Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Roque na ‘hindi hiningi’ ni Duterte ang anti-terror bill nangangailangan ng konteksto; mali sa pagsasabi na naipasa ng Senado ang panukalang batas sa nakaraang Kongreso

Sa pagsisikap na ilayo si Pangulong Rodrigo Duterte sa labis na tinutuligsang anti-terrorism bill, mali ang sinabi ni Palace Spokesperson Harry Roque na ang panukala ay sinangayunan ng Senado noon pang ika-17 Kongreso.

By VERA Files

Jun 19, 2020

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa pagsisikap na ilayo si Pangulong Rodrigo Duterte sa labis na tinutuligsang anti-terrorism bill, mali ang sinabi ni Palace Spokesperson Harry Roque na ang panukala ay sinangayunan ng Senado noon pang ika-17 Kongreso.

Roque’s claim that the bill “did not come from the president” himself also needs context.

Ang pahayag ni Roque na ang panukalang batas “ay hindi nagmula sa pangulo” mismo ay nangangailangan ng konteksto.

Panoorin ang video:

VFFC: Roque makes wrong claim on anti-terror bill; claim that Duterte ‘did not ask’ for the measure needs context from VERA Files on Vimeo.

Nilikha noong 1992, ang LEDAC ay nagsisilbing “consultative at advisory body sa pangulo” sa mga programa at patakaran na “mahalaga sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng pambansang ekonomiya.” May 20 miyembro, binubuo ito ng magkahalong mga opisyal ng executive at legislative, kabilang ang Senate president at House speaker, at pinamumunuan mismo ng pangulo.

Hindi pa inaprubahan ng konseho ang “common legislative agenda” para sa ika-18 Kongreso, ayon sa performance indicator na inilabas noong Disyembre 2019.

Sa panayam sa pagbubukas ng ika-18 Kongreso noong Hulyo 2019, sinabi ni Sotto na ang iminungkahing “Anti-Terrorism Act” ay kabilang sa priority bills ng Senado dahil ito ay “naiwan” mula sa nakaraang Kongreso dahil sa “kakulangan ng oras.”

Ang mga panukalang batas na hindi naipasa sa pagtatapos ng isang termino ng kongreso ay dapat na muling ifile at sumailalim sa parehong proseso sa susunod na term.

Ang panukalang Anti-Terrorism Act ay muling nabigyang buhay sa kasalukuyang Kongreso nang ma-refile ang maraming panukalang amyenda sa HSA sa Senado. Ito ay kalaunang pinagsama at ipinasa sa pangwakas na pagbabasa noong Peb. 26.

Ang House ay sumunod noong Hunyo 4, na pinagtibay ang bersyon ng Senado ng panukala, matapos ma-certify itong urgent ni Duterte noong Hunyo 1. (Tingnan ang Anti-Terrorism Act 2020: Foreign Borrowings and Local Hacks)

Hinihintay na ngayon ang pirma ng pangulo sa panukalang batas. Gayunman, maaari pa rin niyang itong i-veto o hayaan na lamang na maging batas ito pagdating ng Hulyo 9, 30 araw matapos itong matanggap ng Malacanang.

Kung maisabatas, ang Anti-Terrorism Act of 2020 ay magpapalawak ng kahulugan ng terrorist acts terorista sa pagpaplano, pag-uudyok, pagsasanay, paghahanda, at pagpapadali ng anumang mga gawain sa pamamagitan ng mga talumpati, proklamasyon, pagsusulat “para sa layunin ng pananakot” sa publiko at paglikha ng isang “kapaligiran na may takot.” Palalawigin nito ang tagal ng warrantless detensyon para sa mga hinihinalang terorista mula sa maximum na tatlong araw hanggang sa 24 na araw. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Mga kailangan mong malaman tungkol sa panukalang anti-terrorism bill ng Senado)

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Rowena Salvacion — DZBB, June 13, 2020

Office of the Presidential Spokesperson Facebook, Presidential Spokesperson Harry Roque DZBB Media Interview, June 13, 2020

Presidential Communications Operations Office, Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Karen Davila – Headstart/ANC, June 17, 2020

Senate of the Philippines, Senate Bill No. 2204: Anti-Terrorism Act of 2019, Feb.4, 2019

Senate of the Philippines, Overview of Senate Bill No. 2204: Anti-Terrorism Act of 2019, Feb. 4, 2019

Commission on Appointments, Calendar of Sessions: Third Regular Session for 17th Congress of the Philippines, Aug. 14, 2018

House of Representatives in the Philippines, House Bill No. 7141:Prevention of Terrorism Act of 2018, Feb. 7, 2018

House of Representatives in the Philippines, House Bill No. 5507: Unlawful Membership in Terrorist Organizations Act of 2017, May 2, 2017

Senate of the Philippines, Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III, July 22, 2019

Official Gazette of the Philippines, Republic Act No. 9372: Human Security Act of 2007, March 6, 2007

Presidential Legislative Liaison Office, 17th Congress Priority Legislative Measures: Common Legislative Agenda and President’s Legislative Agenda

Official Gazette of the Philippines, Republic Act No. 7640: Legislative-Executive Development Advisory Council, Dec. 9, 1992

Legislative Executive Development Advisory Council, The LEDAC in Brief

Legislative Executive Development Advisory Council, Performance Indicator, Dec. 31, 2019

Senate of the Philippines, Senate Bill No. 1083: The Law on the Prevention of Terrorist Acts of 2020, Sept. 30, 2019

National Economic and Development Authority, Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC)

Senate of the Philippines, Senate Bill No. 1083: The Law on the Prevention of Terrorist Acts of 2020, Sept. 30, 2019

House of Representatives in the Philippines, House Bill No. 6875: The Anti-Terrorism Act of 2020, June 4, 2020

Senate of the Philippines, Legislative Process: Final Legislative Action

Rappler, Congress transmits anti-terrorism bill to Malacañang, June 9, 2020

CNN Philippines, Malacañang receives anti-terrorism bill for Duterte’s signature, June 9, 2020

ABS-CBN News, Congress transmits Anti-Terror bill to Palace for Duterte’s signature, June 9, 2020

Presidential Communications Operations Office, 2016 State of the Nation Address by President Rodrigo Roa Duterte, July 25, 2016

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.