Isang video na nakakuha na ng higit sa 130,000 views ang pinagsama ang mga totoo at maling impormasyon tungkol sa ginagawang muling pagbilang ng boto sa pagitan nina Vice President Leni Robredo at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nai-post noong Hunyo 20 sa channel ng YouTube na “Bagong Lipunan,” ang 14 na minutong footage na may pamagat na, “The dishonest man behind the delay of VP Recount.” Inakusahan sa video si Supreme Court (SC) Associate Justice Benjamin Caguioa ng “pagkiling.” Si Caguioa ay member-in-charge ng 2016 electoral protest na isinampa ni Marcos sa SC na nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET).
Inilarawan ng Bagong Lipunan ang video na sumusunod:
“1088 days na ang ELECTORAL PROTEST ni BBM at di pa rin tapos ang VP recount ng PET ng Supreme Court dahil sa isang dishonest (hindi tapat) at maka-dilawan na Associate Justice.”
Pinagmulan: Bagong Lipunan YouTube channel, June 29, 2019
Ang video ay isang composite ng tatlong magkakaibang mga clip, ang unang apat na minuto ay nakatuon sa tinatawag nito na “nangungunang siyam na paraan na dinumihan ni Supreme Court Justice Benjamin Caguioa ang sistema ng hukuman.” Ginamit din nito ang mga clip mula sa isang 10-minutong Hunyo 2018 vlog na inilathala ng opisyal na pahina ng Facebook ni Marcos at isang Enero 22 na ulat ng Rappler sa recount ng boto.
Ang Bagong Lipunan, na ipinangalan sa partidong pampulitika ng ama ni Marcos na si dating pangulong Ferdinand Marcos, ay siyam na taon nang channel na nagpapalaganap ng mga video na pro-Marcos sa mahigit 28,000 subscribers.
Noong Setyembre 2018, naglabas ng resolusyon ang PET na nagbabasura sa petisyon ng dating senador para pagbawalan si Caguioa maging member-in-charge ng kanyang protesta. Sinabi ni Marcos na ang mahistrado ay may kinikilingan.
Inihalintulad ng Mataas na Hukuman ang mga pahayag ni Marcos sa “mga teorya ng pagsasabwatan.” Ito rin ay “mahigpit na nagbabala” sa kampo ng senador na “ang anumang walang pasubali at hindi nararapat na akusasyon sa hinaharap ay haharapin nang mas matinding (parusa),” ayon sa ilang mga ulat na balita.
Tiningnan ng VERA Files Fact Check ang mga pahayag ng Bagong Lipunan, tinukoy ang 10, at inuri kung ano ang totoo at kung ano ang mali.
1. Sa pagbubukas ng mga ballot box para sa recount
Sa huling press release ng PET tungkol dito noong Enero, ang pagrebisa ng mga balota mula sa 5,417 clustered precincts sa mga pilot testing na probinsya ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental “ay nakumpleto, maliban sa ilang mga ballot box…at ang basa o nasira na mga balota.”
Ayon sa isang 2015 SC administrative order, ang pagrebisa ng mga balota ay tumutukoy sa “pisikal na pagbibilang at paghihiwalay ng mga balota” at pagtala ng anumang mga pagtutol at paghahabol sa kanila.
Lalong pinasisinungalingan ang pahayag ng Bagong Lipunan, ang pagsisimula ng manu-manong pagbibilang ng boto noong Abril 2, 2018 ay pinasinayahan din ng mga pahayag ng mga kampo nina Robredo at Marcos. Sa araw na iyon, sinabi ng bise presidente sa kanyang mga tagasuporta na nag-rally malapit sa SC na “huwag matakot” at ang katotohanan ay makikita sa recount. Samantala, nag-akusa si Marcos ng pandaraya sa botohan, binabanggit ang isang ballot box mula sa Camarines Sur na binuksan na umano’y may labis o hindi nagamit na mga balota.
2. Sa paunang kumperensya sa protesta sa halalan
Ang pahayag na sinadya ni Caguioa na inantala ang pagtatakda ng paunang kumperensya — kung saan ang mga isyu ng kaso ay pinasisimple at ang ilang mga detalye ng pagrebisa ng mga balota ay inaayos — ay walang basehan.
Wala ring “panuntunan ang PET” na nagsasabing ang kumperensya ay kailangang itakda “10 araw pagkatapos matanggap ang sagot ni Robredo.”
Ang Rule 29a ng 2010 Rules on PET ay nagsasabi na ang Tribunal ay dapat mag-utos ng isang paunang kumperensya “pagkatapos ng huling pleading” ay pinasok ng mga partidong kasangkot. Gayunpaman, hindi ito nagtakda ng tiyak na oras kung kailan dapat ganapin ang kumperensya.
Tinukoy ng PET Rules ang isang 10-araw na deadline lamang para sa pagsusumite ng mga pleading, kontra-protesta, at motion for reconsideration, at para sa pagbabayad ng mga kinakailangang cash deposit.
Isinampa ni Marcos ang kanyang protesta noong Hunyo 29, 2016. Nagsampa siya ng petisyon sa SC noong Enero 26, 2017, na humihikayat sa PET na magtakda ng petsa para sa paunang kumperensya.
Ang paunang komperensiya nina Marcos-Robredo ay ginanap noong Hulyo 11, 2017, matapos na ilipat mula sa orihinal na petsang Hunyo 21, 2017.
Ang huling pagpapaliban ay nangyari kasabay ng maraming mga petisyon na isinampa sa Korte Suprema na humahamon sa bisa ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao. Parehong naglabas ng mga pahayag sina Robredo at Marcos na nagpapahayag ng kanilang pag-unawa sa pagkaantala.
3. Sa pagkuha ng mga ballot box
Ipinakikita ng PET Rules na ang utos para sa pagkuha ng mga ballot box ay dapat mailabas sa loob ng dalawang araw matapos isumite ng pinoprotesta ang kanyang sagot, kung kailanganin ng protesta o kontra-protesta:
“Within forty-eight hours from receipt of the answer with counter-protest, if any, the Tribunal shall, when the allegations in a protest or counter-protest warrants, order the ballot boxes and their contents with their keys, lists of voters with voting records, books of voters, the electronic data storage devices, and other documents, paraphernalia, or equipments (sic) relative to the precincts involved in the protest or counter-protest, to be brought before it.
(Sa loob ng apatnapu’t walong oras mula sa pagtanggap ng sagot na may kontra-protesta, kung mayroon man, ang Tribunal ay dapat, kapag ang mga paratang sa isang protesta o kontra-protesta ay kakailanganin, iutos ang mga ballot box at ang kanilang mga nilalaman kasama ang kanilang mga susi, mga listahan ng mga botante na mga talaan ng pagboto, mga libro ng mga botante, mga electronic data storage device, at iba pang mga dokumento, mga paraphernalia, o mga kagamitan na nauugnay sa mga presinto na sangkot sa protesta o kontra-protesta, na dadalhin dito).”
Pinagmulan: Rule 37, A.M. No. 10-04-29-SC
Gayunpaman, sa tugon sa mga katanungan ng VERA Files tungkol sa bagay na ito, sinabi ng SC Public Information Office (PIO) na ang 48-oras na panahon ay “hindi isang mahigpit na pangangailangan” dahil sa pasubaling parirala na: “kapag kailanganin sa mga paratang sa isang protesta o kontra-protesta.”
Binanggit nito ang paglabas ng PET ng Preautionary Protection Order (PPO) noong Hulyo 12, 2016, na nag-utos sa COMELEC na “mapanatili at pangalagaan” ang integridad ng mga ballot box at iba pang mga dokumento ng eleksyon na ginamit sa 2016 halalan.
Bago ipalabas ang retrieval order, sinabi ng SC PIO na kailangan munang tiyakin ng PET ang mga kinakailangan sa logistik at seguridad para sa pagkuha ng mga ballot box.
Ang retrieval order ay tumutukoy sa “mga pamamaraan na dapat sundin kapag ang mga kinukwestiyon na mga ballot box at mga dokumento ng eleksyon ay iniutos na dalhin sa Tribunal,” sabi ng SC PIO.
4. Sa pagbabayad ng pag-file at iba pang ligal na bayarin
Sa ilalim ng PET Rules, sina Marcos at Robredo ay kinakailangang maglagak ng cash deposit para sa kanilang electoral protest at kontra protesta, ayon sa pagkakasunod. Inutusan si Marcos na magbayad ng halos P66.02 milyon; si Robredo, halos P15.443 milyon.
Ang parehong mga kampo ay binigyan ng parehong pamamaraan ng pagbabayad at mga deadline sa pamamagitan ng isang resolusyon noong Marso 21 na nag-utos sa kanila na magbayad sa dalawang installment, kasama ang unang deadline na itinakda noong Abril 14, 2017, at ang pangalawang installment sa loob ng tatlong buwan, sa Hulyo 14.
Ang Abril na deadline para sa dalawang kampo ay nataon na Biyernes Santo kaya’t pinalawig ng PET ang mga pagbabayad hanggang sa sumunod na Lunes, Abril 17. Hindi lamang si Marcos ang kinailangan na maghanap ng milyon-milyon nang Semana Santa, tulad ng nakaliligaw na pahayag ng Bagong Lipunan.
Ang “pagkahuli na pagbabayad” ni Robredo ay dahil sa isang petisyon na kanyang isinampa noong Abril 12 upang ipagpaliban ang pagbabayad hanggang sa magbigay si Marcos ng “sapat na batayan” para sa kanyang protesta. Ibinasura ng PET ang motion ni Robredo noong Abril 25 at inutusan siyang magbayad ng P8 milyon hanggang Mayo 2, na nagpapatunay na mali ang pahayag ng Bagong Lipunan na binigyan siya ni Caguioa at ng PET ng isang “walang hangganan na palugit.” Natugunan ni Robredo ang bagong deadline ng PET.
5. Sa deadline ng pangalawang cash deposit ni Robredo
Sa isang resolusyon noong Agosto 8, 2017, pinagbigyan ng PET ang isa pang mosyon na isinampa ni Robredo na naghahangad na ipagpaliban ang pagbabayad para sa kanyang natitirang balanse na P7 milyon. Gayunpaman, salungat sa pahayag ng Bagong Lipunan na ang Korte Suprema ay ipinagpaliban “ng walang katiyakang panahon” ang kanyang pagbabayad, nagpasiya ito na babayaran ni Robredo ang balanse “pagkatapos lamang na magawa ang paunang pagpapasiya na ang nagpoprotesta ay nakagawa ng malaking pagbawi sa kanyang itinalagang tatlong pilot na mga probinsya.”
Walang mga ulat ng balita o mga opisyal na dokumento sa ngayon tungkol sa paghayag ng PET ng bagong deadline para sa pagbabayad ni Robredo.
6. Sa 8,000 saksi para kay Marcos
Kabilang sa mga dasal ni Marcos sa kanyang protesta ay ang pag-balewala sa mga boto mula sa Maguindanao, Basilan, at Lanao del Sur, matapos sabihin, bukod sa iba pa, na ang mga balota ay “pre-shaded” sa 2,756 clustered precincts sa nasabing mga lugar.
Ang PET, hindi si Caguioa, ang nag-utos kay Marcos sa pamamagitan ng Agosto 29, 2017 na resolusyon na magbigay ng tatlong mga saksi bawat clustered precinct — o 8,000 mga saksi — bilang katibayan ng kanyang sinasabing dayaan sa eleksyon sa Maguindanao, Basilan at Lanao del Sur.
Binigyan siya ng Tribunal ng limang araw upang sumunod. Gayunman, sumunod ang direktibang ito matapos mabigo ni Marcos na matugunan ang naunang deadline ng PET na magbigay ng kanyang listahan ng mga saksi noong Hulyo 21, 2017, tulad ng ipinahiwatig sa resolusyon na ipinalabas ng PET kaagad pagkatapos ng paunang kumperensya noong Hulyo 11.
Ang dating senador ay nagsumite ng 181 mga pangalan noong Setyembre 11, 2017, anim na araw ng pagtatrabaho pagkatapos matanggap ng kanyang opisina noong Agosto 31 ang resolusyon ng PET.
Sa isang Set. 19, 2017 notice, binanggit ng Tribunal ang pagtanggap nito sa listahan ng mga saksi ni Marcos. Gayunpaman, iniutos din sa kanya na “MAHIGPIT NA SUNDIN” ang kanilang utos na ipakilala ang tatlong mga saksi mula sa bawat kinauukulang clustered precincts.
Ibinigay ng kampo ni Marcos ang natitirang mga pangalan noong Okt. 9.
Ang channel ng Bagong Lipunan YouTube ay nanligaw sa pagsasabi na si Caguioa ay “ipinagpaliban ang pagkilos sa kaso.” Hindi “ipinagpaliban” ng PET ang pagkilos sa pagsumite ng mga pangalan ni Marcos. Sa halip, ipinagpaliban nito ang aksyon sa ibang petisyon ni Marcos na magsagawa ng isang “technical at forensic examination” ng mga materyales ng halalan sa tatlong lalawigan.
7. Sa mabilis na pagtugon ng PET sa mga motion ni Robredo
Ang Nob. 22, 2016 resolusyon ng PET na pinanigan ang Nob. 15, 2016 motion ni Robredo para i-decrypt ang vote counting machine SD cards sa Laguna na natagpuan na mayroong data bago pa ang halalan ay talagang ipinagkaloob sa loob ng isang linggo. Gayunpaman, ang tugon ng PET ay “hindi pangkaraniwang mabilis” tulad ng pahayag ng Bagong Lipunan.
Sa mga rekord mula sa microsite ng Protest Watch ni Marcos sa kanyang opisyal na website, na sumusubaybay sa pag-usad ng kanyang protesta, ipinapakita na ang Tribunal ay tumugon sa mga motion na kanyang isinampa — gamitin natin ang mga salita ng Bagong Lipunan, “sa kanyang pabor” — sa loob, at bago pa matapos ang, isang linggo.
Filing date |
Petition |
Response date |
Response |
Source |
Days elapsed |
November 23, 2016 |
Receive minutes of the proceedings and/or transcript of stenographic notes during stripping activities; results of SD card decryption in Laguna |
November 29, 2016 |
Granted |
https://www.bongbongmarcos.com/wp-content/uploads/2016/10/BBM-RESOLUTION-11.29.16.pdf | 6 |
March 2, 2017 |
Ex Parte motion to secure ballot images and other election paraphernalia in Siruma, Camarines Sur |
March 7, 2017 |
Granted |
https://www.bongbongmarcos.com/wp-content/uploads/2016/10/BBM-Resolution-dated-03.07.17.pdf | 5 |
January 16, 2018 |
Motion requesting Marcos’ official representatives be allowed to observe retrieval activities in Camarines Sur |
January 23, 2018 |
Granted |
https://www.bongbongmarcos.com/wp-content/uploads/2018/05/BBM-Reso-dated-01.23.18.pdf | 7 |
8. Sa pagkuha ni Marcos ng mga dokumento ng halalan at si Robredo ay isang ‘freeloader‘
Hindi totoo na si Marcos ay “hindi binigyan ng kahit isang kopya” ng mga na-decrypt na imahe ng balota.
Ang kanyang Nob. 21, 2017 na petisyon para makakuha ng “opisyal, nakalimbag at pinatunayan” na mga kopya ng mga decrypted na mga imahe ng balota, election returns, at mga audit log mula sa mga pilot testing na mga probinsya ng Iloilo, Camarines Sur, at Negros Oriental ay tinanggihan ng PET noong Enero 10, 2018, ngunit pinahintulutan siyang makakuha ng soft copy at mga photocopy ng mga dokumento.
Habang tunay na sa pamamagitan ng resolusyon ng PET noong Agosto 29, 2017, na pagbigyan ang petisyon ni Marcos noong Hunyo 1, 2017, kaya naging posible ang decryption ng mga imahe ng balota sa tatlong lalawigan, sinabi ng Commission on Elections noong Okt. 23, 2017, ang araw na sinimulan ang decryption, na ang mga kahilingan para sa mga imahe at kopya ay gagawin kasama ang PET.
Si Robredo, na nagsabi sa PET bago pa mag-Hunyo na tutol siya sa motion ni Marcos na i-decrypt ang mga imahe ng balota dahil ito ay “napakaaga” at halos nagbibigay sa kanya ng pagkakataon na “mangisda ng ebidensya,” ay nagsampa ng petisyon noong Okt. 23 na makakuha ng mga soft copy na mga na-decrypt na imahe. Ipinagkaloob ng Tribunal ang kanyang kahilingan noong Nob. 7, 2017.
Samantala, isinampa ni Marcos ang kanyang petisyon noon lamang Nob. 21, 2017.
Isang Dis. 1, 2017 na istorya ng GMA News Online ang nagsabing “walang dahilan na ibinigay ang PET” kung bakit pinagbigyan nito ang kahilingan ni Robredo na magkaroon ng mga kopya.
9. Sa pagkaantala ng unang pagrebisa ng balota
Ang pagsisimula ng pagrebisa o manu-manong pagbibilang ng mga balota, na una na naka-iskedyul ng Peb. 8, 2018, ay inilipat ng PET sa Marso 19, 2018, kasunod ng mga tagubilin ng PET para sa mga head revisor ng recount na sumailalim sa isang psychological examination.
Ang bagong ipinakitang pamamaraan ay sumubok sa mga “bias at prejudice” ng mga revisor, sabi ng miyembro ng PET ad hoc committee na si Atty. John Lemuel Arenas sa isang istorya ng GMA News Online.
Habang ang PET Rules ay hindi direktang nangangailangan ng mga psychological test para sa mga revisor, sinabi ng Rule 39 (c) na dapat nilang gampanan ang kanilang mga tungkulin na may “pinakamataas na antas ng integridad” at magsasagawa ng “mga maingat na hakbang upang maiwasan ang pagkawala, paglaho o pagkapinsala” ng mga balota at iba pang mga dokumento sa halalan.
10. Sa ikalawang pagka-antala ng pagrebisa ng balota
Limang araw bago ang dapat nasimulan na vice presidential vote recount noong Marso 19, 2018, ang mga kampo nina Marcos at Robredo ay parehong nagpahayag na muling binago ng PET ang iskedyul, para naman sa Abril 2, 2018.
Hindi sinabi ng PET mismo ang dahilan ng pagkaantala. Sa halip, ang mga dalawang kampo ang nagsabi sa publiko tungkol sa mga kalagayan ng pagpapaliban.
Inihayag ng kampo ni Marcos na ang PET ay nagsabing 42 lamang sa 50 na planong mga head revisor ang pumasa sa psychological test. Ang grupo ni Robredo, sa kabilang banda, ay nagsabing binanggit ng PET ang “logistics” bilang dahilan ng pagkaantala.
Gayunman, binanggit lamang ng Bagong Lipunan ang anunsyo ng kampo ni Marcos. — Celine Isabelle Samson
Mga Pinagmulan
Claim 1
- Abante TNT, “Robredo: Walang dapat ikatakot sa manual recount,” April 2, 2018
- ABS-CBN News online, “Marcos camp: Some unused ballots pre-shaded for Robredo,” April 4, 2018
- Eagle News, “Shaded votes for Leni found in unused, excess ballots in Baao, Camarines Sur,” April 4, 2018
- GMA News Online, “VP Robredo on manual recount: Nothing to fear,” April 2, 2018
- Philstar.com, “Vice President vote recount: More fraud claims emerge,” April 5, 2018
- Inquirer.net, “Truth to come out in vote recount, says Robredo,” April 3, 2018
- Supreme Court Administrative Order No. 07-4-15, “Rule 1”
- Supreme Court of the Philippines website, “PET: Revision for Case No. 005 (Marcos v. Robredo),” January 22, 2019
Claim 2
- ABS-CBN News, “Bongbong Marcos asks PET to set preliminary conference on poll protest,” Jan. 26, 2017
- Eagle News, “Prelim conference sa poll protest ni dating senador Marcos, ipinagpaliban ng Korte Suprema,” June 7, 2017
- Inquirer.net, “Robredo: We understand reason for delay in electoral protest conference,” June 8, 2017
- Rappler.com, “Marcos urges SC to proceed with election protest,” Jan. 26, 2017
- Rappler.com, “SC resets preliminary conference on Marcos-Robredo poll protest,” June 6, 2017
- Supreme Court of the Philippines, “A.M. No. 10-04-29 (2010 Rules of Presidential Electoral Tribunal)”
- UNTV, “Marcos asks SC to set preliminary conference on election protest,” Jan. 28, 2017
Claim 3
- Philippine News Agency, “SC orders retrieval of ballot boxes in Marcos poll protest,” Aug. 23, 2017
- Presidential Electoral Tribunal, “NOTICE,” Aug. 29, 2017
- Rappler.com, “SC forms teams for revision of ballots in Marcos-Robredo election case,” Aug. 23, 2017
- Supreme Court of the Philippines, “A.M. No. 10-04-29 (2010 Rules of Presidential Electoral Tribunal”
- Supreme Court Public Information Office, Personal Correspondence, Sept. 3, 2019
- The Manila Times, “SC forms ballot revision teams,” Aug. 24, 2017
Claim 4
- CNN Philippines, “PET orders Robredo to pay electoral protest fee,” April 26, 2017
- CNN Philippines, “VP Robredo pays counter-protest fee upon SC’s order,” May 2, 2017
- Eagle News, “VP Robredo camp has pending motion, no payment yet for counter-protest to PET,” April 21, 2017
- Interaksyon.com, “NOT SO FAST | VP Robredo asks SC for deferment of P15M fee in plea to junk Marcos poll protest,” April 18, 2017
- Inquirer.net, “VP poll protest: SC orders Marcos to pay P66.2M; Robredo, P15.7M,” April 12, 2017
- Manila Bulletin, “PET orders Robredo to pay partial P8M deposit for counter-protest vs Marcos,” April 25, 2017
- Manila Bulletin, “Robredo pays P8M deposit for electoral protest vs Marcos,” May 2, 2017
- Philstar.com, “SC tells Leni: Pay P15-M counter-protest bond,” April 26, 2017
- Presidential Electoral Tribunal, “Notice of Resolution PET Case No. 005,” March 21, 2017
- Rappler.com, “LOOK: Marcos’ donors for the P36-million recount fee,” April 17, 2017
- Rappler.com, “Robredo pays P8-M deposit for electoral protest fee,” May 2, 2017
- Rappler.com, “Robredo to pay protest fee only after recount of Marcos ballots – lawyer,” April 18, 2017
- Supreme Court of the Philippines, “A.M. No. 10-04-29 (2010 Rules of Presidential Electoral Tribunal”
- The Philippine Star, “P66-M bond set for Bongbong protest vs Leni,” April 13, 2017
- UNTV, “VP Robredo ordered to pay P8-M protest fee in five days,” April 26, 2017
Claim 5
- CNN Philippines, “SC allows Robredo to defer payment of ₱7.4-M counter-protest fee,” Aug. 18, 2017
- Manila Bulletin, “VP’s motion on poll protest fee granted,” Aug. 19, 2017
- Presidential Electoral Tribunal, “Notice of Resolution PET Case No. 005,” Aug. 8, 2017
- Rappler.com, “Deadline for 2nd tranche payment of Robredo’s protest fee extended,” July 11, 2017
Claim 6
- Gulf News, “Philippines starts vote recount in Marcos son’s contest for vice presidency,” April 2, 2018
- Manila Bulletin, “PET denies Marcos bid to examine ARMM ballots,” Nov. 28, 2017
- Philstar.com, “Bongbong’s accusation of PET as unfair: What’s behind it?,” Jan. 11, 2018
- Politics.com.ph, “Bongbong bummer! PET junks Marcos petition to examine ballots in 3 ARMM provinces,” Nov. 28, 2017
- Presidential Electoral Tribunal, “Manifestation and Comment (on the manifestation and compliance [re: list of witnesses for the third cause of action] dated 09 October 2017),” Oct. 9, 2017
- Presidential Electoral Tribunal, “Manifestation and Compliance [re: list of witnesses for the third cause of action],” Sept. 11, 2017
- Presidential Electoral Tribunal, “Notice of Resolution PET Case No. 005,” Aug. 29, 2017
- Presidential Electoral Tribunal, “NOTICE,” July 11, 2017
- Presidential Electoral Tribunal, “NOTICE,” Sept. 19, 2017
- Presidential Electoral Tribunal, “PET Case No. 005,” Aug. 29, 2017
- Rappler.com, “Bongbong Marcos accuses PET of ‘unfair treatment,’” Jan. 10, 2018
- Rappler.com, “SC defers action again on forensic exam of ARMM poll data in VP protest,” Nov. 28, 2017
- Supreme Court of the Philippines, “A.M. No. 10-04-29 (2010 Rules of Presidential Electoral Tribunal).”
Claim 7
- GMA News Online, “PET allows Robredo to secure copies of ballot images,” Dec. 1, 2017
- Interaksyon.com, “PET allows Robredo camp access to soft copies of ballots,” Dec. 1, 2017.
- Philippine News Agency, “PET grants Robredo plea to secure copies of ballots,” Dec. 1, 2017
- Presidential Electoral Tribunal, “NOTICE,” January 23, 2018
- Presidential Electoral Tribunal, “NOTICE,” March 7, 201
- Presidential Electoral Tribunal, “NOTICE,” November 29, 2016
- Presidential Electoral Tribunal, “PET Case No. 005,” Nov. 7, 2017.
Claim 8
- ABS-CBN News online, “PET denies Marcos plea for official printouts of decrypted ballots,” Jan. 18, 2018
- GMA News Online, “PET keeping official copies of decrypted ballot images, other docs in VP poll protest,” Jan. 18, 2018
- Inquirer.net, “PET denies Bongbong’s request for original documents in VP poll protest,” Jan. 18, 2018
- Philstar.com, “SC denies Bongbong’s request for copies of decrypted ballots,” Jan. 19, 2018
- Rappler.com, “PET ruling ‘confirmation of bias’ vs Bongbong Marcos, says lawyer,” Jan. 18, 2018.
Claim 9
- Eagle News, “Ballot recount on VP electoral protest moved to March 19; Marcos camp dismayed,” Feb. 9, 2018
- GMA News Online, “Bongbong blames recount sked reset on PET psych requirement,” Feb. 8, 2018
- GMA News Online, “PET gears up for Marcos-Robredo manual recount on April 2,” March 27, 2018
- Inquirer.net, “Bongbong questions need for psychological test for revisors,” Feb. 8, 2018
- Supreme Court of the Philippines, “A.M. No. 10-04-29 (2010 Rules of Presidential Electoral Tribunal)”
Claim 10
- ABS-CBN News online, “PET reschedules VP vote recount on April 2,” March 14, 2018
- CNN Philippines, “PET resets recount in Marcos poll protest vs. Robredo,” March 15, 2018
- Rappler.com, “PET resets VP protest ballot recount to April 2,” March 14, 2018
- @Rappler, “SC also warns the Bongbong Marcos camp,” Sept. 3, 2018
- North Luzon Politics.com.ph, “SC stands by Caguioa’s impartiality, calls Bongbong Marcos’ accusations ’empty,’” Sept. 4, 2018
- Philstar.com, “PET junks Bongbong’s plea for Caguioa’s recusal in his poll protest,” Sept. 3, 2018
- Rappler, “Caguioa stays on: SC warns Marcos for his ‘conspiracy theories,’” Sept. 3, 2018
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)