Hindi totoo ang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lamang nakipagpulong si United States President Joe Biden sa sidelines ng 77th United Nations General Assembly (UNGA) sa New York City.
PAHAYAG
Sa isang press conference noong Setyembre 23 (Manila time), ang video recording sa mga social media post mula sa mga mamamahayag na nag-cover ng kaganapan ay nagpapakita kay Cruz-Angeles na nagsasabing:
“Sa naintindihan ko, maraming kahilingan ang ipinaabot sa pangulo ng U.S. Malaking bagay na nakipag-usap lamang siya kay Pangulong Marcos sa sidelines ng UN General Assembly.”
Pinagmulan: PTV official Twitter, PANOORIN: Inihayag ni Press Sec. Trixie Cruz-Angeles na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. lamang ang nakausap ni US Pres. Joe Biden sa sidelines ng United Nations General Assembly sa kabila ng ilan pang mga nagpahayag ng kahilingan na makausap ang lider ng Amerika. #PBBMinUSA, Setyembre 23, 2022; Alexis B. Romero Twitter account, WATCH: Press Sec. Trixie Cruz-Angeles: A lot of requests had been made to the US President…it is significant that he spoke only w/ Pres. Marcos on the sidelines of UN General Assembly. While it’s true he spoke w/ one other person, that was a postponed meeting, Setyembre 23, 2022; Pia Gutierrez Twitter account, Press Secretary Trixie Cruz Angeles says out of several requests, US President Joe Biden granted a bilateral meeting only to Philippine President Marcos Jr, Setyembre 23, 2022
Pagkaraan ng ilang oras, gayunpaman, humingi ng paumanhin si Cruz-Angeles at nilinaw ang kanyang pahayag:
“Tanging ang kahilingan na makipagpulong ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. kay US President Joe Biden ang napaunlakan sa sidelines ng United Nations General Assembly.”
Sinabi pa niya:
“Ang ibang meeting ni Pangulong Biden ay mga dati nang napagkasunduan pero na-postpone at itinuloy na lamang sa pagkakataon na ito.”
Pinagmulan: ABS-CBN official Twitter, Angeles: Tanging ang request na makipagpulong ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. kay US President Joe Biden ang napaunlakan sa sidelines ng United Nations General Assembly. | via @pia_gutierrez, Setyembre 23, 2022; Hana Bordey Twitter account, Press Secretary Trixie Cruz Angeles issues a clarification on her earlier statement claiming that President Bongbong Marcos is the only world leader to have met US President Joe Biden on the sidelines of the 77th UN General Assembly. @gmanews @gmanewsbreaking, Setyembre 23, 2022; Philstar.com, Angeles clarifies claim Biden only spoke to Marcos at UNGA sidelines, Setyembre 23, 2022
Sa paglabas ng ulat na ito, natanggal na ang press briefing ni Cruz-Angeles na orihinal na nai-post sa website ng Office of the Press Secretary.
ANG KATOTOHANAN
Ipinakikita ng mga rekord ng White House na nakipagpulong si Biden sa hindi bababa sa limang iba pang mga world leader sa sidelines ng UNGA sa New York City.
Ayon sa mga opisyal na press release, nakipagkita si Biden kanila British Prime Minister Liz Truss at French President Emmanuel Macron matapos makipagpulong kay UN Secretary-General António Guterres.
Nakipagpulong din ang pangulo ng U.S. sa mga pangunahing kaalyado ng U.S. sa Asya tulad nina South Korean President Yoon Suk Yeol at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Ayon sa opisyal na website ng UN, ang UNGA ang pangunahing policy-making organ ng organisasyon. Ang paghirang ng UN secretary general, ang halalan ng mga hindi permanenteng miyembro ng UN Security Council at ang pag-apruba ng UN budget ay nangyayari sa panahon ng general assembly.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
PTV official Twitter, PANOORIN: Inihayag ni Press Sec. Trixie Cruz-Angeles na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. lamang ang nakausap ni US Pres. Joe Biden sa sidelines ng United Nations General Assembly sa kabila ng ilan pang mga nagpahayag ng kahilingan na makausap ang lider ng Amerika. #PBBMinUSA, Setyembre 23, 2022
Alexis B. Romero Twitter account, WATCH: Press Sec. Trixie Cruz-Angeles: A lot of requests had been made to the US President…it is significant that he spoke only w/ Pres. Marcos on the sidelines of UN General Assembly. While it’s true he spoke w/ one other person, that was a postponed meeting, Setyembre 23, 2022
Pia Gutierrez Twitter account, Press Secretary Trixie Cruz Angeles says out of several requests, US President Joe Biden granted a bilateral meeting only to Philippine President Marcos Jr, Setyembre 23, 2022
ABS-CBN official Twitter, Angeles: Tanging ang request na makipagpulong ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. kay US President Joe Biden ang napaunlakan sa sidelines ng United Nations General Assembly. | via @pia_gutierrez, Setyembre 23, 2022
Hana Bordey Twitter account, Press Secretary Trixie Cruz Angeles issues a clarification on her earlier statement claiming that President Bongbong Marcos is the only world leader to have met US President Joe Biden on the sidelines of the 77th UN General Assembly. @gmanews @gmanewsbreaking, Setyembre 23, 2022
Philstar.com, Angeles clarifies claim Biden only spoke to Marcos at UNGA sidelines, Setyembre 23, 2022
White House official website, Readout of President Joe Biden’s Meeting with United Nations Secretary-General António Guterres, Setyembre 21, 2022
White House official website, Readout of President Joe Biden’s Meeting with Prime Minister Liz Truss of the United Kingdom, Setyembre 21, 2022
White House official website, Readout of President Joe Biden’s Meeting with President Emmanuel Macron of France, Setyembre 21, 2022
White House official website, Readout of President Joe Biden’s Meeting with President Yoon Suk Yeol of the Republic of Korea, Setyembre 21, 2022
White House official website, Readout of President Joe Biden’s Meeting with Prime Minister Kishida of Japan, Setyembre 21, 2022
United Nations official website, General Assembly of the United Nations, Na-access noong Setyembre 23, 2022
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)