Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Nograles mali sa cash-based budget

Nagbitaw ng maling pahayag si Davao City Rep. Karlo Nograles tungkol sa sistemang cash-based budget.

By VERA FILES

Aug 17, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Nagbitaw ng maling pahayag si Davao City Rep. Karlo Nograles tungkol sa sistemang cash-based budget.

PAHAYAG

Sinabi ni Nograles sa mga reporters noong Agosto 9 na kailangan ng Pilipinas ng “praktis” at isang “transition” phase, at hindi pa ito handa para sa ipinanukalang sistema ng budget. Si Nograles ang pinuno ng House appropriations committee.

“Maganda yung konsepto, pero ang tanong kasi, masyado bang bigla ang pag- ang paglipat natin sa cash-based na wala man lamang praktis o wala man lamang transition?”

Mga Pinagmulan: Pag-record ng audio sa panayam kay Rep. Karlo Nograles, House of Representatives, Agosto 9, 2018, pakinggan mula 7:15 hanggang 7:34; Rappler video, pakinggan mula 7:16 hanggang 7:35

FACT

Taliwas sa pahayag ni Nograles, dalawang taon nang ipinatutupad ng Pilipinas ang isang mahalagang katangian ng sistemang cash-based budget.

Sa kanyang veto message sa pambansang badyet ng 2017, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga proyekto na pinopondohan ng gobyerno ay obligahin sa pagtatapos ng taon. Ang tuntunin ay sinunod sa 2018 budget.

Ang isang taon na implementasyon ng proyekto ay isang pangunahing katangian ng sistemang cash-based, kumpara sa sistemang dalawang-taong nakabatay sa obligasyon (ang paglalaan ng pondo).

Ang 2018 budget ay “magiging obligation-based pa rin,” sabi ng Department of Budget and Management, ngunit idinagdag nito na ang mga ahensya ay inirekomendang ipatupad ito na “parang isang cash-based budget.”

Ang pag-gamit ng cash-based na sistema ay “nararapat na pagkakasunud-sunod mula sa paglilimita sa bisa ng budget sa 2017 at 2018 mula sa dalawang taon hanggang isang taon lamang,” ang sabi ng DBM.

Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa isang pahayag sa media na ang isang cash-based na sistema ay “magpapabilis sa pagpapatupad at pagkumpleto ng mga priority project ng pamahalaan.”

Sinuspinde ng parehong kapulungan ng Kongreso ang mga pagdinig sa budget dahil sa pagsalungat sa sistemang cash-based.

Mga pinagkunan ng impormasyon:

Department of Budget and Management, Reforming the Philippine Budgeting System.

Department of Budget and Management, Shifting to Annual Cash-Based Appropriations in FY 2019, Jan. 17, 2018.

Department of Budget and Management, President Duterte to submit first cash-based budget to Congress.

Department of Budget and Management, President’s Veto Message Fiscal Year 2017, page 658, III A.

Department of Budget and Management, General Provisions Fiscal Year 2018, page 632, Sec. 61.

Early Edition on ANC, Karlo Nograles: On the budget reform bill, March 22, 2018.

House of Representatives, House Bill 7302.

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling
salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at
personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami
ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng
International Fact-Checking Network
sa Poynter
. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.


Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.