Sinabi ni dating defense secretary Norberto Gonzales, isang kandidato bilang pangulo sa halalan sa Mayo 9, na walang “partikular na batas” na tumutukoy at tumutugon sa krimen ng rebelyon sa Pilipinas.
Ito ay kulang sa konteksto. Panoorin ang video:
Kapag ang lider o mga lider ng rebelyon ay hindi kilala, nakasaad sa RPC na ang sinumang “nag utos sa iba, nakipag-usap sa kanila, pumirma sa mga resibo at ibang dokumento na nasa kanilang pangalan o gumawa ng katulad na gawain, para sa mga rebelde” ay ituturing na “lider” ng rebelyon.
Sa debate na itinataguyod ng SMNI News, sinabi pa ni Gonzales, na nagsilbing secretary ng National Defense at National Security Adviser noong administration ni pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na “hindi na ilegal na maging komunista.” Lumilitaw na tinutukoy niya ang Anti-Subversion Act, na pinawalang-bisa noong 1992 sa pamamagitan ng RA 7636.
Ngunit hindi ito dapat itumbas sa isang “batas laban sa rebelyon,” sinabi ng abogadong si Romel Bagares, isang professorial lecturer on international and human rights law, bilang tugon sa isang na-email na tanong mula sa VERA Files Fact Check.
“Ang Anti-Subversion Act sa panahon ni Marcos ay nakatutok sa Communist Party of the Philippines at mga kaalyadong organisasyon. Pinarurusahan ang pagiging miyembro ng kahit na anong samahang ito,” sabi sa Ingles ni Bagares.
“Ang batas na ito ay pagpapalawak ng isang batas noong 1957 na ipinasa sa panahon ng administrasyong Garcia na ginawang kriminal ang pagiging pro-Soviet Partido Komunista ng Pilipinas at mga kaalyadong organisasyon nito,” dagdag niya.
Samantala, sa ilalim ng 1987 Constitution ang pangulo, bilang commander-in-chief, ay may kapangyarihang atasan ang sandatahang lakas upang pigilan o sugpuin ang labag sa batas na karahasan, pagsalakay, o rebelyon.
Sa kaso ng dalawang huling binanggit, “kapag kinakailangan ng kaligtasan ng publiko,” maaari ring suspindihin ng pangulo ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus o ilagay ang buong Pilipinas, o alinmang bahagi nito, sa ilalim ng batas militar sa loob ng “hindi hihigit” sa 60 araw, napapailalim sa ilang mga limitasyon.
(Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Martial law arrest orders and what they mean)
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
The Manila Times, The SMNI Presidential Debate, Feb. 15, 2022
Official Gazette, Republic Act 6968, Oct. 24, 1990
Official Gazette, Act 3815, Dec. 8, 1930
Official Gazette, Republic Act 7636, Sept. 22, 1992
Official Gazette, PD 885 (1976); PD 1736 (1980); PD 1835 (1981); PD 1975 (1965)
Lawphil, Republic Act 1700, June 20, 1957
Chan Robles Virtual Law Library, Republic Act 1700, June 20, 1957
Official Gazette, 1987 Constitution, Feb. 2, 1987
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)