaari pa rin makatulong na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 bilang isang pisikal na hadlang kapag ang isang taong nahawahan ay umuubo o bumahing ng mga droplet. Sinabi nito na hindi pa rin ito itinuturing na “medical-grade,” ibig sabihin, hindi ito “inirerekomenda at naaprubahan para magamit sa mga medical setting” tulad ng mga ospital, health care facility, at mga high-risk na kontaminadong lugar, dagdag ng kagawaran.
Ang partikular na copper mask brand na itinampok sa nakaliligaw na post ay hindi rin kasama sa listahan ng Food and Drug Administration ng Pilipinas ng mga rehistradong face mask for medical use noong Enero 18, 2021.
Mga Pinagmulan
World Health Organization, Modes of transmission of virus causing COVID-19: implications for IPC precaution recommendations, March 29, 2020
Meedan Digital Health Lab, What is the existing research on copper’s effectiveness in dealing with COVID-19, particularly when used in face masks?, Jan. 19, 2021
New England Journal of Medicine, Aerosol and Surface Stability of SARS-CoV-2 as Compared with SARS-CoV-1, April 16, 2020
U.S. National Library of Medicine, The use of copper to help prevent transmission of SARS-coronavirus and influenza viruses. A general review, Aug. 15, 2020
U.S. Environmental Protection Agency, Antimicrobial Copper Alloys – Group I, Aug. 1, 2014
Copper Development Association, CDA Position Statement on Coronavirus (COVID-19) Pandemic
Copper Development Association, Antimicrobial Properties
Copper Development Association, Antimicrobial Copper Site |
Copper Development Association, Copper Facts: Antimicrobial Copper
World Health Organization, Transmission of SARS-CoV-2: implications for infection prevention precautions, July 9, 2020
Meedan Digital Health Lab, What do we know so far about airborne transmission and how does it differ from respiratory droplet transmission?, Jan. 12, 2021
Copper’s antimicrobial, antibacterial, and antiviral properties
- Nature, Rapid in situ assessment of Cu-ion mediated effects and antibacterial efficacy of copper surfaces, May 25, 2018
- U.S. National Library of Medicine, Metallic Copper as an Antimicrobial Surface, Dec. 30, 2010
- U.S. National Library of Medicine, Potential use of copper surfaces to reduce survival of epidemic meticillin-resistant Staphylococcus aureus in the healthcare environment, July 1, 2006
- SAGE Journals HERD: Health Environments Research & Design Journal, https://journals.sagepub.com/doi/full/10.1177/1937586715592650, July 10, 2015
- Society For Applied Microbiology, Contact killing and antimicrobial properties of copper, Dec. 27, 2017
Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, What Do You Know About COVID-19 & Face Mask Trends, Jan. 5, 2021
Makati Medical Center, Advisory, Jan. 5, 2021
Philippine College of Physicians, Face mask should cover your face from the bridge of your nose to under the chin, Jan. 6, 2021
Food and Drug Administration, LIST OF NOTIFIED FACE MASK, Jan. 18, 2021
Department of Health on Copper Face Masks
- ABS-CBN, DOH confirms copper face mask not medical-grade but can still help curb COVID-19 spread, Jan. 6, 2021
- Inquirer.net, DOH confirms: Copper Face Mask not for medical use but helps slow down spread of COVID, Jan. 8, 2021
- Reportr, Coppermask DOH comment is it safe, Jan. 7, 2021
The New York Times, Copper Won’t Save You From Coronavirus, June 19, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)