Ang bagong Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa kanyang unang press briefing noong Oktubre 12, ay gumawa ng dalawang maling pahayag tungkol sa International Criminal Court (ICC) — pang apat na maling impormasyon na ginawa niya tungkol sa tribunal sa ngayon.
Mali ang sinabi niyang ang Pilipinas ay “hindi nag withdraw” sa ICC sa kabila ng pagsisigasig na gawin ito ilang buwan na ang nakalipas; at binaluktot mga katotohanan tungkol sa pagkakakulong ng mga dating presidente dahl sa pandarambong upang suportahan ang kanyang pahayag na ang sistema ng hustisya sa bansa ay hindi nangangailangan ng ICC.
PAHAYAG
Sa pagtugon sa mga pangamba sa mga posibleng bunga ng pag-withdraw sa ICC sa mga pinagtatalunang teritoryo sa pagitan ng bansa at Tsina, sinabi ni Panelo:
“Sa totoo lang, mali na tawaging withdrawal eh. Hindi naman tayo nag-withdraw talaga. Ang pasabi ay mas para ipaalam sa kanila na “Paumanhin lang, hindi kami bahagi ninyo, dahil hindi kayo kailanman nagkaroon ng hurisdiksyon sa amin.”
Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Press Briefing ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Oktubre 12, 2018, panoorin mula 21:01 hanggang 21:17
Nangatuwiran si Panelo na ang “matatag na sistemang panghukuman” ng Pilipinas ay napatunayan na ang kakayahang ipakulong ang mga tiwaling pangulo, at samakatuwid, ay hindi na kailangan ang ICC sa pag-uusig ng mga “masamang lider”:
“Gaya ng sabi ng Rome Statute, papasok lamang ito kung ang estado ay ayaw, o hindi kaya. Ngunit hindi lang kami handa, kaya namin. Ano ang patunay? Nabilanggo si dating Pangulong Erap; ang mga tao, tama man o mali, ay nagpalagay na siya ay isang masamang lider. Ikinulong din si dating Pangulong Gloria Arroyo, ngunit siya ay naabsuwelto bandang huli.”
Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Oktubre 12, 2018, panoorin mula 22:15 hanggang 22:46
FACT
Ang unang pahayag ni Panelo ay hindi totoo; ang ikalawa ay nalalilinlang.
Ang pamahalaan ng Pilipinas ay umalis bilang isang kapartido sa Roma Statute — ang kasunduan na lumikha sa ICC — sa isang opisyal na abiso na isinumite sa United Nations Marso 17:
“Ang Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas ay buong karangalan na ipagbibigay-alam sa Kalihim-Heneral, sa kanyang kapasidad bilang lagakan ng Roma Statute ng International Criminal Court, ng desisyon nito na mag-withdraw mula sa Rome Statute ng International Criminal Court alinsunod sa may kaugnay na mga probisyon ng Statute. “
Pinagmulan: United Nations Treaty Collection, Rome Statute of the International Criminal Court, Philippines: Withdrawal
Pagkalipas ng dalawang araw, kinikilala ng ICC ang desisyon ng Pilipinas sa gitna ng isang patuloy na paunang pagsusuri na binuksan upang suriin ang mga krimen na sinasabing nagawa sa giyera laban sa droga.
Ang desisyon na mag-withdraw ay ginawang pormal ilang araw pagkatapos na ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kayang plano na mag-withdraw “epektibong kaagad” — binabanggit ang “walang basehan, walang kapararakan at malupit na pag-atake” mula sa mga opisyal ng UN.
Dagdag pa rito, ang mandalo ng ICC ay hindi upang usigin ang mga “masamang lider” kundi yaong mga gumawa ng “pinakamalubhang krimen na nakababahala sa pandaigdigang komunidad.” Ito ang mga:
- Pagpatay ng lahi
- Mga krimen laban sa sangkatauhan
- Krimeng pandigma
- Ang krimen ng pananalakay
Sina dating pangulo Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo ay parehong sinampahan ng kasong pandarambong — isang krimen na ang ICC ay walang hurisdiksyon.
Si Estrada, na sinentensiyahan ng habang-buhay na pagkabilanggo noong 2007 dahil sa pagtanggap ng daan-daang milyong perang pang proteksyon mula sa mga operator ng jueteng at pagpapanatili ng P3.23 bilyon sa mga lihim na bank account, ay pinatawad ni Arroyo sa parehong taon.
Si Arroyo, na ngayon ay House Speaker, ay napawalang sala sa umano’y pagkakasangkot sa maraming iskandalo ng korapsyon.
Kasama sa mga binasurang kaso ng korapsyon ang maling paggamit ng P365 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes para sa intel noong 2016; ang kaduda-dudang paglipat ng P530 milyon na inilaan para sa mga overseas Filipino workers noong 2012; ang P728 milyong pondo para sa pataba noong 2014; at ang P16.4 bilyon na National Broadband Network-ZTE deal noong 2016.
Sa unang bahagi ng taong ito, si Panelo, bilang legal counsel ni Duterte, ay nagbitaw ng maling pahayag na 28 porsiyento ng pondo ng ICC ay mula sa Pilipinas“nag-withdraw” mula sa Roma Statute –isang kasunduan na hindi kailanman pinagtibay.
Mga pinagkunan ng impormasyon:
ABS-CBN News, Ombudsman junks graft case vs GMA, Oct. 25, 2012
ABS-CBN News, Ombudsman clears Arroyo in fertilizer fund scam, May 9, 2014
GMA News Online, Ombudsman junks plunder raps vs. Arroyo over alleged misuse of OWWA funds, Oct. 24, 2012
Inquirer,net, Arroyo cleared in P728M fertilizer fund scam, May 8, 2014
Inquirer.net, Ombudsman junks Arroyo malversation raps, Oct. 24, 2012
Inquirer.net, Duterte does the inevitable, declares PH withdrawal from ICC, March 14, 2018.
International Criminal Court, Rome Statute of the International Criminal Court
International Criminal Court, ICC Statement on The Philippines’ notice of withdrawal: State participation in Rome Statute system essential to international rule of law, March 20, 2018
Official Gazette, From the Presidential Spokesperson, March 14, 2018
Official Gazette, Pardon granting executive clemency to Joseph Ejercito Estrada, Oct. 25, 2007
Philstar.com, Duterte announces Philippines’ withdrawal from ICC, March 14, 2018
Sandiganbayan, People of the Philippines v. Estrada et al., Sept. 12, 2007
Sandiganbayan, People v. Ma. Gloria M. Macapagal-Arroyo, Aug. 8, 2016
Supreme Court, Arroyo v. People of the Philippines and the Sandiganbayan (First Division), July 21, 2016
The Guardian, Rodrigo Duterte to pull Philippines out of international criminal court, March 14, 2018
The Manila Times, GMA cleared in fertilizer fund scam, May 8, 2014
United Nations Treaty Collection, Rome Statute of the International Criminal Court, Philippines: Withdrawal.