Inulit ang maling pahayag na unang ginawa ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, si Police Chief Ronald Dela Rosa naman ang nagbigay ng depinisyon ng extrajudicial killings (EJKs) sa pamamagitan ng di-wastong pag gamit ng administrative order ni Benigno S. Aquino III.
PAHAYAG
Sa isang forum noong Okt. 16 sa Quezon City, sinabi ni Dela Rosa:
“Naninindigan kami sa depinisyon ng EJK na nilinaw sa ilalim ng Administrative Order anong number na yun?, na tinutukoy ang EJKs bilang: una, ang mga biktima ay dapat miyembro ng mga cause-oriented group, o kasapi ng media, at ginagawa ito ng isang tauhan ng estado o taga labas ng estado. ‘yun ang aming depinisyon sa EJK ”
Pinagkunan: PNP Chief Ronald Dela Rosa sa Kamuning Bakery Cafe, Okt. 16, 2017, pakinggan mula 0:46 hanggang 1:11
FACT
Ang malamang na tinutukoy ni Dela Rosa ay ang AO No. 35 na nilagdaan ni dating Pangulong Aquino noong 2012, na lumikha ng inter-agency committee sa mga extralegal killings at iba pang mga paglabag sa karapatang-tao tulad ng mga enforced disappearances at torture.
Gayunpaman order, na naunang mali ring binanggit ni Cayetano, ay hindi nagbibigay ng pamatayang kahulugan ng EJKs. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Was the definition of EJKs changed under the Duterte administration?)
Walang batas na nagbibigay ng kahulugan ng EJK sa Pilipinas, ngunit ang batas at mga internasyonal na mga kombensiyon ay nagbabalangkas kung ano ang mga ito.
Ang Korte Suprema sa isang desisyon noong 2007 ay tinukoy ang “extralegal” na pamamaslang, ang internasyonal na tinatanggap na termino para sa EJK, bilang “pagpatay na ginawa nang hindi sumailalim sa proseso ng batas.”
Nagpasya ang kataas-taasang hukuman:
“Samakatuwid, kasama sa mga ito ang iligal na pagkitil ng buhay anuman ang motibo, buod at arbitraryong pagpatay,” salvagings “kahit ng mga pinaghihinalaang kriminal, at mga banta na tapusin ang buhay ng mga taong hayagang kritikal sa mga nagkakamaling opisyal ng gobyerno at katulad nila. ”
Pinagkunan: Official Annotations to the Rule on the Privilege of the Writ of Amparo
Ang Minnesota Protocol, na pormal na pinagtibay ng United Nations noong 1991, ay nagbibigay gabay sa mga pagsisiyasat sa mga paglabag sa karapatang pantao sa buong mundo.
Ayon sa Center for International Law, ang Minnesota Protocol ay sumasaklaw sa mga pagkamatay mula sa mga operasyon ng pulis, kung saan ang mga pagkamatay na ito ay nangyari sa ilalim ng mga kondisyon ng labis na paggamit ng puwersa.
Ang AO ni Aquino na binanggit ni Dela Rosa ay sadyang limitado sa kahulugan nito ng EJKs.
“Nang tinukoy ng (administrasyong Aquino) ang EJK, sa limitadong paraan, (ito ay) dahil ang kanilang mandato ay para lamang sa mga namatay dahil sila ay mga mamamahayag o dahil sa pampulitikang pagkiling,” sinabi ng abogado ng human rights na si Jose Manuel Diokno sa isang naunang panayam sa VERA Files.
Ang kahulugan ay kinuha “sa labas ng konteksto” ng kasalukuyang mga opisyal ng pamahalaan, sinabi ni Diokno.
Mga pinagkunan:
Interview with lawyer Jose Manuel Diokno, De La Salle University Law
Official Annotations to the Rule on the Privilege of the Writ of Amparo
PNP Chief Dela Rosa at Kamuning Bakery Cafe, Oct. 16
(Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.)