Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Writer Krizette Laureta Chu hindi totoo ang sinabi na mga fact-checker ang ‘nagtanggal’ ng advocacy FB page

Mali ang sinabi ni Krizette Laureta Chu, manunulat at associate lifestyle editor ng Manila Bulletin, blogger, at lantad na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, na mga third-party fact-checker ng Facebook (FB) ang responsable sa pagtanggal ng FB page na Hands Off Our Children, isang “advocacy group" na inilunsad umano ng mga magulang laban sa pag recruit ng mga menor de edad sa New People's Army (NPA).

By VERA Files

Oct 29, 2020

8-minute read

Basahin sa Inges

ifcn badge

Share This Article

:

Mali ang sinabi ni Krizette Laureta Chu, manunulat at associate lifestyle editor ng Manila Bulletin, blogger, at lantad na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, na mga third-party fact-checker ng Facebook (FB) ang responsable sa pagtanggal ng FB page na Hands Off Our Children, isang “advocacy group” na inilunsad umano ng mga magulang laban sa pag recruit ng mga menor de edad sa New People’s Army (NPA).

PAHAYAG

Sa isang FB post na inilathala noong Okt. 18 — dalawang araw matapos mailibing sa Manila North Cemetery si “Baby River,” anak ng detinadong aktibista na si Reina Mae Nasino — sinabi ni Chu:

I would believe your sadness for Reina if you felt the same sadness for the mothers whose children were killed or abducted by the NPA. And then double killed after being silenced after their page HANDS OFF OUR CHILDREN were taken down by ‘fact checkers.’

(Maniniwala ako sa iyong kalungkutan para kay Reina kung naramdaman mo ang parehong kalungkutan para sa mga ina na ang mga anak ay pinatay o dinukot ng NPA. At pagkatapos pinatay ulit matapos na patahimikin ang kanilang page na HANDS OFF OUR CHILDREN na tinanggal ng mga ‘fact checkers.’)”

Pinagmulan: Krizette Laureta Chu official Facebook account, I would believe your sadness for Reina…, Okt. 18, 2020

Tinutukoy ni Chu ang mga Pilipino na nagpahayag ng galit laban sa “kawalan ng awa” sa naging pag trato ng mga opisyal sa kaso ni Nasino at ng kanyang anak. Si Baby River ay hiniwalay sa kanyang ina noong Agosto at namatay pagraan ng tatlong buwan dahil sa Acute Respiratory Syndrome.

Buntis si Nasino nang inaresto, kasama ang dalawa pa, dahil sa umano’y pagkakaroon ng mga baril at boma sa isang police raid noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ang NPA ay ang armadong grupo ng Communist Party of the Philippines (CPP), at na-tag, kasama ang CPP, bilang isang teroristang samahan ni Duterte noong 2017, sa pamamagitan ng Proclamation No. 374.

ANG KATOTOHANAN

Ang social media giant Facebook, hindi ang mga third-party fact-checker nito, ang nagtanggal ng “dalawang magkahiwalay na network” ng mga FB page at Instagram accoutns — ang isa ay natunton na nagmula sa China, at ang isa pa sa Pilipinas — dahil sa “coordinated inauthentic behavior,” ayon sa anunsyo ng kumpanya noong Set. 22.

Sa press release, sinabi ni Nathaniel Gleicher, pinuno ng Security Policy ng Facebook, na nakatuon ang Facebook sa “behavior sa halip na content” ng mga network, at binanggit na ang batayan sa pagtanggal ay ang “coordinated” na paggamit ng “pekeng mga account” ng mga partido na “nanliligaw ng mga tao tungkol sa kung sino sila at kung ano ang kanilang ginagawa,” at dahil doon lumalabag sa patakaran ng FB.

Bilang bahagi ng “commitment to authenticity” ng kumpanya at sa “paglikha [ng] puwang kung saan ang mga tao ay maaaring magtiwala sa [mga] nakikipag-ugnay sa kanila,” sinabi ng Facebook na:

“…[does not] allow people to misrepresent themselves on Facebook, use fake accounts, artificially boost the popularity of content, or engage in behaviors designed to enable other violations under our Community Standards.

(… [hindi] pinapayagan ang mga tao na ipagkaila ang kanilang sarili sa Facebook, gumamit ng pekeng mga account, artipisyal na mapalakas ang katanyagan ng content, o makisali sa mga behavior na idinisenyo upang paganahin ang iba pang mga paglabag sa ilalim ng aming Community Standards.)”

Pinagmulan: Facebook, Community Standards: IV. Integrity and Authenticity: 20. Inauthentic Behavior, na-access Okt. 27, 2020

Tulad ng inihayag noong Set. 22, ang network ng Pilipinas na tinanggal ng Facebook na kinasasangkutan ng 64 FB accounts, 32 FB pages, at 33 Instagram accounts, ay napatunayang mayroong “link sa militar ng Pilipinas at pulisya ng Pilipinas.”

Makalipas ang dalawang araw, inamin ni Philippine military spokesperson Col. Ramon Zagala ang page na Hands Off Our Children ay pinananatili ni Capt. Alexandre Cabales, isa sa mga opisyal nito.

Sa kanyang lingguhang pampublikong pahayag noong Set. 28, tinuligsa ni Duterte ang ginawa ng Facebook, na sinabing “hindi nito maaaring harangan o pigilan” ang gobyerno sa “pagtataguyod ng [mga] layunin [nito].”

Sa isang explainer na inilathala noong Oktubre 2019, sinabi ni Gleicher, sa anumang kaso ng coordinated inauthentic behavior na “isinasagawa sa ngalan ng isang government entity” ilalapat ng Facebook ang “pinakamalawak na enforcement measure.” Aniya, kasama dito ang pagtanggal ng “bawat on-platform property na konektado sa mismong operasyon at mga tao at mga organisasyon sa likod nito.”

Sinabi ng Facebook na ang “totoong isyu” sa pakikipag-ugnay sa “inauthentic behavior” sa platform nito ay tungkol sa mga nasa likod ng naturang mga kampanya:

“…using deceptive behaviors to conceal the identity of the organization behind the campaign, make the organization or its activity appear more popular or trustworthy than it is, or evade our enforcement efforts.

(… gamit ang mga mapanlinlang na behavior upang maitago ang pagkakakilanlan ng samahan sa likod ng kampanya, gawing mas popular o mapagkakatiwalaan ang samahan o ang aktibidad nito, o iwasan ang ating mga enforcement effort.)”

Ang papel na ginagampanan ng mga third-party fact-checker ng Facebook

Ang mga third-party fact-checker ng Facebook ay hanggang sa pagkilala, pagsusuri, at pag-rate lamang ng potensyal na maling impormasyon na kumakalat sa platform, tulad ng nakasaad sa isang explainer ng Facebook tungkol sa programa.

Kapag ang isang content ay na-rate ng isang third-party fact-checker na hindi totoo, binago, bahagyang hindi totoo, o walang konteksto, kumikilos ang Facebook. Maaaring kasama dito ang:

Sa kasalukuyan, ang Facebook ay mayroong tatlong third-party fact checking partner sa bansa: VERA Files, Rappler, at Agence France-Presse (AFP). Ang mga organisasyong ito ay signatories sa International Fact-Checking Network (IFCN), isang samahan ng mga non-partisan fact-checking organization sa buong mundo, na nakatuon sa pagtataguyod ng isang common code of principles para sa mga fact-checker, bawasan ang pinsala na dulot ng mis- at disinformation, at nagtataguyod ng kawastuhan at pagiging patas sa pampublikong debate. (Tingnan ang VERA Files joins Facebook’s third-party fact-checking program in PH)

Maaari mong basahin ang buong IFCN Code of Principles dito.

Sa petsa ng paglalathala nito, ang FB post ni Chu na naghahatid ng maling impormasyon ay nakakuha ng hindi bababa sa 13,000 interactions at 2,200 shares, at maaaring umabot sa higit sa 2,266,000 milyong mga tao, ayon sa social media monitoring tool na CrowdTangle. Ang opisyal na FB page ng kilalang Pilipinong singer at songwriter na si Richard Poon ay kabilang sa may pinakamataas na traffic generators ng post.

Si Chu, na may higit 256,000 followers sa kanyang FB account, ay na-flag ng Rappler noong 2018 at 2019 dahil sa pag post ng misinformation.

 

Mga Pinagmulan

Manila Bulletin, Lifestyle News: Author: Krizette Laureta-Chu

Krizette Laureta Chu’s Facebook account, MAGNITSKY MAGNITSKY KAYO DYAN, Dec. 21, 2019

Krizette Laureta Chu’s Facebook account, “DDS KA PA RIN BA? ANONG PETSA NA?”, July 8, 2020

Lt. Gen. Antonio Parlade Facebook account, TAKING UP FACEBOOK TAKE-DOWN, Oct. 1, 2020

Inquirer.net, Baby River laid to rest at Manila North Cemetery, Oct. 16, 2020

GMA News Online, Detainee mom kept from embracing coffin as Baby River laid to rest, Oct. 16, 2020

ABS-CBN News, Baby River laid to rest, Oct. 16, 2020

Krizette Laureta Chu Facebook account, I would believe your sadness for Reina…, Oct. 18, 2020

Interaksyon.com, Calls to free Reina Mae Nasino, justice for Baby River dominate Twitter trends after funeral tension, Oct. 16, 2020

Inquirer.net, Anne Curtis, Agot Isidro, fellow celebs denounce ‘heavily guarded’ burial of Baby River, Oct. 17, 2020

GMA News Online, Baby separated from detainee-mom dies at 3-months-old, Oct. 9, 2020

One News, Why Could She Not Grieve In Peace? Lack Of Compassion For Political Prisoner Who Lost Baby River Assailed, Oct. 15, 2020

Inquirer.net, CJ Peralta says SC tried its best to help Nasino, Baby River, Oct. 23, 2020

Rappler.com, 3-month-old baby, separated from jailed activist mother at birth, dies, Oct. 9, 2020

Philstar, Chief justice says SC ‘tried its best’ in case of jailed activist Reina Mae Nasino, Oct. 23, 2020

Manila Bulletin, Detained activist’s three-month-old daughter dies in ICU, Oct. 9, 2020

ABS-CBN News, Detained mother’s baby dies before given a chance to reunite, Oct. 9, 2020

Inquirer.net, Cops raid Manila office of Bayan; nab 3 activists for guns, explosive, Nov. 5, 2019

ABS-CBN News, Final Goodbye: Reina Mae Nasino attends Baby River’s funeral amid tight security, Oct. 17, 2020

Rappler, Arrested in 2019 crackdown, jailed activist gives birth in a pandemic, July 2, 2020

Official Gazette of the Philippines, Proclamation No. 374: Declaring the CPP-NPA as a designated/identified terrorist organization, Dec. 5, 2020

Facebook, Newsroom: Removing Coordinated Inauthentic Behavior, Sept. 22, 2020

Facebook, Community Standards: IV. Integrity and Authenticity: 20. Inauthentic Behavior, Accessed Oct. 27, 2020

ABS-CBN News, AFP admits one of its officers maintained account taken down by Facebook, Sept. 24, 2020

Philippine News Agency, Army wants FB clarification on officer’s taken down page, Sept. 24, 2020

Inquirer.net, PH Army shields officer tagged in accounts shut by Facebook: ‘We trust him’, Sept. 24, 2020

Presidential Communications Operations Office, President Duterte denounces take down of gov’t advocacy pages, Sept. 29, 2020

PTV YouTube, WATCH: President Rodrigo Roa #Duterte’s Public Address, Sept. 28, 2020

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Sept. 28, 2020

Facebook, Newsroom: How We Respond to Inauthentic Behavior on Our Platforms: Policy Update, Oct. 21, 2019

Facebook Journalism Project, Programs: How Our Fact-Checking Program Works, Aug. 11, 2020

Poynter, The International Fact-Checking Network

IFCN Code of Principles, The commitments of the code of principles

Rappler, MISLEADING: Photo of ‘Typhoon Ompong relief operations’, Sept. 14, 2018

Rappler, FALSE: ‘Zero’ journalists harassed, ‘sued by govt’ under Duterte admin, Dec. 22, 2019

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.