Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK:’Philippine International Development Agency’ isang scam

Ang isang pekeng tanggapan ng gobyerno na tinatawag na "Philippine International Development Agency (PIDA)" ay nagpapanggap na isang ahensya na naghahanap ng mga bagay na kinakailangan sa ilalim ng National Economic and Development Authority (NEDA). Hiniling ng isang mambabasa sa VERA Files na suriin ang pagiging lehitimo ng ahensya matapos ang na umikot sa social media ang isang post tungkol dito.

By VERA Files

Oct 24, 2019

11-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ang isang pekeng tanggapan ng gobyerno na tinatawag na “Philippine International Development Agency (PIDA)” ay nagpapanggap na isang ahensya na naghahanap ng mga bagay na kinakailangan sa ilalim ng National Economic and Development Authority (NEDA). Hiniling ng isang mambabasa sa VERA Files na suriin ang pagiging lehitimo ng ahensya matapos ang na umikot sa social media ang isang post tungkol dito.

PAHAYAG

Sa pitong buwang nitong website na pida-ph.org, sinabi ng pekeng ahensiya na ito ay “kaanib ng Pamahalaang Pilipinas sa hangarin na hawakan ang lahat ng Tenders/Proyekto” at binigyan ng tungkulin ng pangulo ng bansa na “tugunan ang NEDA program.“

Gayundin sa homepage nito ay may isang deklarasyon ng umano’y public procurement mandate nito:

We have the sole mandate for the purpose of handling all public procurements in Philippines

(Mayroon kaming nag-iisang mandato para sa layunin ng paghawak ng lahat ng mga paghahanap ng kinakailangan sa Pilipinas).”

Pinagmulan: Philippines International Development Agency, Homepage, na-access Okt. 22, 2019

Sa kabila ng pagiging “nag-iisang mandato” nito, sinabi ng PIDA sa homepage nito na isa pang mandato ng tanggapan na “itaas ang kalidad ng buhay ng mga Philippinesians (sic) sa pamamagitan ng mga de-kalidad na proyekto.”

Hinihimok nito ang mga lokal at dayuhang kumpanya na magbayad ng registration fee na $3,350, o mahigit sa P171,000, para makalahok sila sa bidding ng mga kontrata para sa mga proyekto ng gobyerno. Ang ahensya ay may mailing address at email address sa kanilang website, pati na rin ang isang hiwalay na tab kung saan maaaring “suriin” ng mga kumpanya ang sitwasyon ng kanilang mga bid.

Pinangalanan din ng ahensya ang iba’t ibang kasalukuyan at dating mataas na opisyal ng gobyerno bilang mga miyembro ng board nito, at bilang mga “accredited agents.”

ANG KATOTOHANAN

Huwad ang ahensya.

Walang PIDA sa direktoryo ng mga kagawaran at ahensya ng gobyerno ng Pilipinas. Hindi rin ito kabilang sa pitong mga nakadikit na ahensya ng NEDA na nakalista sa opisyal nitong website.

Bukod dito, ang website ng pambansang ahensya ng pagpaplano ay may sariling seksyon ng Procurement. Naglalaman ito ng mga detalye sa mga anunsyo ng bid, mga abiso ng mga award ng mga kontrata, at mga kasunduan sa kontrata ng ahensya. Walang binanggit ang NEDA sa website nito na kinakailangang registration fee na $ 3,350 para sa mga bidder.

Ang Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS), hindi PIDA, ang “solong, sentralisadong elektronikong portal na nagsisilbing pangunahing at tiyak na mapagkukunan ng impormasyon sa government procurement” sa Pilipinas. Hinihingan ng PhilGEPS ang kumpanya ng registration fee na P5,000 lamang kung nais nilang i-upgrade ang kanilang status mula sa Red, ang default na uri ng pagiging kasapi, hanggang Platinum.

Ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA), ang tanggapan na namamahala sa intelligence collection para sa gobyerno, ay naglabas na ng pampublikong advisory noong Okt. 14 na nagdedeklara sa PIDA bilang “isang huwag na ahensiya na nagsasagawa ng mga pandarayang gawain.” Ito ay ibinahagi ng maraming mga mga ahensya ng gobyerno, kabilang ang NEDA, Public-Private Partnership Center (PPPC), at Commission on Population and Development. Ang mga embahada ng Pilipinas sa Qatar at Greece, pati na rin ang mga Philippine Consulate General sa New York at Frankfurt, ay nag-post din ang mga katulad na mga advisory tungkol sa usapin.

Inilabas din ng Department of Trade and Industry noong Okt. 9 ang isang pahayag na pinasisinungalingan ang kaugnayan ni Sec. Ramon Lopez sa pekeng ahensya. Si Presidential Spokesperson Harry Roque, na pinangalanan din sa website bilang isa sa mga “accredited agents” ng PIDA tulad ni Lopez, ay nag-post noong Okt. 22 ng isang advisory sa Facebook: “Hindi ko alam ang grupong ito at hindi rin ako nagbigay ng pahintulot na maging kanilang ahente.“

Sa magkahiwalay na mensahe sa VERA Files, pinabulaanan ni dating Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo, na pinangalanan ng PIDA bilang “Head of Projects and Evaluation,” ang pahayag ng ahensya, at sinasabing hindi niya alam ang tanggapan.

Ang swindling, o pagkuha ng pera sa pamamagitan ng pandaraya, ay may parusa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code (RPC), na pagkabilanggo ng mula dalawang buwan at isang araw hanggang sa walong taon, depende sa halaga ng perang na-swindle.

Bilang karagdagan, ang sinumang “sadya at magpapanggap na isang opisyal, ahente, o kinatawan ng anumang departamento o ahensya ng Pamahalaang Pilipinas,” ay maaaring makulong ng anim na buwan at isang araw hanggang apat na taon at dalawang buwan sa ilalim ng Artikulo 177 ng RPC.

Ang dalawang probisyon ng RPC ay makikita sa Section 6 ng Republic Act No. 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Maraming mga feature ang pida-ph.org, na nananatiling online, ang nagbibigay ng karagdagang indikasyon na peke ang ahensya.

Maling pangalan ng domain para sa website ng gobyerno

Habang sinasabing ito ay isang opisyal na page ng isang ahensya ng gobyerno, ang domain name extension nito ay “.org.” Ang mga opisyal na website ng mga tanggapan ng gobyerno sa bansa ay nagdadala ng extension “.gov.ph.” Ang mga nasasakupang domain ay maaaring pamamahalaan lamang ng Department of Information and Communications Technology (DICT). Ang DICT din ang opisina na namamahala sa mga aplikasyon sa pagproseso para makuha ng extension ng domain.

Sa kabilang banda, ang “.org” domain, na opisyal na hinahawakan ng Public Interest Registry (PIR), ay “bukas at unrestricted.” Nakasaad ito sa website ng PIR na “sinuman ay pinapayagan na magparehistro at gumamit ng mga domain name na .org.” Karaniwan itong ginagamit ng mga nonprofit na organisasyon sa buong mundo.

Dinoktor na mga litrato

Ang homepage ng PIDA ay nagpakita ng tatlong banner na litrato na sinasabing mula sa “Ceremonial Signing of the Grant and Launch of the Development of Foreign Investment Framework Project.” Ang mga litratong ito ay kuha sa magkakaibang mga event at nakuha mula sa ibang mga website.

Ang isa ay isang screenshot ng isang banner na litrato mula sa isang Okt. 24, 2016 press release sa website ng PPPC, tungkol sa pirmahan ng isang kontrata sa pagitan ng gobyerno ng Britain at ahensya para sa pagbuo ng Foreign Investment Framework Project. Ang bersyon na ipinakita sa website ng PIDA ay tinanggal ang huling digit ng taon 2016.

Ang isa pang litrato ay niretokeng larawan ng isang pirmahan ng kontrata sa pagitan ng Chinese engineering firm na CAMC Engineering Co, Ltd at National Irrigation Administration noong Marso 2018. Ang teksto na “Chico River Pump Irrigation Project” ay na-edit at naging “PIDA Philippines International Development Agency.” Ang taong 2016 ay binago at naging 2018.

Ang huling litrato ay nakuha sa website ng Commission on Higher Education (CHED). Ito ay isang litrato ng isa pang pirmahan ng kontrata noong Hunyo 2017, sa pagkakataong ito sa pagitan ng CHED at ng Canada Bureau of International Education. Tulad ng dinoktor na litrato ng PPPC, ang bersyon ng imaheng ito ng PIDA ay tinanggal ang numero 6 sa taong 2016.

Ang huling dalawang litrato ay superimposed sa parehong PPPC screenshot.

Factual inaccuracies

Ang teksto sa homepage ng website ay nagsabi rin na ang NEDA ay nilikha mula sa isang panukalang “ginawa noong 23th NEDA meeting sa Maynila, noong Hulyo 2010.” Ito ay hindi totoo.

Ang NEDA ay itinatag noong 1972 sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1-A, bilang National Economic Development Authority at pinalitan ng pangalan sa susunod na taon bilang National Economic and Development Authority sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 107.

Mayroon ding mga pangalan ng mga ahensya at samahan na kasama sa teksto na nai-post sa pekeng website na tila hindi umiiral, pinangalanan nang hindi tama, o walang koneksyon sa Pilipinas:

  • Programme for Infrastructure Development in Philippines – hindi umiiral
  • NEPAD Planning and Coordinating Agency – nakabase sa kontinente ng Africa
  • Philippines Development Bank – dapat ay Development Bank of the Philippines
  • United Nations Economic Commission for Asia – dapat ay United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific

Ang address na idineklara sa website ay sa isang “474 Barangay Hall (Manila)” nang hinanap sa Google Maps. Gayunpaman, ang street view ng aplikasyon ay hindi nagpapakita ng alinman sa barangay hall o opisina ng ahensya ng gobyerno.

VERA FILES FACT CHECK: The ‘Philippine International Development Agency’ is a scam from VERA Files on Vimeo

Mga mali sa teksto

Maraming mga typograpical, grammatical, at style error ang matagpuan din sa site. Ang Confirmation tab ay kinilala bilang “Comfirmation.” Binaybay nito ang “community” na “coummunity,” Isang bahagi ng teksto sa homepage nito ang nagbaybay sa “Philippines” na “Philippinest.”

BACKSTORY

Ang isang simpleng Google search ang nagsiwalat na ang pida-ph.org ay isang na-tweak na bersyon ng nidagh-gov.org, isa pang kaduda-dudang website na nagpapakilala ring isang procurement agency sa bansang Ghana sa West Africa.

 

Ang paghahambing ng layout ng dalawang web page na nagpapakita ng pagkakapareho nito

Ang teksto sa homepage ng pida-ph.org, gayunpaman, ay mula sa ppc-gov.org, isa pang pekeng ahensya na nagpapanggap din na isang procurement body na nakabase sa Ghana.

Natagpuan ng VERA Files Fact Check ang apat pang karagdagang mga website na nagpapanggap bilang mga procurement office na katulad ng pida-ph.org, nidagh-gov.org, at ppc-gov.org. Ang isa rito ay isa pang website ng PIDA na nilikha 52 araw lang ang nakakaraan.

Ang lahat ng ito ay nilikha sa taong ito. Ang mned-gov.org, tulad ng PIDA, ay isang website din ng isang pekeng “ministry” na nagsasabing isang procurement body sa Pilipinas. Ang Nidagh-gov.org, sa kabilang banda, ay walong buwan pa lang at tila unang nilikha sa pitong mga website.

Isang tingin sa pinagkukunang pahina ng mga nabanggit na website ay nagpapakita na ang lahat maliban sa ppc-gov.org ay mga mirrored na mga site ng isang pahina na wala na ngayon. Gayunpaman, ang impormasyon sa pinagmulan ng mga website ay nakatago sa kahilingan ng mga nagrehistro.

 

Mga Pinagmulan

Gov.ph, Directory of Departments and Agencies, Accessed October 22, 2019

National Economic and Development Authority, Attached Agencies, Accessed October 22, 2019

National Economic and Development Authority, Bid Announcements, Accessed October 22, 2019

National Economic and Development Authority, Notice of Award, Accessed October 22, 2019

National Economic and Development Authority, Contract Agreement, Accessed October 22, 2019

Philippine Government Electronic Procurement System, Homepage, Accessed October 22, 2019

Philippine Government Electronic Procurement System, Help, Accessed October 22, 2019

National Economic and Development Authority Official Facebook Page, Public Advisory, October 14, 2019

Public-Private Partnership Center, PPP Center Advisory on Philippines International Development Agency (PIDA) Unauthorized Use of the Center’s Name and Information, October 11, 2019

Commission on Population and Development, Public Advisory: PIDA is identified as a bogus agency, Accessed October 22, 2019

Philippine Embassy in Qatar Official Facebook Page, Embassy Advisory: Bogus Agency: Philippines International Development Agency (PIDA), October 9, 2019

Philippine Embassy in Greece Official Facebook Page, Advisory on the Philippines International Development Agency (PIDA), October 9, 2019

Philippine Consulate General in New York Official Facebook Page, Notice to the public not to engage in business with bogus government agency, October 7, 2019

Philippine Consulate General in Frankfurt Official Facebook Page, Public Advisory, October 9, 2019

Department of Trade and Industry, Statement of Department of Trade and Industry on the alleged affiliation of Secretary Ramon Lopez to the Philippine International Development Agency (PIDA), October 9, 2019

Harry Roque Official Facebook Page, Public Advisory, October 22, 2019

The Official Gazette, Act No. 3815, s. 1930, December 8, 1930

National Water Resources Board, The Revised Penal Codes Act No. 3815, Accessed October 24, 2019

The Official Gazette, Republic Act No. 10175, September 12, 2012

Public Interest Registry, Frequently Asked Questions, Accessed October 23, 2019

Public-Private Partnership Center, UK, PH gov’ts sign grant to increase foreign investors’ participation in PPPs, October 24, 2016

Sinomach, CAMCE signs the first batch of government cooperation infrastructure projects in China and the Philippines, March 12, 2018

Commission on Higher Education, CHED taps CBIE for scholarships, training programs in Canada, June 15, 2017

The Official Gazette, Presidential Decree No. 1-A, 1972, November 1, 1972

The Official Gazette, Presidential Decree No. 107, s. 1973, January 24, 1973

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.