Skip to content
post thumbnail

​VERA FILES FACT CHECK: Poe pinag-iisipan muli ang posisyon sa right of reply

Matapos ang ilang mga taon ng paulit-ulit na sinasabi na ang right of reply ay lumalabag sa kalayaan sa pamamahayag, iniisip ngayon ni Sen. Grace Poe na kinakailangan ito "dahil may ilang tao na hindi nabibigyan ng karapatan."

By VERA Files

Oct 20, 2017

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Matapos ang ilang mga taon ng paulit-ulit na sinasabi na ang right of reply ay lumalabag sa kalayaan sa pamamahayag, iniisip ngayon ni Sen. Grace Poe na kinakailangan ito “dahil may ilang tao na hindi nabibigyan ng karapatan.”

PAHAYAG

Sa isang pagdinig sa komite ng Senado tungkol sa fake news sa umpisa ng buwang ito, tinalakay ang right of reply, at sinabi ni Poe:

“Ang aking unang posisyon ay, hindi natin kailangang isabatas dahil ayaw kong sabihin sa media kung ano … ayaw natin mag ‘over-legislate.’ Ngunit mayroon bang pangangailangan para dito? Siguro ngayon kailangan natin. Dahil may ilang mga tao na hindi binibigyan din ng karapatan. ”

Pinagkunan: PTV, pagdinig sa Senado tungkol sa mabilis na pagdami ng fake at/o nakaliligaw na balita maling impormasyon, panoorin mula 2:34:58-2:35:20

Ang right of reply/ karapatan sa pagtugon ay nagbibigay sa mga indibidwal ng karapatang ipagtanggol ang kanilang sarili mula sa pagpuna sa parehong media kung saan ang kritisismo ay nailathala o naisahimpapawid.

Sinabi ni Poe na ito ay “maaaring isaalang-alang, lalo na sa mga online na balita” na, ayon sa kanya, ay may mas kaunting limitasyon sa espasyo at airtime kumpara sa mga balita sa print o broadcast.

FLIP FLOP

Sa nakaraang apat na taon, kabaligtaran ang pinaniniwalaan ni Poe.

Sa ilang panayam noong 2013, sinabi ni Poe na ang right of reply ay isang uri ng censorship sa media. Wala siyang tinukoy na mga pagkakaiba sa pagitan ng print, broadcast at online na mga balita.

Ang House of Representatives noong panahong iyon ay tinatalakay kung isasama ang isang probisyon ng right of reply sa panukalang Freedom of Information (FOI). Ang bersyon ng Senado ng panukalang batas, na isinulat ni Poe ay walang ganitong probisyon.

Sa isang Net 25 interview sinabi ni Poe:

Ito po ay aking opinyon at opinyon din ng halos 20 resource person natin na ang right of reply ay isang pagdidikta kung papano mo dapat ginagawa ang trabaho mo. Mas naniniwala po kasi ako sa self-regulation. Sa Senado po, lahat ng senadors na nag-sponsor, hindi po namin nilagay ang right of reply.”

Pinagkunan: Senate Press Release. Interview with Senator Grace Poe Sa Ganang Mamamayan at NET25. October 17, 2013

Inulit niya ang kanyang paninindigan sa panayam ng Radyo5:

Meron rin sa aming naniniwala na hindi po natin pwedeng diktahan ang pwedeng isulat dahil parang uri ng censorship na rin iyon… Sabi ko naman, ang media ay mayroon din kakayahan na iwasto ang sarili. Kapag meron naman kasing libelous na bagay-bagay, ibang batas iyon. Dapat hindi iyon isama sa FOI.”

Pinagkunan: Senate Press Release. Transcript of Sen. Grace Poe’s Radyo5 interview on FOI. January 29, 2014

Noong Mayo 2014, dalawang buwan matapos na inaprubahan ng Senado ang FOI bill, si Poe ay tumawag para sa “tuluy-tuloy na pampublikong pagkilos” laban sa pagiging batas ng right of reply. karapatan ng pagtugon. Ang kanyang panawagan ay inilathala ng hindi bababa sa dalawang online media, ang DZRH at Inquirer.net:

“Lagi kong iginiit na ang right of reply ay isang paraan ng panghihimasok sa ating karapatan sa malayang pamamahayag. Bagaman maraming beses na tinatanong namin ang mga motibo ng media at makatarungang pamamahayag ay paminsan-minsan pinagbabantaan, ang isang tunay na demokrasya ay dapat hikayatin ang self-regulation. Sa huli, ang mga tao ang magtatakda ng kredibilidad at pagkamakatarungan ng mga mambabatas at ng media. ”

Pinagkunan: Inquirer.net. Poe: Right of reply curtails press freedom. May 23, 2014

Ang katuwang na panukalang FOI ay hindi pumasa sa House dahil sa mga debate tungkol sa right of reply.

Ang mga organisasyon ng media ay kontra sa mga panukalang isabatas ang right of reply/karapatan ng pagtugon. Sinabi ng National Union of Journalists of the Philippines ang naturang batas ay “katumbas ng prior restraint/naunang pagpigil” dahil dinidiktahan nito ang mga mamamahayag kung ano ang balita na dapat ilathala o isahimpapawid.

Sa kasalukuyan, isang panukalang-batas sa House ang naglalayong isabatas ang right of reply/karapatan ng pagtugon.

Ang isang pinagsamang panukalang FOI, na walang probisyon ng right of reply/karapatan sa pagtugon, ay nakabinbin na pangalawang pagbabasa sa Senado mula pa noong Okt. 19 ng nakaraang taon.

Mga pinagkunan:

PTV. Senate hearing on the Proliferation of Fake and/or Misleading News and False Information. October 4, 2017

Inquirer.net. Poe: Right of reply curtails press freedom. May 23, 2014

DZRH News. Poe urges public to press for “right of reply” law. May 23, 2014

Senate Press Release. Transcript of Sen. Grace Poe’s Radyo5 interview on FOI, Punto Asintado hosted by Mr. Erwin Tulfo and Mr. Martin Andanar. Jan. 29, 2014

Senate Press Release. Interview with Senator Grace Poe Sa Ganang Mamamayan at NET25. October 17, 2013

The Mindanao Examiner. NUJP Primer on the right of reply bill. March 11, 2009

ABS-CBN. Journalists declare opposition to right of reply bill. Feb. 25, 2009

GMA News. Journalists tag right-of-reply-bill ‘act of terrorism’ vs media. Feb. 24, 2009

(Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.