Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, na nauna nang umalma sa “iresponsable at walang galang” na puna ni United Nations High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein tungkol sa mental health ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang maling pahayag na ang mga presidente at mga punong ministr “ay maaaring maging lapastangan” samantalang ang mga opisyal ng karapatang pantao ay hindi.
PAHAYAG
Ginawa ni Cayetano ang pahayag Marso 14 sa isang panayam ng GMA News nang tanungin kung papaano niya ipagtutugma ang pagtanggi ni Duterte na humingi ng paumanhin para sa kanyang paggamit ng bulgar na wika:
“Well, nasa papel kasi yun eh. Ang mga punong ministro at presidente ay maaaring maging lapastangan. Sila ay may kapangyarihan eh, kaya maaari nilang ipaglaban ang kanilang mga tao at uh, sabihin nang diretsahan ang katotohanan at uh, at makipag-usap sa ganoong paraan. Pero kung presidente ka o High Commissioner ka ng karapatang pantao, hindi dapat.”
Pinagmulan: REPLAY: State of the Nation Livestream, Marso 14, 2018, panoorin mula 32:36 hanggang 32:53
Ang mga pulitiko, sinabi niya, ay maaaring maging “patawarin” political incorrectness, ngunit ang mga opisyal tulad ni Commission on Human Rights Chairperson Chito Gascon ay ipinalalagay sa isang mas mataas na pamantayan:
“Kung halimbawa pulitiko ako, sinabi ko, blangko ang mga taong iyon. Iba na si Chito Gascon na chairman ng CHR na ganun ang sabihin. Kung ako ay politically incorrect at may nasabi akong mali sa paglalarawan ng alinman sa mga kababaihan o LGBT atbp. di ba ito ay hindi tama ngunit maaari mo akong patawarin. Ngunit kung ako ang chairman ng Commission on Human Rights, hindi ko dapat gawin.”
Pinagmulan: REPLAY: State of the Nation Livestream, Marso 14, 2018, panoorin mula 32:54 hanggang 33:17
FACT
Sa Administrative Code of 1987, na naglilista ng mga 30 batayan para sa aksyong pandisiplina kabilang ang kawalang-galang at kahiya-hiyang pag-uugali, walang mga pagkakaiba sa mga opisyal ng publiko batay sa kanilang mga tungkulin.
Lalo pang hindi sa Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na inisa-isa ang mga itinuturing na “mga pampublikong opisyal”:
Kabilang sa Section 3 (b) “Opisyal na Pampubliko” (ay kinabibilangan ng) mga halal at itinalagang opisyal at empleyado, permanente o pansamantala, sa karera man o di-karera na serbisyo, kabilang ang mga tauhan ng militar at pulis, nakakatanggap man o hindi ng kabayaran, anuman ang halaga.
Pinagmulan: Civil Service Commission, Republic Act No. 6713, Section 3 (b)
Pinagtibay para itaguyod ang mataas na pamantayan ng etika sa serbisyong pampubliko, ipinag-uutos ng batas ang lahat ng mga pampublikong opisyal kabilang ang pangulo na itaguyod ang magandang asal at kaugalian, bukod sa iba pa:
“Section 4 (c). Katarungan at katapatan. Ang mga pampublikong opisyal at empleyado ay mananatiling tapat sa mga tao sa lahat ng oras. Dapat silang kumilos nang walang kinikilingan at may katapatan at hindi dapat magpakita ng diskriminasyon laban sa sinuman, lalo na sa mga mahihirap at mga kulang sa karapatan. Dapat nilang respetuhin sa lahat ng pagkakataon ang mga karapatan ng iba, at hindi dapat gumawa ng anumang salungat sa batas, mabuting asal, mahusay na kaugalian, pampublikong patakaran, pampublikong kaayusan, kaligtasan ng publiko at pampublikong interes.”
Pinagmulan: Civil Service Commission, Republic Act No. 6713, Section 4 (c)
Mga pinagmulan:
Civil Service Commission, Republic Act No. 6713 or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees
Department of Foreign Affairs, Statement of Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano: World Needs More Leaders Like Rodrigo R. Duterte, Marso 9, 2018
Official Gazette, Executive Order No. 292