Sa isang press release, nasipi ang sinabi ni Vice President Sara Duterte na ang Commission on Elections (Comelec) ay nagplano na magsampa ng mga kasong kriminal laban sa mga guro na umatras sa kanilang mga tungkulin sa Okt. 30 barangay polls. Ito ay hindi tumpak.
Si Duterte ay nagsisilbi rin na kalihim ng Department of Education (DepEd).
PAHAYAG
Sa isang press release noong Nob. 4, sinabi ng DepEd:
“The [DepEd] welcomes the recent statement of the [Comelec] that it will no longer pursue filing criminal charges against teachers for backing out of their Electoral Board duties during the 2023 [BSKE].”
(“Malugod na tinatanggap ng [DepEd] ang pahayag kamakailan ng [Comelec] na hindi na nito itutuloy ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa mga guro na umatras sa kanilang mga tungkulin sa Electoral Board noong 2023 [BSKE].”)
Pinagmulan: DepEd official Facebook account, OFFICIAL STATEMENT (naka-archive), Nob. 4, 2023
ANG KATOTOHANAN
Hindi nagbigay ng tiyak na pahayag ang Comelec sa pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa mga gurong umatras sa kanilang tungkulin sa electoral board.
Ang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia ay “may dapat gawin” tungkol sa mga miyembro ng electoral board na sa simula ay nangako na maglilingkod ngunit biglang umatras sa araw o bago ang araw ng halalan. Aniya, titingnan ng poll body kung ito ay “sa pamamagitan ng batas o pakikipag-usap sa DepEd o Commission on Higher Education sa Bangsamoro,” kung saan karamihan sa mga guro ay umatras sa kanilang mga tungkulin sa botohan.
Narito ang mga pahayag ng Comelec sa pagitan ng Okt. 30 at Nob. 3 sa isyu:
BACKSTORY
Mahigit 2,500 na guro ang tumanggi na maglingkod sa BSKE sa Bangsamoro, na binanggit ang mga nakaraang karanasan ng madalas na pananakot at karahasan sa lugar.
Sinabi ni Garcia na magsasampa ang komisyon ng mga kasong kriminal laban sa mga napatunayang nagbanta o naging dahilan ng karahasan laban sa mga guro, opisyal ng halalan at empleyado ng Comelec.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
Comelec Facebook Page, PRESS CONFERENCE, Oct. 30, 2023
GMA Integrated News, LIVESTREAM: Comelec Command Center press conference – 10/31/2023 – Replay, Oct. 31, 2023
Personal communication, Comelec Viber chat with the Media, Nov. 2, 2023
Comelec Facebook Page, Presscon, Nov. 3, 2023
Inquirer.net, LIVE: Comelec holds press conference | November 3, Nov. 3, 2023
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)