Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Andanar na hindi kabilang ang PH sa ‘deadliest na bansa para sa mga mamamahayag’ nakapanlilinlang

Ipinahayag ni Communications Secretary Martin Andanar sa isang panayam sa radyo noong Okt. 12 na ang Pilipinas ay hindi na kabilang sa mga pinaka-delikadong bansa sa mundo para sa mga mamamahayag dahil sa "mabilis na resolusyon" ng Maguindanao massacre noong 2019, na, aniya, ay bahagi ng legacy ni Pangulong Rodrigo Duterte.

By VERA Files

Oct 27, 2021

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ipinahayag ni Communications Secretary Martin Andanar sa isang panayam sa radyo noong Okt. 12 na ang Pilipinas ay hindi na kabilang sa mga pinaka-delikadong bansa sa mundo para sa mga mamamahayag dahil sa “mabilis na resolusyon” ng Maguindanao massacre noong 2019, na, aniya, ay bahagi ng legacy ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi ito tumpak sa dalawang kadahilanan.

Ang insidente, na binansagan ng media advocacy groups bilang nag-iisang deadliest attack laban sa mga mamamahayag, ay kumitil sa buhay ng 58 katao, kabilang ang 32 media workers noong 2009. (Tingnan ang Justice is served in the decade-long Maguindanao massacre case, except for one)

Panoorin ang video na ito:

Isang tingin sa Reporters Without Borders (RSF) barometer ng mga paglabag sa kalayaan sa pamamahayag ay magpapakita na ang Pilipinas ay labas pasok sa listahan ng nangungunang limang deadliest na bansa para sa mga mamamahayag mula 2009 hanggang 2020. Saklaw ng barometer nito mula Enero 1 hanggang Disyembre 31 ng bawat taon ng pag-uulat, ipinaliwanag ng RSF sa isang email noong Okt. 22 sa VERA Files Fact Check.

Higit pang pinabubulaanan ang pahayag ni Andanar, mas mataas ang ranggo ng bansa noong 2019 (tabla sa ikatlo kasama ang tatlong iba pa) — nang ibinaba ang hatol sa Maguindanao massacre — kaysa noong nakaraang taon (tabla sa ikaanim kasama ang apat na iba pa), bagama’t pareho ang bilang ng mga pagpatay (tatlo).

Noong 2020, mula sa ikalima, bumaba ang Pilipinas sa ikapitong ranggo sa pinakamalalang bansa sa buong mundo batay sa Global Impunity Index ng Committee to Protect Journalists (CPJ).

Ito ay dahil ang Maguindanao massacre ay “hindi na pasok sa 10-taong time frame para sa pagkalkula ng index.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Media task force chief’s claim on conviction of accused in Maguindanao massacre lacks context)

Sinabi rin ng CPJ na binago ng landmark conviction ng ilang salarin ng Maguindanao massacre noong Disyembre 2019 ang status ng kaso sa partial impunity mula sa full impunity.

Dahil dito, ang isang dekada na itinagal ng kaso ay “hindi na isasama sa pagkalkula ng index anuman ang takdang panahon.”

Gayunpaman, binanggit ng CPJ sa ulat nito noong 2020 na habang ang Pilipinas ngayon ang “ikapitong pinakamalalang” bansa, mayroon pa rin itong 11 hindi pa nalulutas na pagpatay sa mga mamamahayag sa kasalukuyang 10-taong index period (2010-2020).

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

<br< p=””>

Mga Pinagmulan

Committee to Protect Journalists (CPJ), Ten years for justice in Maguindanao case is too long: We can do better, Dec. 19, 2019

International Federation of Journalists (IFJ), Philippines: 11 years after Ampatuan massacre, impunity remains rife, Nov. 23, 2020

Martin Andanar Official Facebook Page, Interview with Daisy Del Valle and Helen Pilaro De Guzman of One FM 92.1 Mindoro for Para sa Bayan, Oct. 12, 2021

PTV Official Youtube Channel, FEATURE: Mga naganap sa Maguindanao massacre, Dec. 18, 2019

PTV Official Youtube Channel, ICYMI | Promulgation of the Maguindanao Massacre Case #MaguindanaoMassacreVerdict, Dec. 19, 2019

Reporters Without Borders, Violations of press freedom barometer (2009, 2010, 2011, 2012, 2013, 2014, 2015, 2016, 2017, 2018, 2019, 2020), Accessed Oct. 14, 2021

CNN Philippines, Ampatuans head to CA to appeal Maguindanao massacre convictions, Jan. 1, 2020

Inquirer.net, Zaldy Ampatuan to appeal Maguindanao massacre guilty verdict to CA, Jan. 3, 2020

Philstar.com, Andal Jr., Zaldy to take convictions to CA, Jan. 4, 2020

Committee to Protect Journalists (CPJ), About: What We Do, Accessed Oct. 19, 2021

Committee to Protect Journalists (CPJ), Getting Away with Murder: CPJ’s 2019 Global Impunity Index spotlights countries where journalists are slain and their killers go free, Oct. 29, 2019

Committee to Protect Journalists (CPJ), Getting Away with Murder: CPJ’s 2020 Global Impunity Index spotlights countries where journalists are slain and their killers go free, Oct. 28, 2020

Committee to Protect Journalists (CPJ), Getting Away with Murder: CPJ’s 2020 Global Impunity Index (Methodology), Oct. 28, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

</br<>

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.