Sa kanyang mga social media account noong Peb. 1, mali ang datos na binanggit ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV tungkol sa coronavirus disease (COVID-19) vaccination program ng Israel.
Ang kanyang pahayag sa status ng pagbabakuna ng mga member-states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay nangangailangan ng konteksto.
PAHAYAG
Tinatalakay kung paano nahuhuli ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa Asia sa roll out ng programa sa pagbabakuna sa buong bansa, isinulat ni Trillanes sa kanyang opisyal na Facebook (FB) account:
“Israel already had 50% of their population vaccinated. ASEAN countries have rolled out vaccination programs as well.
(Mayroon nang 50% ng kanilang populasyon ang nabakunahan sa Israel. Ang mga bansa sa ASEAN naglunsad na rin ng mga programa ng pagbabakuna.)”
Pinagmulan: Antonio “Sonny” Trillanes IV Official Facebook Page, Peb. 1, 2021
Idinagdag niya:
“As for us (Sa atin), mga gov’t VIPs pa lang may bakuna, smuggled pa. Hindi pwedeng ganito. Remember, the fate of our people and our economy is at stake (Tandaan, ang kapalaran ng ating mamamayan at ng ating ekonomiya ang nakataya).”
Ang post ng dating mambabatas ay maaaring umabot sa 1.5 milyong katao, ayon sa social media monitoring tool na CrowdTangle.
Pagkalipas ng labing isang minuto, nag-post si Trillanes ng parehong pahayag sa kanyang opisyal na Twitter account (@TrillanesSonny) na mayroong higit sa 119,000 followers.
ANG KATOTOHANAN
Sa ngayon, ang Israel ay, sa katunayan, nangunguna sa COVID-19 immunization program sa buong mundo. Naglunsad ito ng sariling kampanya sa pagbabakuna noong Dis. 19, 2020. Ngunit nakapagbakuna lamang ito ng halos isang-katlo ng mga mamamayan nito, hindi kalahati tulad ng sinabi ni Trillanes.
Hanggang noong Peb. 3, ang mga bansa sa Middle East ay nakapagbigay na ng una sa dalawang bakuna ng COVID-19 sa 3,297,502 o tinatayang 35% ng 9.29 milyon na pangkalahatang populasyon nito, ayon sa COVID-19 dashboard ng Ministry of Health ng Israel. Mahigit sa kalahati ng bilang na ito, o 1,906,748 katao, ang nakatanggap ng pangalawang dosis ng COVID vaccine.
Ang Pfizer/BioNTech vaccine ang higit na ginagamit sa inoculation program ng Israel, habang ang ilan ay nakatanggap ng bakuna ng Moderna.
Gayunpaman, sa isang email noong Peb. 4 sa VERA Files Fact Check, sinabi ng Embahada ng Israel sa Pilipinas na ang bansa nito ay nakapagbakuna ng 50% ng eligible population, at binabanggit na ang target ay makapagbakuna ng 6 milyong katao. Sinabi ng embahada na ang bansa ay hindi nagbabakuna ng mga wala pang 16 taong gulang.
Noong Abril 2020, mga batang edad 0-14 ay 28% ng populasyon ng Israel, humigit-kumulang na 2.57 milyon.
Bilang karagdagan, sa 3.08 milyong Israelis na nabakunahan hanggang Enero 31, 83% ay higit 60 taong gulang.
Hanggang Peb. 2, sa Southeast Asia, ang Indonesia, Singapore, Lao PDR, at Myanmar lamang ang nakapagsimula ng kanilang mga programa sa pagbabakuna.
Inaasahan ng Cambodia, Malaysia, Thailand, at Vietnam ang mga supply ng bakuna sa kalagitnaan hanggang huli ng Pebrero. Samantala, sinabi ng Ministry of Health ng Brunei noong Enero 30 na ang sultanate ay makakatanggap ng dosis mula sa AstraZeneca at sa COVAX Facility, ngunit “tinatasahan” pa rin ang mga bakuna mula sa Sinopharm at Sinovac ng China, Moderna, at Pfizer-BioNTech.
Ang COVAX ay isang initiative ng World Health Organization (WHO); Gavi, ang vaccine alliance; at ang Coalition for Epidemic Preparedness Initiative (CEPI) upang magbigay ng sapat na dosis ng mga bakuna sa higit sa 190 mga bansa sa mundo para mabakunahan ang hindi bababa sa 20% ng kanilang populasyon sa pagtatapos ng 2021.
Sa Pilipinas, kabilang sa unang pangkat ng coronavirus vaccines na inaasahang darating sa kalagitnaan ng Pebrero ay mula sa Sinovac BioTech ng China, ayon kay Carlito Galvez Jr., vaccine czar at punong tagapagpatupad ng National Task Force vs COVID-19.
Samantala, sinabi ng WHO Represenative sa Pilipinas na si Rabindra Abeyasinghe sa isang media forum noong Peb. 1 na ang COVAX Facility ay maghahatid ng humigit-kumulang 117,000 na dosis ng mga bakuna mula sa Pfizer-BioNTech sa ikalawa o ikatlong linggo ng Pebrero. Sinabi niya na inaasahan ng bansa na halos 44 milyong dosis ng gamot ang maihahatid sa loob ng isang taon.
Ang Pfizer vaccine ay nakatanggap ng emergency use listing (EUL) mula sa WHO noong Dis. 31 at ang unang emergency use authorization para sa coronavirus vaccine mula sa Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas noong Enero 24.
Ang bansa ay maaari ring makakuha ng 5.5 hanggang 9.2 milyong dosis ng Oxford-AstraZeneca vaccine, habang hinihintay ang EUL mula sa WHO, sa huling bahagi ng Pebrero o unang bahagi ng Marso, ayon kay Abeyasinghe.
BACKSTORY
Naging headline bandang huli ng Disyembre ang balita tungkol sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno at kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nabakunahan ng walang pahintulot na COVID-19 vaccine.
Sa isang talumpati noong Dis. 26, sinabi ni Duterte na “halos lahat” ng mga sundalo ay nabakunahan na kontra COVID-19 bagaman ang FDA ay wala pang naaaprubahan nang mga oras na iyon.
Kinumpirma ng AFP na ang ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ay nabakunahan laban sa COVID-19 simula pa noong Setyembre 2020. Sinabi din ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na ang ilang mga miyembro ng Gabinete ay na-inoculate ng mga hindi awtorisadong bakuna.
Noong Enero 4, binawi ng Pangulo ang kanyang pahayag, sinabing hindi niya alam na ang kanyang mga PSG escort “ay naturukan ng bakuna at kung anong tatak.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte kinontra ang naunang sariling pahayag, Durante sa pagkakaalam tungkol sa PSG COVID-19 vaccine; VERA FILES FACT SHEET: Mga paglabag, parusa para sa mga taong sangkot sa paggamit ng mga hindi awtorisadong bakuna sa Pilipinas)
Iniulat ng Washington Post noong Enero 18 ang tungkol sa isang black market para sa mga COVID vaccine sa Pilipinas na kinasasangkutan ng tinatayang 100,000 mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa gambling industry.
Sa pagpupulong noong Dis. 26 ng Inter-Agency Task Force kasama ang mga health expert, sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na nagsagawa ang kanyang ahensya ng “tatlong mga raid sa Makati at Binondo sa Maynila ngunit wala silang nakitang black market seller ng COVID vaccines.”
Sinabi ni Teresita Ang See, isang Filipino-Chinese civic leader, na ang mga bakuna ay “maaaring nagkakahalaga” ng US$200 hanggang US$300 batay sa mga advertisement sa Chinese media at impormasyon mula sa mga chat group ng nagtatrabaho sa gambling industry.
Ang post sa Trillanes sa FB ay nakatanggap ng higit sa 3,700 interactions. Batay sa isang search sa CrowdTangle, ang pahayag ng dating senador ay ginawang mga quote card ng iba`t ibang mga FB page, kasama na ang Pinoy Ako Blog at Silent No More PH, at news organization News5, na nakakuha ng humigit-kumulang 33,000 interactions nang pinagsama sa FB.
Ang kanyang tweet ay muling nai-share din nang higit sa 300 beses at nakakuha ng higit sa 1,600 likes.
Mga Pinagmulan:
World Health Organization, Regulation and Prequalification.
The Embassy of Israel in the Philippines, Personal Communication (email), Feb. 2, 2021
The Embassy of Israel in the Philippines, Personal Communication (email), Feb. 4, 2021
Israel Ministry of Health, קורונה – לוח בקרה
The Times of Israel, Pfizer, Moderna both trying for 3rd dose booster shots to combat virus variants, Jan. 27, 2021
CNN, January 29, 2021 coronavirus news, Jan. 29, 2021
Haaretz, https://www.haaretz.co.il/news/education/1.8799769, April 2020, translated by Noa Barak from The Whistle
ASEAN Briefing, COVID-19 Vaccine Roll Outs in ASEAN & Asia – Live Updates by Country, Feb. 1, 2021
Brunei
- The Star Online, Brunei considering various Covid-19 vaccine choices, Jan. 30, 2021
- XinhuaNet, Brunei to vaccinate 70 pct of population: health official – Xinhua | English.news.cn, Jan. 24, 2021
- The Star Online, Brunei to vaccinate 70% of population in three phases, Jan. 24, 2021
Cambodia
- Khmer Times, Cambodia to get 20 million doses of COVID-19 vaccine, Jan. 28, 2021
- Cambojanews, Cambodia has sourced 20 million doses of COVID-19 vaccine: MEF official, Jan. 28, 2021
- Nikkei Asia, Cambodia accepts 1m doses of China’s Sinopharm vaccine, Jan. 16, 2021
- Reuters, Cambodia says China donates 1 million doses of COVID-19 vaccines, Jan. 14, 2021
Indonesia
- AP News, Indonesia starts mass COVID vaccinations over vast territory, Jan. 14, 2021
- Ministry of Health Republic of Indonesia, Kementerian Kesehatan Republik Indonesia, Feb. 1, 2021
- Vaksinasi COVID-19 bagi Tenaga Kesehatan Capai 132 Ribu – Sehat Negeriku, Jan. 22, 2021
Laos
- Ministry of Health, ກຸ່ມເປົ້າໝາຍທີ່ຈະໄດ້ຮັບສີດວັກຊິນປ້ອງກັນໂຄວິດ19 ວັກຊິນຕ້ານໂຄວິດອີກສອງງວດຈະຮອດລາວໄວໆນີ້ – Ministry of Health
- The Star Online, Laos declares Covid-19 vaccinations safe, more to be inoculated next week
- Ministry of Health, ຄະນະສະເພາະກິດ COVID-19
- Suelao.com, Jan. 22, 2021, translated by Peerapon Anutarasoat from Sure and Share Center Thailand
- Envafiles.com, Jan. 27, 2021, translated by Peerapon Anutarasoat from Sure and Share Center Thailand
- Laotian Times, Laos Begins Vaccinations for Over 600 Medical Workers – Laotian Times, Jan. 27, 2020
- Lao National Radio, Jan. 27, 2020
Malaysia
- Malaysia Ministry of Health, The first phase of the #PfizerBiontech vaccine supply is expected to arrive in Malaysia on Feb 26, Feb. 2, 2021
- Nikkei Asia, Malaysia doubles Pfizer COVID vaccine order as it locks down anew, Jan. 11, 2021
- The Star Online, INTERACTIVE: When to expect your Covid-19 vaccine shots, and everything else you need to know about Malaysia’s vaccination programme, Jan. 30, 2021
- Channel News Asia, Malaysia to receive first batch of COVID-19 vaccines as country reports more than 4,000 new cases, Feb. 1, 2021
- Nikkei Asia, Coronavirus latest: China cracks fake COVID vaccine ring, Feb. 1, 2021
Myanmar
- Myanmar Ministry of Health and Sports, MINISTRY OF HEALTH AND SPORTS, Jan. 27, 2021
Singapore
- Singapore Ministry of Health, News Highlights, Feb. 1, 2021
- Singapore Ministry of Health, News Highlights, Jan. 28, 2021
- Singapore Ministry of Health, News Highlights, Jan. 22, 2021
Thailand
- Bangkok Post, Thailand set to start Covid-19 vaccinations Feb 14, Jan. 25, 2021
- Bloomberg, Thailand to Start Covid-19 Vaccination Program From Feb. 14, Jan. 24, 2021
- National News Bureau of Thailand, COVID-19 vaccine jabs to start February-April, Jan. 31, 2021
Vietnam
- Nikkei Asia, Vietnam eyes launch of homemade COVID vaccine in 2nd half of 2021, Dec. 11, 2020
- Nikkei Asia, Coronavirus: Week of Jan. 24 to Jan. 30, Vietnam approves AstraZeneca vaccine, Jan. 30, 2021
- Reuters, UPDATE 1-Vietnam reports 34 new COVID-19 cases, speeds up vaccine procurement, Jan. 30, 2021
- Vietnam Ministry of Health, Thủ tướng Nguyễn Xuân Phúc: Sớm đưa vaccine ngừa COVID-19 đến người dân trong quý I này – Tin nổi bật – Cổng thông tin Bộ Y tế, Feb. 2, 2021
- Tuoitrenews.vn, 34 new community cases announced as AstraZeneca vaccine approved in Vietnam, Jan. 30, 2021
Philippines
- Department of Health, Beat COVID-19 Media Forum, Feb. 1, 2021
- Nikkei asia, Philippines secures 25m doses of Sinovac COVID vaccine, Jan. 11, 2021
- Reuters, Philippines to buy 20 million Moderna vaccine doses as COVID-19 cases rise, Jan. 19, 2021
Duterte and PSG vaccinations
- Inquirer.net, Some Cabinet, PSG members have received COVID-19 vaccine, Año confirms, Dec. 28, 2020
- Rappler, Some Duterte Cabinet officials, soldiers are already vaccinated, Dec. 28, 2020
- Philstar.com, ‘Some Cabinet, PSG men have received vaccine’, Dec. 29, 2020
- RTVMalacanang, Meeting with the Emerging Infectious Diseases Experts, Dec. 26, 2020
United Nations, Population Division
World Bank, Open Data
Nikkei Asia, Charting coronavirus vaccination around the world:Nikkei, Feb. 1, 2021
The New York Times, See Which Country Is Leading the Global Race to Vaccinate, Jan. 25, 2021
Bloomberg, Southeast Asia Covid-19 Vaccine Tracker: Who Gets What, Dec. 31, 2020
Food and Drug Administration, FDA Philippines Grants Emergency Use Authorization to Pfizer-BioNTech COVID-19 Vaccine – Food and Drug Administration of the Philippines, Jan. 14, 2021
World Health Organization, WHO issues its first emergency use validation for a COVID-19 vaccine and emphasizes need for equitable global access, Dec. 31, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)