Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Video ni Mocha Uson tungkol sa pederalismo palpak

Gumawa ng maling pahayag tungkol sa pederalismo ang online na palabas ni Palace Communications Assistant Secretary Margaux "Mocha" Uson.

By VERA Files

Aug 7, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Gumawa ng maling pahayag tungkol sa pederalismo ang online na palabas ni Palace Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson.

Ang video ng “Good News Game Show” na nai-post ni Uson Agosto 2 sa pamamagitan ng kanyang Facebook page ay nagsabing ang Singapore at France ay may mga pederal na sistema ng pamahalaan. Ito ay hindi totoo.

Ang parehong video sa paglipas ng linggo ay umani ng batikos dahil pagtatampok ng malaswang sayaw at jingle tungkol sa pederalismo.

Sa nakaraang linggo rin, si Uson ay humingi ng paumanhin matapos tawagin ang kanyang pansin sa mali sa kanyang kolum sa isang diyaryo na nagsabing ang Pilipinas ay ang nag-iisang bansa na may unitary form of government sa Timog-silangang Asya. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Mocha Uson mali tungkol sa federalism sa Southeast Asia)

PAHAYAG

Ang 58-minutong video noong Agosto 2, isang pinaiksing bersyon na nag trend noong nakaraang linggo at bumulabog sa social media, ay nag umpisa kasama ang kanyang co-host na si Drew Olivar na pakantang sinasabi ang “Pepe-dede-ralismo,” paglalaro sa salitang “pederalismo” at Filipino na mga salita para sa maselang bahagi ng katawan ng mga babae at suso.

Pagkaraan ng 10 minuto, hiniling ni Uson kay Olivar na basahin nang malakas ang isang pagpapaliwanag tungkol sa pederalismo. Sinabi ni Olivar:

“Ilan sa mga kilalang bansa na sa ilalim ng federalism ay ang U.S., France at Singapore.”

Pinagmulan: Good News Game Show, Mocha Uson Blog, Agosto 2, 2018, panoorin mula 10:33 hanggang 10:38

FACT

Sa tatlong bansa na nabanggit sa video, tanging ang U.S. ang may pederal na sistema ng pamahalaan. Ang France at Singapore ay may mga unitary (form of) government.

Inilalarawan ng website ng European Committee of the Regions ang France bilang “unitary state na organisado sa isang desentralisadong batayan.”

Ang Singapore, isang city-state, ay walang lokal na pamahalaan. Tinawag ang naturang bansa sa isang profile sa U.S. Library of Congress na “isang unitary state na walang pangalawang administratibong dibisyon.”

Ang mga pederal na bansa ay naghahati ng soberanya sa pagitan ng mga pambansa at pangrehiyong pamahalaan. Ang mga unitary na bansa ay may mga lokal na pamahalaan na gumagamit lamang ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila ng sentral na pamahalaan.

Maraming mga senador at mga miyembro ng consultative committee na inatasang magbalangkas ng pederal na charter ang bumatikos sa video ni Uson.

“Di ko lubos akalain na bababuhyin pala nila ang kawsa ng pederalismo,” sabi ni Sen. Aquilino Pimentel III sa isang pahayag, na tumutukoy sa mahalay na sayaw ni Olivar. “Ilayo na si Mocha sa pederalismo.”

Si Uson ay nauna nang inatasan ng consultative committee na tumulong sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa charter change.

Bilang tugon sa Twitter post ni dating Comelec commissioner Gregorio Larrazabal na nagsabing ang video ay nakababahala, sinabi ni consultative committee member Ranhilio Aquino na siya ay “nasusuklam.”

Sinabi ng Palace Spokesman Harry Roque sa isang pakikipag-usap sa media Agosto 6 na ang video ay walang basbas ni Duterte.

Sa kanyang sagot sa mga batikos, sinabi ni Uson Agosto 5 na ang video ay katuwaan lamang at hindi naglalayon na gawin katatawanan ang pederalismo.

“Ang aming layunin ay hikayatin ang aming mga manonood na pag-usapan pa lalo ang pederalismo dahil ito ay isa sa mga pangako ng aming pangulo,” ani Uson.

Mga pinagkunan ng impormasyon:

ABS-CBN News, ‘Mali ang substance’: Pimentel hits Mocha Uson over federalism video, Aug. 6, 2018.

Commonwealth Local Government Forum, The Local Government System in Singapore

European Committee of the Regions, Division of Powers

Inquirer.net, Koko to Mocha: Keep off federalism campaign, take a leave, Aug. 6, 2018

Mocha Uson Blog, Aug 5. 2018

USA.gov, How the U.S. Government Is Organized

Oxford Reference, Dictionary of the Social Sciences, Federalism

Oxford Reference, Dictionary of the Social Sciences, Unitary State

Philstar.com, Koko urges Mocha to go on leave after ‘federalism’ video, Aug. 6, 2018

Presidential Communications Facebook page, Press Briefing – Malita, Davao Occidental, Aug. 6, 2018

@RanhilioAquino: “I agree and I am disgusted” Aug. 5, 2018

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling
salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at
personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami
ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng
International Fact-Checking Network
sa Poynter
. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.