Matapos tawagin ang mandato ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) bilang “duplication ng mga gawain,” sinabi na ngayon ni Bise Presidente Leni Robredo na siya ay “sumusuporta sa mandato at tungkulin ng ahensya.”
Panoorin ang video na ito:
Sa isang pakikipagpulong sa Rotary Club of Makati noong Nob. 9, tinanong si Robredo, na tumatakbong presidente sa 2022 elections, kung paano niya ia-adjust ang budget ng anti-communist insurgency task force sakaling siya ay manalo. Ang panukalang budget para sa NTF-ELCAC sa 2022 ay P28.12 bilyon, mas mataas sa P19.2 bilyon ngayong taon. Noong 2020, mayroon itong alokasyon na P1.7 bilyon.
Noong araw ding iyon, tinapyasan ng Senado ang 2022 budget ng ahensya ng P24 bilyon, at muling inilaan ang pondo sa coronavirus disease 2019 booster inoculation program ng gobyerno, at mga benepisyo para sa mga health worker.
Noong Dis. 1, itinaas ng Senado ang alokasyon ng task force sa P10.8 bilyon, kung saan ang P10 bilyon ay ibibigay sa Barangay Development Program (BDP) ng task force.
Sa pahayag noong Nob. 26 na inilabas ng kanyang tanggapan, pinuri ni Robredo ang BDP, na sinasabing ito ang “pinakamagandang bahagi ng lahat.” Layunin ng BDP na i-rehabilitate ang 822 mga barangay na “dating itinatag bilang mga guerilla front ng CPP-NPA-NDF.” Nakatanggap ang NTF-ELCAC ng P16.4-bilyong budget para sa BDP noong 2021.
“Paniniwala ko talaga sa mga konseptong tulad nito ang mga problema ng rebelyon ay maaaring matugunan nang harapan,” sinabi ni Robredo sa magkahalong Ingles at Filipino sa parehong pahayag.
Sinabi ng tanggapan ng media affairs ni Robredo sa VERA Files Fact Check na ang bise presidente, sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalitang abogado na si Barry Gutierrez, ay maglalabas ng opisyal na pahayag sa isyu. Hindi pa ito nailalabas sa kabila ng pag follow-up.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Leni Gerona Robredo Official Facebook Account, AFP SECURITY BRIEFING, Nov. 26, 2021
Office of the Vice President (Media Affairs Division), Press release: VP Leni assures AFP of support in anti-insurgency campaign, Nov. 26, 2021
National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), Barangay Development Program, Accessed Nov. 29, 2021
Department of Budget and Management, Expenditure Program FY 2021 Volume III, Accessed Dec. 6, 2021
Rotary Club of Makati Official Youtube Channel, RCM Meeting: RVOTE Session 3 with VP Leni Robredo, Nov. 9, 2021
ABS-CBN News, NTF-ELCAC to suffer P24 billion budget cut next year: Angara, Nov. 9, 2021
Inquirer.net, Senate cuts NTF-Elcac 2022 budget by 86%, Nov. 10, 2021
CNN Philippines, Senate cuts NTF-ELCAC budget by ₱24B to fund health workers’ benefits, Nov. 9, 2021
Nikkei Asia, Philippines to raise anti-insurgent budget elevenfold, Nov. 26, 2020
Inquirer.net, After ‘substantial’ cut, Senate raises NTF-Elcac’s fund to P10.8B for 2022, Dec. 1, 2021
GMA News Online, Senate version of 2022 budget allocates P10.8B for NTF-ELCAC, Dec. 1, 2021
Philippine News Agency, Senate OKs nat’l budget including NTF-ELCAC’s P10.8-B, Dec. 1, 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)