Sa pagbanggit sa katayuan ng kriminalidad sa Pilipinas, iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa ay bumaba ng kalahati noong 2023. Nangangailangan ito ng konteksto.
PAHAYAG
Sa isang talumpati sa harap ng mga may ranggong opisyal ng Philippine National Police noong nakaraang buwan, sinabi ni Marcos na ang mga insidente ng paglabag sa karapatang pantao sa bansa ay bumababa kasabay ng mga index crime, at ang mga ito ay naging posible “nang hindi binabalewala ang tuntunin ng batas.”
Sinabi ng pangulo:
“Incidents of human rights violations were down by half in 2023 as compared to 2022. It proves that rules that strengthen the fabric of our democracy, rules that our heroes had died for, rules that [are] enshrined in our Constitution, are not inconveniences in policing but are, in fact, integral and indispensable in serving up justice.”
(“Ang mga insidente ng paglabag sa karapatang pantao ay bumaba nang kalahati noong 2023 kumpara noong 2022. Pinatutunayan nito na ang mga alituntunin na nagpapatibay sa ating demokrasya, mga alituntunin dahilan ng pagkamatay ng ating mga bayani, mga alituntunin na nakasaad sa ating Konstitusyon, ay hindi mga abala sa pagpupulis ngunit, sa katunayan, mahalaga at kailangang-kailangan sa paglilingkod para sa hustisya.”)
Pinagmulan: RVMalacañang, Oath-taking of PNP Star Rank Officers (Speech) 3/18/2024, Marso 18, 2024, panoorin mula 3:46 hanggang 3:54
ANG KATOTOHANAN
Bagama’t walang binanggit si Marcos na anumang batayan para sa pahayag, ang datos mula sa Commission on Human Rights (CHR) ay nagpapakita na ang mga kaso ng umano’y paglabag sa karapatang pantao ay bumaba noong 2023 ngunit hindi sa 50%. Nagtala ang CHR ng 1,608 kaso ng umano’y HRV noong taong iyon, bumaba ng 4.51% lamang sa 1,684 noong 2022.
BACKSTORY
Sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas, ang mga paglabag sa karapatang pantao ay maaaring mga extra-legal (extrajudicial) na mga pagpatay, torture, enforced o involuntary disappearance (EID), karahasan laban sa kababaihan at mga bata at anumang pagkilos na “lubhang lumalabag” sa karapatan ng isang tao sa buhay, kalayaan at seguridad ng kanilang pisikal o mental na integridad.”
Noong Nobyembre 2012, ang yumaong pangulong Benigno Aquino III ay naglabas ng Administrative Order No. 35, na lumikha ng isang inter-agency committee na mag-iimbestiga at mag-uusig ng mga kaso ng extra-legal killings, torture, EID, at iba pang malalalang paglabag sa karapatang pantao.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
Personal Communication, Commission on Human Rights, April 2, 2024
Commission on Human Rights, Annual Report – 2022, Accessed April 11, 2024
Commission on Human Rights, Annual Report – 2021, Accessed April 11, 2024
Commission on Human Rights, Annual Report – 2020, Accessed April 11, 2024
Commission on Human Rights, Annual Report – 2019, Accessed April 11, 2024
Commission on Human Rights, Annual Report – 2018, Accessed April 11, 2024
Commission on Human Rights, Annual Report – 2017, Accessed April 11, 2024
Commission on Human Rights, Annual Report – 2016, Accessed April 11, 2024
Department of Justice, Inter-Agency Committee on Extra-Legal Killings and Enforced Disappearance Meet to Adopt Guidelines for Investigation and Prosecution :: Department of Justice – Republic of the Philippines, April 12, 2013
Official Gazette of the Philippines, Republic Act No. 9262, March 8, 2004
Official Gazette of the Philippines, Administrative Order No. 35, s. 2012 | Official Gazette of the Republic of the Philippines, Nov. 22, 2012
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)