Sa pagpapahayag ng kaniyang suporta sa isang panukalang batas na nag-uutos sa pagpaparehistro ng mga Subscriber Identification Module (SIM) card, iginiit ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na ang panukala ay makatutulong sa pagpigil sa krimen.
Ito ay hindi totoo.
Panoorin ang video na ito:
Ang dating hepe ng pulisya ay co-sponsor sa 18th Congress ng isang katulad na panukalang batas ngunit ito ay na-veto ng noo’y pangulong Rodrigo Duterte noong Abril dahil naglalaman ito ng mga probisyon na nangangailangan ng mga social media account na mairehistro sa ilalim ng legal na pangalan ng may-ari. Sinabi ni Duterte na ito ay maaaring makahadlang sa right to privacy na ginagarantiyahan ng Saligang Batas.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Senate of the Philippines official YouTube channel, Plenary Session No. 16 (September 5, 2022), Setyembre 5, 2022
Privacy International, SIM Card Registration, Na-access noong Setyembre 6, 2022
GMSA, Access to Mobile Services and Proof of Identity 2021 Revisiting SIM Registration and Know Your Customer (KYC) Contexts During COVID-19, Abril 2021
Senate of the Philippines official website, SBN-2395 (Veto Message), Abril 14, 2022
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)