Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Tinanggap ba ni Marcos ang pagbibitiw ng 18 PNP officers na sabit umano sa droga sa kanilang mga puwesto o natanggal sila sa serbisyo?

Halos tatlong linggo matapos ipahayag ang pagtanggap sa pagbibitiw ng 18 matataas na opisyal, hindi pa naglalabas ng tahasang pahayag ang PNP na naglilinaw kung tinanggal lang sila sa kanilang mga posisyon o sinibak sa serbisyo ng pulisya. Nananatiling hindi malinaw kung kailan magkakabisa ang mga pagbibitiw.

By VERA Files

Aug 14, 2023

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Isang araw matapos magbigay ng kanyang ikalawang State of the Nation Address noong Hulyo 24, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinanggap niya ang pagbibitiw ng 18 pulis na sinasabing sangkot sa kalakalan ng iligal na droga. Ito ay nakalilito.

Pagkaraan ng tatlong araw, sinabi ni Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), na 13 sa mga opisyal ang nananatili sa kanilang mga puwesto habang lima ang nasa floating status at itinalaga sa Personnel Holding and Accounting Unit habang naghihintay ng kanilang mga relief order.

Noong Hulyo 31, limang araw matapos sabihin na humihingi siya ng paglilinaw sa Malacañang kung ang mga opisyal ay tinanggal sa kanilang mga posisyon o natanggal sa serbisyo, sinabi ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na ang mga opisyal ayitinuring na nagsipagbitiw.”

PAHAYAG

Sa isang press release noong Hulyo 25, inihayag ng Presidential Communications Office:

“President Ferdinand Marcos Jr. announced on Tuesday that he has accepted the resignation of eighteen (18) Third-Level Officers of the Philippine National Police (PNP) allegedly involved in illegal drugs activities, upon the recommendation of the National Police Commission Ad Hoc Advisory Group that investigated the matter.”

(“Inihayag noong Martes ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinanggap niya ang pagbibitiw ng labing walong (18) Third-Level Officers ng Philippine National Police (PNP) na umano’y sangkot sa mga aktibidad ng ilegal na droga, sa rekomendasyon ng Ad Hoc Advisory Group ng National Police Commission na nag-imbestiga sa kasong ito.”)

 

Pinagmulan: Presidential Communications Office, PBBM accepts resignation of 18 cops allegedly involved in illegal drugs (archived), Hulyo 25, 2023

Isang araw bago nito, sinabi ni Marcos sa kanyang talumpati sa joint session ng Kongreso:

“Unscrupulous law enforcers and others involved in the highly nefarious drug trade have been exposed. I will be accepting their resignations. In their stead, we will install individuals with unquestionable integrity, who will be effective and trustworthy in handling the task of eliminating this dreaded and corrosive social curse.”

(“Nalantad ang mga walang prinsipyong tagapagpatupad ng batas at iba pang sangkot sa lubhang kasuklam-suklam na kalakalan ng droga. Tatanggapin ko ang mga pagbibitiw nila. Bilang kahalili nila, maglalagay tayo ng mga indibidwal na walang mapag-aalinlanganang integridad, na magiging epektibo at mapagkakatiwalaan sa pagpupuksa ng kinatatakutan at nakapipinsalang sumpa sa lipunan.”)

 

Pinagmulan: Presidential Communications Office official website, 2nd State of the Nation Address of President Ferdinand R. Marcos Jr. (transcript) Hulyo 24, 2023, panoorin mula 1:32:47 hanggang 1:33:20

Nangako si Marcos na ipagpapatuloy ang pagsugpo sa mga sindikato ng droga, na sinasabi na ang kampanya ng kanyang administrasyon laban sa narcotics ay “nagbago nang mukha” at nakatuon na sa pagbibigay ng paggamot, rehabilitasyon at reintegrasyon sa lipunan ng mga gumagamit ng droga.

ANG KATOTOHANAN

Halos tatlong linggo matapos ipahayag ang pagtanggap sa pagbibitiw ng 18 matataas na opisyal, hindi pa naglalabas ng tahasang pahayag ang PNP na naglilinaw kung tinanggal lang sila sa kanilang mga posisyon o sinibak sa serbisyo ng pulisya.

Nananatiling hindi malinaw kung kailan magkakabisa ang mga pagbibitiw.

#VERAFIED: Tinanggap ba ni Marcos ang pagbibitiw sa puwesto ng 18 pulis na idinadawit sa droga o tinanggal sila sa serbisyo? Mahigit tatlong linggo matapos ipahayag ang pagtanggap sa pagbibitiw ng 18 matataas na opisyal, hindi pa naglalabas ng malinaw na pahayag ang PNP kung tinanggal lang sila sa kanilang mga posisyon o natanggal sa serbisyo ng pulisya. Hindi rin malinaw kung kailan magkakabisa ang mga pagbibitiwNoong Hulyo 31, sinabi ni Acorda sa mga mamamahayag na ipatutupad ng PNP ang pagtanggap sa mga pagbibitiw pagkatapos nitong matanggap ang mga dokumentong pinirmahan ng pangulo, na sinasabing ang 18 opisyal ay “itinuring nang nagbitiw” bilang bahagi ng “internal cleansing” ng organisasyon ng pulisya.

Gayunpaman, sinabi ni Acorda na ang tatlong heneral ng pulisya at 15 koronel na sangkot ay mayroon pa ring opsyon na iapela ang utos ni Marcos. Ilan sa mga nagbitiw na opisyal ay makatatanggap pa rin ng kanilang mga benepisyo, dagdag ng hepe ng pulisya.

Ang VERA Files Fact Check ay nakikipag-ugnayan sa PNP sa tulong ng Public Information Office nito sa pamamagitan ng email, SMS at mga tawag sa telepono, ngunit hindi pa nakakatanggap ng tugon tungkol sa status ng 18 opisyal, partikular na kung sila ay na-dismiss sa serbisyo ng pulisya o natanggal lamang sa kanilang mga posisyon.

Hindi agad ipinatupad ng PNP ang utos ni Marcos. Noong Hulyo 27, sinabi ni Fajardo na kailangan pa nilang linawin kung ang mga opisyal ay ituturing na opsyonal na nagretiro para sa pagtanggap ng kanilang mga benepisyo sa pagreretiro.

Sinabi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. noong Enero na ang pagtanggap sa courtesy resignations ng mga full colonel at heneral sa PNP na napag-alamang may koneksyon sa mga aktibidad ng iligal na droga “ay nangangahulugan ng maagang pagreretiro” at “ang mga kaso ay itutuloy kung may sapat na ebidensya laban sa kanila.”

BACKSTORY

Matapos umapela si Abalos sa matataas na opisyal ng PNP na magsumite ng kanilang courtesy resignation noong Enero, 953 ang tumugon sa kanyang panawagan bilang bahagi ng internal cleansing ng police organization kasunod ng mga kontrobersyang may kinalaman sa pagkakasamsam ng 990 kilo ng shabu sa isang raid sa Maynila noong Oktubre 2022.

Isang five-man advisory group ang nilikha upang suriin ang mga rekord ng mga sangkot na pulis at inirekomenda sa pangulo na tanggapin ang pagbibitiw ng 18 sa mga inimbestigahan.

Ang five-man panel ay binubuo nina Azurin, Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., retired general at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Undersecretary Isagani Nerez ng Office of the Presidential Adviser on Military Affairs at retired Court of Appeals associate justice Melchor Sadang.

Sa mga na-dismiss na PNP brigadier generals, sina Remus Medina at Randy Peralta ay dati nang inakusahan bilang backers o may kaugnayan kay MSgt. Rodolfo Mayo Jr., ang may-ari ng WPD Lending Office sa Maynila kung saan nakuha ang 990 kilo ng shabu.

Pito sa 18 opisyal ay nagsilbi sa Cebu Police Provincial Office o sa PNP Regional Office 7. Sila ay mga brigadier general (Medina, Peralta at Pablo Labra II) at apat na koronel na sina Rex Derilo, Rodolfo Albotra, Marvin Sanchez at Rommel Ochave).

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Office official website, PBBM accepts resignation of 18 cops allegedly involved in illegal drugs, July 25, 2023

Presidential Communications Office official website, 2nd State of the Nation Address of President Ferdinand R. Marcos Jr. (transcript) July 24, 2023

Philippine News Agency, 13 of 18 ‘resigned’ generals, colonels remain in posts – PNP, July 27, 2023

Inquirer.net, PNP: 13 cops still holding positions even after President accepts resignation, July 27, 2023

CNN Philippines, PNP: 13 of 18 cops keep post despite Marcos’ acceptance of resignations, July 31, 2023

Benjamin Acorda official Facebook page, Press briefing, July 26, 2023

Philippine News Agency, PNP implements order on resignation of 18 ranking cops, July 31, 2023

Inquirer.net, 18 police officials linked to drugs are deemed resigned – PNP, Aug. 1, 2023

CNN Philippines, Acorda says 18 high-ranking cops are ‘deemed resigned’, July 31, 2023

SunStar, PNP implements resignation of 18 police officials, July 31, 2023

Inquirer.net, 15 sa 18 “resigned” police officials naka-puwesto pa rin – PNP., July 28, 2023

Remate, PNP: Courtesy resignation ng 15 pulis oks na kay PBBM pero nasa pwesto pa rin, July 28, 2023

Department of Interior and Local Government official website, Abalos: More than 60% of PNP high-ranking officials file courtesy resignation, Jan. 10, 2023

Department of Interior and Local Government official website, PNP courtesy resignation: Pagpapamalas ng karangalan, Jan. 5, 2023

ABS-CBN News, PNP: Advisory group to release report on courtesy resignations, April 21, 2023

Philstar.com, Fate of 953 ‘resigned’ cops known today, May 8, 2023

Manila Bulletin, PNP: Evaluation of 953 resigned senior officers completed; to be shown to PBBM, April 21, 2023

Department of Interior and Local Government official Facebook page, Abalos: Criminal cases filed vs 50 PNP officials over P6.7B shabu haul, June 14, 2023

Philippine News Agency, 5-man PNP advisory group to convene twice a week to vet top cops, Feb. 27, 2023

Journal News Online, Mystery goes deeper in P6.7B shabu haul in Tondo, July 31, 2023

Pilipino Star Ngayon, 2 PNP generals, minalas sa 990 kilos ng shabu!, Oct. 23 , 2022

National Capital Region Office Public Information Office official Facebook page, PBGEN Medina Formally Takes Over as QCPD Chief, Feb. 5, 2022

Cebu Police Provincial Office official Facebook page, PCOL RANDY Q PERALTA, Asst. Chief, FEO and PLTCOL RANDY A KORRET, Asst. Chief, EMD conducted cascading on the guidelines, Feb. 25, 2021

The Freeman, Ochave, Labra, Derilo, Albotra, Sanchez: President Marcos accepts resignations, July 25, 2023

SunStar, Bzzzzz: Sulu province police chief, Paul Labra, served Cebu for years, Jan. 30, 2019

RPNRadio, Surigao: Brig. Gen. LABRA II assumes post as PNP Caraga’s top cop (archive), Nov. 5, 2022

Cebu Daily News, TOM’S ‘TRUSTED AIDE’ TOOK DRUG MONEY, Aug. 13, 2016

SunStar, 2 former PNP Cebu officials named as drug protectors, Sept. 26, 2016

SunStar, PRO 7 officials Derilo, Ylanan, Albotra, Siclot, Sanchez moved outside region, July 22, 2016

Cebu Police Provincial Office official Facebook page, In Cebu Province, PCOL ROMMEL J OCHAVE, Provincial Director…, July 25, 2023

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.