Sa pagtugon sa mga kritiko na nagsabing nahuhuli ang Pilipinas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination drive sa Asia, hindi tama ang sinabi ni Palace Spokesperson Harry Roque na tatlong bansa lamang sa rehiyon ang nagsimula ng kanilang pagbabakuna hanggang sa Peb. 2.
PAHAYAG
Sa isang serye ng mga tweet noong Peb. 2, ipinilit ni Roque na nasa iskedyul ang pambansang pamahalaan kasama ang mga kapitbahay nitong mga Asian:
“Ano ba ho ang katotohanan? Sa tatlong Asyanong mga bansa pa lang po ang nag-rollout, ito po ang Singapore, ang India at ang Indonesia.”
Pinagmulan: Presidential Spokesperson Harry Roque Official Twitter Account, “Ano ba ho ang katotohanan?…,” Peb. 2, 2021
Sinabi pa ni Roque:
“[I]lan na ho ba talaga ang nabakunahan sa mga lugar na ito? Well (Ah), sa Singapore, 1.98% pa lang po ang nababakunahan; sa India, 0.27% pa lamang; at sa Indonesia, 0.19[%]. Ang ibig sabihin po nito, hindi po tayo nangungulelat. Kung magsisimula po tayong magbakuna ng Pebrero, halos kasabay po natin ang halos lahat na karatig-bansa natin.”
Pinagmulan: Presidential Spokesperson Harry Roque Official Twitter Account, “Well, sa Singapore, 1.98% pa lang po…,” Peb. 2, 2021
ANG KATOTOHANAN
Hindi bababa sa 13 sa 55 mga member state ng Asia-Pacific region sa United Nations (UN) ang nagsimula na ng kani-kanilang mga COVID-19 vaccination rollout sa iba`t ibang antas noong Peb. 2, kasama na ang apat na bansa sa Southeast Asia (Indonesia, Singapore, Lao PDR, at Myanmar).
Ang Israel, na kabilang geographically ng Asian continent (ngunit hindi kasama sa 55), ay nangunguna sa vaccination drive sa buong mundo, na nakapagbakuna na ng may 35% ng kanyang 9.29 milyong pangkalahatang populasyon na may isa sa dalawang dosis hanggang Peb. 3. Karamihan ng ginamit sa bansa ay Pfizer-BioNTech jabs, at “maliit na bilang ng mga dosis” mula sa Moderna, ayon sa mga ulat sa balita.
Gayunman, sa isang naunang panayam, sinabi ng Embassy ng Israel sa Maynila sa VERA Files Fact Check na ang bansa ay nakapagbakuna na ng 50% ng eligible population nito, na hindi kasama ang mga wala pang 16 taong gulang. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Trillanes sa mga COVID-19 vaccination program sa Israel, Southeast Asia nakaliligaw, kailangan ng konteksto)
Hindi pa inirerekomenda ng World Health Organization ang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine na ibibigay sa mga batang wala pang 16 taong gulang habang ang mga developer nito ay nangangalap pa rin ng datos upang suriin ang kaligtasan nito sa mga mas batang age group (edad 12-15 at 16-17).
Mali rin si Roque sa pagbanggit na 1.98% lamang ng mga Singaporean ang nabakunahan. Nagsimula ng vaccination drive gamit ang Pfizer-BioNTech COVID-19 jabs noong Dis. 30, 2020, ang Singapore, hanggang Peb. 1, ay nakapagsimula nang magbakuna ng una sa dalawang dosis sa “higit sa 155,000 mga indibidwal,” o halos 2.73% ng 5.69 milyong pangkalahatang populasyon nito.
Ang pinakabagong mga pagtatantya mula sa Department of Statistics ng Singapore ay nagpapakita na ang mga nasa hustong gulang na 20 pataas ay bumubuo ng halos 57% ng populasyon ng bansa, o humigit-kumulang na 3.24 milyon.
Lumabas ang pahayag ni Roque matapos magkomento si Vice President Leni Robredo sa mga resulta ng COVID-19 Pandemic Response Index na isinagawa ng Lowy Institute, isang independiyenteng international think tank na nakabase sa Australia.
Niranggo ng pag-aaral, kung saan inihambing ang “pagiging epektibo ng mga bansa sa pagtugon sa COVID-19 pandemic,” ang Pilipinas sa ika-79 sa 98 mga bansa na sinubaybayan ng siyam na buwan hanggang Enero 2021.
Ito ay batay sa anim na mga indicator tulad ng: kumpirmadong mga kaso; kumpirmadong pagkamatay; kumpirmadong mga kaso bawat milyong katao; kumpirmadong pagkamatay bawat milyong katao; kumpirmadong mga kaso bilang proporsyon ng mga pagsubok (tests); at, mga pagsubok bawat isang libong tao.
Sa kanyang lingguhang palabas sa radyo, sinabi ni Robredo na habang ipinakita sa ulat na ang pagtugon ng Pilipinas sa pandemic ay “hindi mainam,” maaaring gamitin ng pambansang pamahalaan ang mga review na ito upang muling mai-calibrate ang mga patakaran at solusyon nito.
Sinabi niya:
“Sana ‘yung mga ganitong mga assessment, seryosohin; instead (imbes) na depensahan, tanggapin [at] hanapan ng solusyon. Kasi hanggang ngayon … ‘pag pinakinggan natin, dinedepensahan pa din.”
Pinagmulan: Vice President Leni Robredo Official Facebook Account, [BISErbisyong LENI – Episode 195], Enero 31, 2021, panoorin mula 17:02 hanggang 17:54.
Sa pananaliksik nito, sinabi ng Lowy Institute na habang ang mga bansa ay niranggo, “walang iisang uri ng bansa ang lumitaw na unanimous winner sa panahong sinuri.” Gayunpaman, idinagdag ng ulat na “sa pangkalahatan, ang mga bansang may mas maliit na populasyon, nagkakaisang mga lipunan, at mga institusyon na may kakayahan ay, kung ikukumpara, may kalamangan sa pagharap sa isang pandaigdigang krisis tulad ng isang pandemic.”
Ang New Zealand, na may populasyon na 4.82 milyon noong 2020, ay nanguna sa iskor na 94.4 sa isang daan, sinundan ng Vietnam, na may 96.2 milyong mga indibidwal noong 2019, na may 90.8.
Sa isang press briefing noong Peb. 11, sinabi ni Roque na tatanggap ang Pilipinas ng unang shipment ng mga Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa pamamagitan ng World Health Organization (WHO) COVAX facility bago magtapos ang Pebrero.
Dagdag pa ng tagapagsalita na ang si physician Jonas Del Rosario, tagapagsalita ng Philippine General Hospital (PGH), ang magiging “unang taong mababakunahan nang ligal” ng COVID-19 vaccine.
Sa parehong briefing, sinabi ni Roque na 600,000 dosis ng bakunang Sinopharm ay darating sa Peb. 23, na may 100,000 dosis na ibinigay ng China sa Department of National Defense.
Hanggang Peb. 19, dalawa lamang ang mga COVID-19 vaccines — ang mga Pfizer-BioNTech at AstraZeneca — na nabigyan ng emergency use authorization ng Food and Drug Administration ng bansa.
Mga Pinagmulan
Presidential Spokesperson Harry Roque Official Twitter Account, Ano ba ho ang katotohanan?…, Feb. 2, 2021
Presidential Spokesperson Harry Roque Official Twitter Account, Well, sa Singapore, 1.98% pa lang po…, Feb. 2, 2021
VERA Files Database, Ongoing COVID-19 vaccination drives in Asia as of Feb. 2, 2021, Feb. 11, 2021
United Nations, Regional groups of Member States, Accessed Feb. 15, 2021
Israel Ministry of Foreign Affairs, Israel and the Region, Accessed Feb. 15, 2021
The Associated Press, Indonesia starts mass COVID vaccinations over vast territory, Jan. 14, 2021
Channel News Asia, More than 113,000 people in Singapore receive first dose of COVID-19 vaccine: MOH, Jan. 28, 2021
The Star Malaysia, Laos declares Covid-19 vaccinations safe, more to be inoculated next week, Jan. 6, 2021
Nikkei Asia, Myanmar starts India-made COVID jabs, but China vaccine on hold, Jan. 27, 2021
The Times of Israel, Vaccination nation: 5 factors in Israel’s world-leading COVID inoculation drive, Jan. 6, 2021
British Broadcasting Corporation, Coronavirus: Israel leads vaccine race with 12% given jab, Jan. 3, 2021
Wall Street Journal, Israel’s Covid-19 Vaccinations Hold Lessons for U.S., Jan. 26, 2021
Israel Ministry of Health, COVID-19 Vaccination Information, Accessed Feb. 18, 2021
CNN, Israel’s health data suggests Pfizer and Moderna vaccines may be more effective than we thought , Jan. 29, 2021
Deutsche Welle (DW), Israel’s clever coronavirus vaccination strategy, Feb. 16, 2021
The Times of Israel, PM: 1st Moderna shots land Thursday, we’ll give to those who can’t come to HMOs, Jan. 6, 2021
World Health Organization, Who can take the Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine?, Jan. 8, 2021
U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Pfizer-BioNTech, Jan. 25, 2021
Pfizer, THE FACTS ABOUT PFIZER AND BIONTECH’S COVID-19 VACCINE, Jan. 6, 2021
Singapore Government Official Website, What you should know about the COVID-19 vaccine, Dec. 30, 2020
Reuters, Singapore begins COVID-19 vaccinations, marking ‘new chapter’ in virus fight, Dec. 30, 2020
New Delhi Television, Singapore Begins COVID-19 Vaccinations With Pfizer In One Of Asia’s First, Dec. 30, 2020
Inquirer.net, Singapore rolls out COVID-19 vaccination exercise, Dec. 30, 2020
Singapore Ministry of Health, QUESTION NO. 382, Feb. 1, 2021
Singapore Department of Statistics, Population and Population Structure, Accessed Feb. 18, 2021
Singapore Ministry of Health, Health Advisory, Accessed Feb. 18, 2021
The Lowy Institute, COVID Performance Index: Deconstructing Pandemic Responses, Jan. 28, 2021
The Lowy Institute, About The Lowy Institute, Accessed Feb. 11, 2021
Vice President Leni Robredo Official Facebook Account, [BISErbisyong LENI – Episode 195], Jan. 31, 2021
United Nations Data App, New Zealand, Accessed Feb. 11, 2021
World Bank, Vietnam, Accessed Feb. 11, 2021
Presidential Communications Operations Office Official Facebook Page, Spox Roque Virtual Press Briefing February 11, 2021, Feb. 11, 2021
World Health Organization, COVAX: Working for global equitable access to COVID-19 vaccines, Accessed Feb. 11, 2021
Philippine Food and Drug Administration, Emergency Use Authorization (EUA) for Pfizer-BioNTech COVID19 Vaccine Suspension for IM Injection, Jan. 14, 2021
Philippine Food and Drug Administration, Emergency Use Authorization (EUA) for COVID-19 Vaccine (ChAdOx1- S[recombinant]) (COVID-19 Vaccine AstraZeneca), Jan. 28, 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)