Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK:Pagbawi ni VP Sara ng pahayag sa anibersaryo ng EDSA nangangailangan ng konteksto

WHAT WAS CLAIMED

Binawi ni Vice President Sara Duterte ang isang pahayag na naka-post sa kanyang Facebook page na nagsasaad ng suporta at panawagan para sa paggunita sa ika-38 anibersaryo ng 1986 people power revolution. Sinabi ng tauhan niya na nagkamali ang pag-post ng pahayag dahil wala itong approval ng bise president.

OUR VERDICT

Kailangan ng konteksto:

Tinanggal ng Office of the Vice President ang isang pahayag noong Peb. 25 na una sana ni Duterte sa anibersaryo ng EDSA at magiging isang makabuluhang pagbabago mula sa kanyang pahayag noong 2017 na kumukwestiyon kung bakit ang pag-aalsa noong 1986 ay naging “pamantayan na kahulugan ng kalayaan sa ang bansa.”

By VERA Files

Feb 28, 2024

3-minute read

BASAHIN SA INGLES

ifcn badge

Share This Article

:

Binawi ni Vice President Sara Duterte ang isang pahayag na sumusuporta at nananawagan para sa paggunita sa EDSA People Power revolution na sinabi ng kanyang tanggapan na nagkamali sa pag-post sa opisyal na Facebook page ni Duterte. Ito ay nangangailangan ng konteksto.

PAHAYAG

Sa isang Facebook post noong Peb. 27, ipinaliwanag ni Duterte kung bakit tinanggal ang kanyang pahayag sa anibersaryo ng EDSA:

What I said in 2017 regarding the February 25 EDSA anniversary has never changed. My position remains the same today. I did not intend to issue a statement this year as I did not the previous year.”

(“Ang sinabi ko noong 2017 tungkol sa February 25 EDSA anniversary ay hindi nagbago. Ang aking posisyon ay nananatiling pareho ngayon. Hindi ko sinadyang maglabas ng pahayag ngayong taon tulad nang hindi ko ginawa noong nakaraang taon.”)

Pinagmulan: Inday Sara Duterte, STATEMENT February 27, 2024 (archive), Peb. 27, 2024

Noong 2017, kinuwestyon ng bise presidente kung bakit naging karaniwang kahulugan ng kalayaan sa bansa” ang pag-aalsa sa EDSA.

ANG KATOTOHANAN

Sa una sana niyang pahayag sa anibersaryo ng EDSA bilang bise presidente, nanawagan si Duterte sa publiko na gunitain ang mga matatapang na tao” na nakipaglaban para sa demokrasya at kalayaan noong People Power revolution.

Nangangailangan ng konteksto ang pagbawi ni Bise Presidente Sara Duterte sa pahayag ng suporta at paggunita sa EDSA People Power Revolution. Ayon sa OVP, nagkamali lamang ang pag-post nito sa official Facebook page nito.

Habang ipinagdiriwang natin ang napakahalagang okasyong ito, alalahanin natin ang mga aral ng EDSA – ang kapangyarihan ng pagkakaisa, ang lakas ng diwa ng Pilipino at ang kahalagahan ng paninindigan para sa tama,” nakasaad sa pahayag na may petsang Peb. 25.

Noong Peb. 26, sinabi ng OVP sa mga mamamahayag sa Viber na hindi inaprubahan ni Duterte ang pahayag at mali itong nai-post ng social media team nito. Hiniling ng OVP sa mga mamamahayag na huwag banggitin ang opisyal na dahilan ng pagtanggal.

Ang itinanggi na pahayag sa ika-38 anibersaryo ng EDSA revolution ay tila makabuluhang pagbabago sa paninindigan ng bise presidente na, noong 2017, ay nagsabi:

I find it hard to understand why this bloodless revolution has become the standard definition of freedom for our country and this standard is forced down our throats by a certain group of individuals who think they are better than everyone else.”

(“Nahihirapan akong maunawaan kung bakit ang hindi madugong rebolusyong ito ay naging pamantayang kahulugan ng kalayaan para sa ating bansa at ang pamantayang ito ay isinisiksik sa ating mga lalamunan ng isang partikular na grupo ng mga indibidwal na nag-iisip na sila ay mas mahusay kaysa sa iba.”)

Ito ay bilang tugon kay Archbishop Socrates Villegas, dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, na inakusahan ang kanyang ama at noo’y pangulong Rodrigo Duterte na sinisira ang alaala ng EDSA revolution.

BACKSTORY

Si Soledad Roa Duterte, ang lola ng bise presidente na namatay noong Pebrero 2012, ay nangunguna sa Yellow Friday Movement ng Davao, na tumulong sa pagpapaigting sa EDSA Revolution noong Pebrero na humantong sa pag-upo ni dating pangulong Corazon Aquino sa kapangyarihan noong 1986.

(Basahin ang The Duterte-Marcos Connection)

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

Mga Pinagmulan

VP Saras Feb. 25 EDSA Anniversary statement

VP Saras 2017 statement on EDSA revolution

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.