Skip to content
post thumbnail

​VERA FILES FACT CHECK: PTV, PNA niligaw ang tagapanood sa ulat ng ADB

Ang mga istasyon ng gobyerno na People's Television Network at Philippine News Agency ay nag-post ng Nob. 24 ng nakaliligaw na balita tungkol sa isang ulat ng public-private partnership.

By VERA Files

Dec 9, 2017

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Ang mga istasyon ng gobyerno na People’s Television Network (PTV) at Philippine News Agency (PNA) ay nag-post ng Nob. 24 ng nakaliligaw na balita tungkol sa isang ulat ng public-private partnership (PPP).

PAHAYAG

Ang pamagat at crawler ng ulat ng PTV, at ang headline ng kuwento ng PNA, ay magkapareho, na sinabing inilarawan ng Asian Development Bank (ADB) ang Pilipinas na “mahusay” ang pagpapatupad sa mga proyekto nitong PPP:

“PH mahusay ang pagpapatupad ng mga proyektong PPP: ADB”

Pinagmulan: People’s Television Network, Nov. 24, 2017

Ang nilalaman ng ulat ng PTV, isang maikling buod ng mga istatistika tungkol sa mga proyektong PPP, ay halos kapareho ng una, ikalawa, ikatlo at ikapitong mga talata ng ulat ng PNA:

“Sinabi ng Asian Development Bank na ang Pilipinas ay may kabuuang 119 na proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership ng PPP Policy, mula nang ipinatupad ng pamahalaan ang Build-Operate-Transfer o BOT Law noong 1990.”

Ipinakita sa PPP Monitor ng ADB na ang mga proyektong ito ng PPP ay nagkakahalaga ng 56.9 bilyong dolyar.

Binanggit sa ulat na 65 porsiyento ng mga proyektong PPP sa Pilipinas ay nasa sektor ng enerhiya.

Ang ulat ng ADB ay nagpakita na ang Pilipinas ay may 77 mga proyekto ng PPP sa ilalim ng sektor ng enerhiya, 27 sa transportasyon, pito sa information and communications technology, anim sa sektor ng tubig, at dalawa para sa social infrastructure.”

Kabilang sa istorya ng PNA ang isang sipi, iniuugnay sa ulat ng ADB, tila para suportahan ang headline nito:

“Ang Pilipinas ay mahusay ang pagpapatulad sa nakalipas na mga taon na pinangungunahan ng mga maayos na patakaran ng mga magkakasunod na administrasyon,’ isinaad ng PPP Monitor.”

Pinagmulan: Philippine News Agency, Nov. 24, 2017

FACT

Alinman sa ulat ng PTV o ng PNA ay hindi sumasalamin sa tamang pagsusuri ng 599-pahinang ADB PPP Monitor, na inilabas ng Nob. 23, na tumutukoy sa parehong mga pangunahing pangyayari at hamon.

Kasama sa mga pangyayari ang:

Ang pagpapalabas ng ilang mga policy circular na, bukod sa iba pa, ay nag-aatas ng mga pagbabayad ng suweldo, at pagtatatag ng pamantayan sa pagkakakilanlan, pagpili, at pag-prioridad ng mga proyekto;

Ang Pilipinas, kasama ang Thailand at India, ay may maayos na merkado ng pananalapi na maaaring magbigay ng mas mahahabang pautang sa lokal na pera upang suportahan ang imprastraktura.

Pinagmulan: Public-Private Partnership Monitor

Kabilang sa mga hamon ang:

Ang 40 porsiyento na limitasyon sa pagmamay-ari ng dayuhan sa mga proyektong pang-imprastraktura kung saan ang operasyon ay nangangailangan ng public utility franchise

Nabigong bidding noong Marso 2016 ng proyektong Laguna Lakeshore Expressway Dike, na tinatawag ng ADB na “isa sa pinakamalaking mga kasunduan ng PPP na pinangangasiwaan ng DPWH;”

Mga pagkaantala at hindi sapat na interes ng merkado sa mga proyekto ng mass transit system, kabilang ang nakaplanong LRT-6 at LRT-7, at ang operasyon at pagpapanatili ng LRT-1 at MRT-3;

Pagwawakas ng konsesyon sa proyekto ng modernisasyon ng Philippine Orthopedic Center at kawalan ng progreso sa proyektong Bulacan Medical Center Dialysis Unit Expansion.

Pinagmulan: Public-Private Partnership Monitor

Ang partikular na mga hamon ay hindi binanggit ng PTV, ngunit lumitaw sa iba pang mga ulat ng balita:

Philippine Daily Inquirer: “Nakikita ng Asian Development Bank ang limitasyon sa pamumuhunan ng dayuhan na nasa Konstitusyon bilang isang pangunahing balakid sa pagpapaunlad at tagumpay ng public-private partnerships (PPP) sa Pilipinas.”

Bloomberg TV Philippines: “Ngunit sa kabilang banda, ang Pilipinas ay mayroon ding isa sa mga pinaka-mahigpit na ekonomiya sa developing Asia, pinagbabawalan ang dayuhang kapital sa pamamagitan ng mga limitasyon ng pagmamay-ari.”

Philippine Star: “Kabilang sa mga hamon na kinakaharap ng mga mamumuhunan sa mga uri ng mga proyekto, (sinabi ni ADB PPP specialist na si Alexander Jett), ay ang maikling termino ng mga local chief executive, na hindi tumutugma sa itatagal ng mga proyekto ng PPP.”

Malaya: “‘Mayroong maraming kahilingan sa antas ng LGU, ngunit may mga hamon sa Pilipinas. Ang isang hamon ay ang mga mayor ay inihahalal sa loob ng tatlong taon, at ang mga PPP ay tumatagal ng 20 hanggang 25 taon, “sabi ni Jett.”

Hindi binanggit ng PNA sa istorya ang 40 porsiyento na limitasyon sa pagmamay-ari ng dayuhan, ngunit ang sipi tungkol sa pagpapatupad ng Pilipinas na “mahusay” ay hindi lumilitaw sa ADB PPP Monitor tulad ng ipinahayag.

Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer noong Nob. 24 na pinamagatang ‘ADB nakikita ang limitasyon sa pagmamay-ari ng dayuhan na humahadlang sa karagdagang pag-unlad ng merkado ng PPP’ ay gumagamit ng mas mahabang bersiyon ng sipi:

“Ang Pilipinas ay mahusay ang pagpapatupad sa mga nakaraang taon na pinangungunahan ng mga matatag na patakaran ng magkakasunod na mga administrasyon. Kasama ng malakas na paglago ng ekonomiya, ang maingat na pamamahala sa pananalapi ay nakabawas sa neto ng pangkalahatang utang ng gobyerno sa 34 porsyento ng (gross domestic product) noong 2016 mula sa 68 porsiyento noong 2003. “

Pinagmulan: Philippine Daily Inquirer, ADB sees foreign ownership cap hindering further development of PPP market

Ang sipi ay ginagamit sa pagtatapos ng ulat, ngunit hindi katulad ng ulat ng PNA, ay hindi iniugnay sa PPP Monitor, tanging sa “ADB.”

Ang ulat ng Bloomberg noong Nob. 24 na may panayam sa video ng ADB PPP specialist na si Alexander Jett, na naglalarawan sa Pilipinas na “mahusay sa pagpapatupad ” sa pagpapalakas ng kumpiyansa ng mamumuhunan, ay hindi pa rin isang ganap na pahayag tulad ng mga ulat ng PNA at PTV na may headline na:

” Ang Pilipinas ay maayos ang pagpapatupad sa katunayan ang pipeline ay naging kapani-paniwala at hangga’t pinapanatili nila ito ang mga mamumuhunan ay hindi mawawalan ng interes. Maaaring may mga pagkaantala ngunit kapag pumili ang pamahalaan ng isang proyekto, alam nila na ang mga bidder ay may pananalig na mangyayari ito at iyon ay mahalaga. Kaya mahalagang lumikha ng katiyakan upang ang mga namumuhunan ay hindi isipin na sila ay nag-aaksaya ng kanilang oras. At sa palagay ko ang Pilipinas ay napakagaling sa trabaho nito. ”

Pinagmulan: Bloomberg TV Philippines, Nov. 24, 2017

Mga pinagmulan:

Asian Development Bank, Public-Private Partnership Monitor

ADB, ADB Launches First Annual Report Monitoring Progress of PPP Environment in Member Countries

PTV, Nov 24, 2017

Public-Private Partnership Center website, PH performs well in PPP projects: ADB

Philippine Canadian Inquirer, PH performs well in PPP projects: ADB

Philippine Star, Municipal, health projects have great PPP potential – ADB, Nov. 25, 2017

Bloomberg TV Philippines, video report, Nov. 24, 2017

Malaya, Local PPPs constrained, Nov 23, 2017

Philippine Daily Inquirer, ADB sees foreign ownership cap hindering further development of PPP market, Nov. 23, 2017

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.