Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Ping Lacson na ‘No. 1 producer’ ng biomass ang PH nangangailangan ng konteksto

WHAT WAS CLAIMED

Ang Pilipinas ang No. 1 producer ng biomass.

OUR VERDICT

Kailangan ng konteksto:

Isang cursory search ang magpapakita na ang Pilipinas ang pangalawang pinakamalaking producer ng biomass, kahit man lang sa limang bansa sa Southeast Asia na may magagamit na datos tungkol sa biomass production. Sa rehiyon, una ang Indonesia na may 7.80 m

By VERA Files

Apr 6, 2022

-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa pagsusulong na bumuo ng mga alternatibong mapagkukunan ng enerhiya sa bansa, sinabi ng kandidato sa pagkapangulo na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson Sr. na ang Pilipinas ang nangungunang biomass producer.

Ito ay nangangailangan ng konteksto.

PAHAYAG

Nang tanungin kung paano niya haharapin ang madalas na pagtaas ng presyo ng langis upang maprotektahan ang mga mamimili laban sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, sinabi ni Lacson, sa isang press conference noong Marso 24:

“‘Yung ating biomass, tayo ang No. 1 producer ng biomass; 1.3% lang ang naha-harness natin. Kailangan dugtong-dugtong ito, [‘yung] research and development, pondohan natin, dagdagan natin ng pera para makapag-research.”

 

Pinagmulan: Ping Lacson Official Facebook Page, #TuloyAngLaban, Marso 24, 2022, panoorin mula 37:24 hanggang 37:36

ANG KATOTOHANAN

Dahil hindi binanggit ni Lacson ang geographical na batayan sa “nangungunang” ranggo ng bansa sa produksyon ng biomass, nangalap ng datos ang VERA Files Fact Check sa biomass production ng mga bansa sa Southeast Asia (SEA).

Isang cursory search ang magpapakita na ang Pilipinas ay ang pangalawang pinakamalaking biomass producer, kahit man lang sa limang mga bansa sa SEA na may magagamit na datos sa biomass production.

 

 

Noong 2020, nakapag-produce ang Pilipinas ng 7.56 million tonnes of oil equivalent (TOE) ng biomass, kasunod ng 7.80 milyon ng Indonesia. Pangatlo ang Thailand na may 444,361 TOE, pagkatapos ay Malaysia na may 241,000, at pagkatapos ay Singapore na may 70,400.

 

Pinagmulan: Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand, at Department of Energy ng Philippines

Noong Marso 8, sinabi ni Lacson na ang Pilipinas ang pangalawang pinakamalaking biomass producer. Hindi siya nagbanggit ng geographical na batayan o tinukoy ang pinagmulan ng kanyang pahayag kaugnay ng ranking ng Pilipinas sa biomass production.

Ang biomass ay organic na materyal mula sa mga residue sa agrikultura, pagpoproseso ng kahoy at basura, dumi ng hayop, at solid waste ng munisipyo na pagkatapos ay na-convert sa biofuel, na matagal nang pinag-aralan bilang isang renewable energy source (tulad ng biofuel) para sa transportasyon at electricity generation.

 

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Ping Lacson Official Facebook Page, #TuloyAngLaban, March 24, 2022

Ping Lacson Official Facebook Page, Sinong gustong mapababa… (Archived), March 8, 2022

On biomass production (in tonne of oil equivalent)

National Geographic Encyclopedia, Biomass energy, Nov. 19, 2012

U.S. Energy Information Administration,  Biomass Explained, June 8, 2021

U.S. Office of Energy Efficiency and Renewable Energy, Biofuel Basics, Accessed March 11, 2022

Science Direct (Earth Systems and Environmental Sciences), Climate Vulnerability: Biomass, 2013

Environmental and Energy Study Institute (EESI), Bioenergy (Biofuels and Biomass), Accessed March 11, 2022

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.