Sa pagmamalaki sa tugon ng Pilipinas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, mali mali ang tinukoy ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa global ranking ng bansa sa mga aktibong kaso ng COVID-19 at bilang ng mga kaso bawat milyong populasyon.
PAHAYAG
Kahit na ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay umabot na sa 607,048 noong Marso 11, sinabi ni Roque sa isang press briefing kinabukasan:
“[S]inasabi ko nga po paulit-ulit, that we have managed the crisis very well. We have limited the total number of cases to the point na number 30 lang po tayo in terms of total cases; in terms of active cases … we are number 40 plus po and, in cases of iyong COVID cases per 1 million, nasa 133rd spot po, kung hindi ako nagkakamali, and the most important, of course, is we have limited iyong ating deaths ‘no to 2.09[%] of all those na nagkakasakit.”
(Sinasabi ko nga po paulit-ulit, maayos na maayos nating natugunan ang krisis. Nalimitahan namin ang kabuuang bilang ng mga kaso kaya’t pang 30 lang po tayo sa mga bilang ng kabuuang mga kaso; sa mga aktibong kaso … tayo ay pang 40 plus po at, sa mga kaso ng iyong mga kaso ng COVID bawat 1 milyon, nasa ika-133 po, kung hindi ako nagkakamali, at ang pinakamahalaga, syempre, ay nalimitahan natin iyong ating bilang ng pagkamatay sa 2.09[%] ng lahat ng mga mga nagkakasakit.)
Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, March 12, 2021, panoorin mula 27:30 hanggang 28:05
ANG KATOTOHANAN
Mali ang dalawa sa apat na pahayag ni Roque.
Ang Pilipinas ay nasa ika-28 (noong Marso 11, 2021) at ika-26 (Marso 12, 2021), hindi ika-40, sa mga bansa na may pinakamaraming aktibong mga kaso ng COVID-19, batay sa Johns Hopkins University (JHU) COVID-19 global dashboard.
Mali rin ang sinabi ng tagapagsalita ng Palasyo na ang Pilipinas ay ika-133 sa pandaigdigang ranking ng mga kaso bawat milyong (populasyon).
Ang Pilipinas ay ika-110 (noong Marso 11, 2021) at ika-109 (noong Marso 12, 2021) sa mga bansa na may kabuuang mga kaso ng COVID-19 bawat milyong populasyon, batay sa COVID-19 dashboard ng Our World In Data, isang database na pinananatili sa pamamagitan ng nagtutulung-tulong na pagsisikap ng mga mananaliksik sa University of Oxford sa England at non-profit organisasyon na Global Change Data Lab.
Gayunpaman, ang bansa ay totoong ika-30 sa 194 member-states ng World Health Organization (WHO) na may pinakamataas na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, batay sa COVID-19 tracker ng WHO para sa parehong mga petsa.
Ginawa ni Roque ang mga maling pahayag bilang tugon sa isang katanungan tungkol sa katayuan ng pandemic response ng pambansang pamahalaan mula nang ipasailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong isla ng Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso 16, 2020. (Tignan ang VERA FILES FACT SHEET: Pag-unawa sa mga patakaran ng ‘community quarantine’ at ‘social distancing’)
Isang taon pagkatapos ng Luzon-wide ECQ, ang mga ospital sa Metro Manila ay dinagsa sa gitna ng pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Habang ang bilang ng mga kumpirmang kaso sa bansa ay umabot sa 631,320 noong Marso 16, pansamantalang sinuspinde ng National Task Force Against COVID-19 ang pagpasok ng mga foreign nationals at mga umuuwing mga Pilipino na hindi Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Marso 20 hanggang Abril 19.
Mga Pinagmulan
Department of Health Official Facebook Page, Ngayon 4 PM, Marso 11, 2021…, March 11, 2021
Presidential Communications Operations Office, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque | March 12, 2021, March 12, 2021
Johns Hopkins University, Center for Systems Science and Engineering: COVID-19 Daily Reports (March 11, 2021), March 11, 2021
Johns Hopkins University, Center for Systems Science and Engineering: COVID-19 Daily Reports (March 12, 2021), March 12, 2021
The Lancet, An interactive web-based dashboard to track COVID-19 in real time, Feb. 19, 2020
Johns Hopkins University, COVID-19 Dashboard by the Center for Systems Science and Engineering, Accessed March 16, 2021
Our World In Data, Daily vs. Total Confirmed COVID-19 cases per million (March 11, 2021), Accessed March 17, 2021
Our World In Data, Daily vs. Total Confirmed COVID-19 cases per million (March 12, 2021), Accessed March 17, 2021
Our World In Data, Coronavirus pandemic: daily updated research and data, Accessed March 17, 2021
Our World In Data, How We’re Funded, Accessed March 18, 2021
Global Change Data Lab, Global Change Data Lab, Accessed March 18, 2021
World Health Organization, WHO Coronavirus (COVID-19) Dashboard, Accessed March 16, 2021
Archive.org, WHO Coronavirus (COVID-19) Dashboard (March 11, 2021), Accessed March 16, 2021
Archive.org, WHO Coronavirus (COVID-19) Dashboard (March 12, 2021), Accessed March 16, 2021
ABS-CBN News, Over half of ICU spaces occupied; decreasing healthcare capacity ‘alarming,’ says official, March 18, 2021
Inquirer.net, DOH: COVID bed occupancy in Metro now ‘alarming’, March 19, 2021
Rappler, Metro Manila’s ICU bed capacity at ‘alarming’ 64.5% as COVID-19 cases soar, March 18, 2021
The Straits Times, Philippines confronts alarming new wave of Covid-19 infections with targeted curbs, March 15, 2021
Al Jazeera, Philippines battles COVID surge a year after protracted lockdown, March 16, 2021
Department of Health Official Facebook Page, Ngayong 4 PM, Marso 16, 2021…, March 16, 2021
COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, Memorandum Circular No. 05, March 16, 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)