Ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Pilipinas ay patuloy na “mas humihirap” ay salungat sa naging ulat noong Enero ni dating Budget Secretary Benjamin Diokno na maganda ang takbo ng ekonomiya sa ilalim ng administrasyong Duterte sa kanyang unang dalawang taong panunungkulan kumpara sa mga naunang administrasyon.
PAHAYAG
Sa isang pakikipanayam matapos siyang bumoto sa Davao City noong Mayo 13, ang presidente ay tinanong tungkol sa kanyang mensahe sa mga bumibili ng boto at mga nagbebenta ng boto. Sinabi niya na ang vote buying ay isang “intergal na bahagi” na ng eleksyon sa Pilipinas.
Idinagdag niya:
“Hangga’t ang Pilipinas ay nananatiling isang mahihirap na bansa, hangga’t umiiral ang pyudal/feudal na sistema, lalo na sa mga rural na lugar na pinalubha ng mga komunista. Tayo ay nagiging pahirap ng pahirap. Walang makapagsaka ng lupa, paunlarin ang lupa, at ang mga komunista ay humihingi ng pera, na humihingi ng pagkain at lahat ng bagay
(For as long as the Philippines remains to be a poor country, for as long as the feudal system exists, lalo na sa rural areas aggravated by the communists ‘yon. We are becoming poorer and poorer. Nobody can till the land, improve the land, and the communists are asking for money, asking for food and everything.)”
ABS-CBN News Youtube, Pres. Duterte talks to reporters after voting in Davao City, Mayo 13, 2019, panoorin mula 34:05 hanggang 34:34
ANG KATOTOHANAN
Noong Enero, ipinagmalaki ni dating Budget Secretary at ngayon Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Diokno ang mga nagawa ng Department of Budget and Management (DBM) sa forum na DuterteNomics 2.0 kasama ang mga kapwa economic managers at infrastructure secretaries upang talakayin ang mga nagawa ni Duterte para sa ekonomiya at ipaliwanag ang pag-unlad ng Build, Build, Build program.
Ayon sa press release, sinabi ni Diokno na ang administrasyong Duterte ay nakapagtala “ng pinakamataas na paglago (ng ekonomiya) sa unang dalawang taon mula nang (panunungkulan ni) Pangulong Corazon Aquino”:
“In 2017, the first full-year in office of President Duterte, real Gross Domestic Product (GDP) growth reached 6.7%. This was followed by 6.2% GDP growth in 2018, making the Philippines one of the fastest-growing economies in the fastest-region in the world [the ASEAN region]”
(Sa 2017, ang unang buong taon sa tanggapan ni Pangulong Duterte, ang paglago ng real Gross Domestic Product (GDP) ay umabot sa 6.7%. Sinundan ito ng 6.2% na paglago ng GDP sa 2018, na nagtanghal sa Pilipinas bilang isa sa pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa pinakamabilis na rehiyon sa mundo [ang rehiyon ng ASEAN].”
Iniugnay ni Diokno ang malakas takbo ng ekonomiya sa malapit na ugnayan ng budget at plano; ang pag gawa ng mga reporma sa budget at procurement na sinabi niyang nag-uudyok sa mga ahensya na maging mas mahusay sa paghahatid ng mga kalakal at serbisyo; at malakas na pampulitikang pamumuno.
Noong Mayo 10, ang economic team ng pamahalaan na binubuo ng National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Finance (DOF) at DBM ay nagsabing sa isang nagkakaisang pahayag na kabila ng mga limitasyon ng reenacted budget, ang bansa ay mayroon pa ring isa sa pinakamabilis-lumalagong ekonomiya sa rehiyon.
Mga pinagmulan
ABS-CBN News Youtube, Pres. Duterte talks to reporters after voting in Davao City, May 13, 2019
Department of Budget and Management website, DuterteNomics 2.0 showcases economic gains of the government, Jan. 30, 2019
Department of Budget and Management website, Joint Statement on Q1 2019 GDP growth Economic Team (NED-DOF-DBM), May 10, 2019
Google, Public Data GDP growth rate line chart. July 6, 2018
Philippine Statistics Authority website, PH GDP posts 5.6 percent growth in the first quarter of 2019, May 9, 2019