Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Palace spox Roque nililigaw ang tao tungkol sa batas laban sa red tape

Sa isang briefing noong Marso 6, pinuri ni Palace spokesperson Harry Roque ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpapatupad "kamakailan" ng isang batas na ipinasa isang dekada na ang nakalilipas at ang pinalawak na bersyon ay hindi pa pinirmahan ng pangulo.

By VERA FILES

Mar 9, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Sa isang briefing noong Marso 6, pinuri ni Palace spokesperson Harry Roque ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpapatupad “kamakailan” ng isang batas na ipinasa isang dekada na ang nakalilipas at ang pinalawak na bersyon ay hindi pa pinirmahan ng pangulo.

PAHAYAG

Sa harap ng mga mamamahayag sa Malacañang, ipinagmalaki ni Roque ang takbo ng pamumuhunan sa bansa at ipinangako sa mga namumuhunan na ang kasalukuyang administrasyon ay patuloy na magpapatupad ng mga patakaran na magpapahusay sa daloy ng negosyo.

Sinabi niya:

“Sa katunayan, uhm, sa pagtupad nito, kamakailan lamang ay pinagtibay namin ang Anti-Red Tape Law, na nagbibigay ng mga takdang panahon para sa mga lokal na pamahalaan na kumilos, uhm, sa mga nakabimbing aplikasyon, uhm, sa kanila.”

Pinagmulan: Radio Television Malacañang, Press Briefing of Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, Malacañang Palace, March 6, 2018, watch from 1:33-1:52

FACT

Ang Republic Act No. 9485, ang batas ng bansa laban sa red tape, ay nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2007.

Ang isang panukalang-batas na naghahangad na amyendahan ang batas ay ipapadala pa sa Office of the President, kahit na ito ay nasa mga huling yugto na sa Kongreso.

Noong Marso 9, ang pinakahuling entry sa legislative history ng Senate Bill No. 1311, na naglalayong palawakin ang dating batas laban sa red tape para sa pag-streamline ng proseso sa pagtatayo at pagpapatakbo ng mga negosyo, ay nagsasabing:

“3/5/2018 Conference Committee Report Naaprubahan ng House of Representatives noong Pebrero 27, 2018”

Pinagmulan: Senate of the Philippines, Senate Bill No. 1311

Sinabi ng tanggapan ng sponsor na si Sen. Juan Miguel Zubiri sa VERA Files Fact Check na ang panukalang batas:

“ay na-ratify sa Senado at sa House of Representatives. Kami ay naghahanda ng naka-enroll na kopya na ipadadala sa Office of the President para sa kanyang pirma. ”

Mga Pinagmulan:

Civil Service Commission, Anti-Red Tape Act of 2007

Radio Television Malacañang, Press Briefing of Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, Malacañang Palace, March 6, 2018

Senate of the Philippines, Senate Bill No. 1311, as of March 9, 2017, click ‘Leg. History’

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.