Sa pagbibigay-katwiran sa kanyang “side trip” kamakailan sa Ocean Adventure park sa Subic, Zambales, sinabi ng Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi niya nilabag ang anumang health at quarantine regulations.
Hindi ito totoo. Panoorin ang video na ito:
VERA FILES FACT CHECK: Roque makes false claim to justify swimming with dolphins from VERA Files on Vimeo.
Sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) — isang transition phase sa “new normal” na kondisyon — ang swimming at iba pang “non-contact na sports” ay pinapayagan basta ang minimum na pamantayan sa kalusugan ng publiko, tulad ng pagsusuot ng mga mask at pagpapanatili ng iniutos na pisikal ng distansya na hindi bababa sa isang metro, ay isinasagawa.
Si Roque, na nagsisilbing tagapagsalita din ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ay hindi ang unang opisyal na pinulaan dahil sa sinasabing paglabag sa health at quarantine protocols.
Noong unang bahagi ng Hunyo, binatikos si San Juan City Mayor Francisco Zamora matapos iwasan ng kanyang convoy ang health inspection sa isang checkpoint sa Baguio City. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Walang ‘cancer-free,’ sabi ng oncologist)
Nahaharap sa kasong kriminal si National Capital Region Police Chief Maj. Gen. Debold Sinas dahil sa umano’y pagwawalang-bahala sa mga regulasyong pangkalusugan nang ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan sa isang “mananita,” o madaling araw na harana, noong Mayo.
Bago nito, noong Marso, marami ang humiling ng pagbibitiw ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III matapos na samahan niya ang kanyang asawang buntis sa ospital habang siya ay nasa self-quarantine dahil sa mga sintomas ng COVID-19. Kinabukasan inihayag ng senador na siya ay nag positibo sa sakit. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Mali si Pacquiao; PH tinutugunan na ang ‘coronavirus isyu’ mula pa noong Enero)
Mga Pinagmulan
Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, July 2, 2020
Philstar.com official Facebook page, “LOOK: Palace spokesman Harry Roque visits Ocean Adventure as they begin to gradually reopen amid the general community quarantine,” July 1, 2020
Rappler, ‘Not leisure,’ says Roque about swim with dolphins at Ocean Adventure, July 2, 2020
Politiko, Bakasyon muna: Roque swims with dolphins in Ocean Adventure, July 3, 2020
Department of Health, COVID-19 FAQs, Accessed July 6, 2020
Presidential Communications Operations Office, Public Briefing #LagingHandaPH hosted by PCOO Secretary Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio with Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque; Pasig City Representative and Chairman of the House Committee on Basic Education and Culture, Congressman Roman Romulo; Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya, July 3, 2020
Official Gazette, OMNIBUS GUIDELINES ON THE IMPLEMENTATION OF COMMUNITY QUARANTINE IN THE PHILIPPINES, Last amended June 3, 2020
Benjamin Magalong official Facebook page, Public statement, June 7, 2020
CNN Philippines, Criminal charges to be filed vs. NCRPO chief Sinas, other police officials over birthday feast – Palace, May 14, 2020
Inquirer.net, BREAKING: Sinas, other police officials in mañanita to face criminal case – Palace, May 14, 2020
Rappler, PNP files criminal, admin raps vs Sinas, 18 cops over birthday party, May 15, 2020
Inquirer.net, Senator under fire for quarantine breach, March 26, 2020
CNN Philippines, #KokoResign trends after Pimentel admits quarantine breach, March 26, 2020
Rappler, #KokoResign, #KokoKulong: Netizens rage vs Pimentel for breaking quarantine protocols, March 26, 2020
ABS-CBN News, Senator Pimentel tests positive for COVID-19, March 25, 2020
CNN Philippines, Senator Pimentel tests positive for COVID-19, March 25, 2020
Philstar.com, Pimentel becomes second senator to test positive for COVID-19, March 25, 2020
Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)