Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Panelo mali sa Uson party-list

Ang AA-Kasosyo ay unang tumakbo at natalo sa halalan noong 2007.

By VERA FILES

May 25, 2019

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Salungat sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang natalong party-list ni Mocha Uson na AA Kasosyo ay hindi isang “bagong party-list.”

PAHAYAG

Ang AA-Kasosyo, na ang unang nominee ay si dating Communications Assistant Secretary Mocha Uson, ay hindi nanalo ng anumang puwesto sa Kongreso.

Ang grupo, na kumakatawan sa entrepreneurship, “lalo na para sa mga overseas Filipino worker,” ay pang 72 sa 134 na mga party-list na may 126,834 na boto o 0.46% lamang ng kabuuang mga boto sa labanan ng mga party-list, batay sa 165 ng 167 na certificates of canvass na natanggap.

Isang linggo bago ang proklamasyon ng Commission on Election’s (Comelec) ng mga nanalong kandidato, sinabi ni Panelo na hindi siya makapaniwala na ang party-list ni Uson ay matatalo sa botohan. Suspetsa ng presidential spokesperson, si Uson ay maaaring “sobrang kumpiyansa, dahil mayroon siyang limang milyong tagasunod sa Facebook.”

Pagkatapos ay idinagdag niya:

 

“Unang una, ano bang party-list niya? … Iyan ay isa pang bagay nga pala … Kung bago itong
party-list, talagang mahirap.”

Pinagmulan: Philstar.com, “Panelo surprised Mocha Uson’s partylist lost in 2019 midterm polls.” Mayo 16, 2019, panoorin mula 1:04 hanggang 1:23

ANG KATOTOHANAN

Ang AA-Kasosyo ay unang tumakbo at natalo sa halalan noong 2007. Ang grupo ay nanalo ng isang puwesto noong 2010, na pinunan ni Representative Solaiman Pangandaman.

Si Solaiman ay pinalitan noong Hulyo 2011 ng kanyang kapatid na lalaki, si dating Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman, dahil siya ay nag migrate sa Estados Unidos, ayon sa mga ulat ng balita.

Sa panahon ni Nasser, ang AA-Kasosyo ay nasabit sa P10-bilyon “pork barrel scam” na minaniobra umano ni Janet Napoles.

Nang tanungin si Uson tungkol sa kontrobersyal na kasaysayan ng kanyang partido sa maikling panayam sa Comelec noong Dis. 7, sinabi ni Uson na “lahat ay may bahid,” at dinagdag na ang iba pang (party-list groups) ay “mga sympathizer ng terorista.”

 

 

Mga pinagmulan

Rappler, #PHVOTE 2019: THE PARTY-LIST RACE

Philstar, ‘Mocha party-list’ might have fared better, Panelo says of Uson’s poll loss, May 16, 2019

Presidential Communications Operations Office website, Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, May 15, 2019

House of Representatives website, Roster of Philippine Legislators

Commission on Elections website, Election results, May 14, 2007

Philippine Center for Investigative Journalism website, And the party-list nominees are…, May 7, 2007

I-Site 2007 Election Files, List of Nominees of Accredited Party-List Groups, May 8, 2007

I-Site 2007 Election Files, 1-Utak to ATS, May 8, 2007

GMA News Online, Comelec bares names of party-list nominees, May 4, 2007

Inquirer.net, Uson to run under party-list group linked to pork barrel scam, Oct. 16, 2018

Rappler, Mocha Uson’s party linked to pork barrel scam, Oct. 15, 2018

The United States Department of Justice, U.S. Seeks to Recover $12.5 Million Obtained from High-Level Corruption in the Philippines, July 14, 2015

Rappler, U.S. indicts Napoles family for money laundering, Aug. 1, 2018

ABS-CBN News, Napoles, 5 others indicted for int’l money laundering, conspiracy, bribery, Aug. 1, 2018

 

(Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.