Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Ano ang aasahan sa sandaling mailabas ang mga bakuna sa COVID-19

Herd immunity — ang hindi direktang proteksyon ng populasyon mula sa isang nakahahawang sakit — ang target ng karamihan ng mga gobyerno, kabilang ang Pilipinas, na umaasang makamit sa loob ng isa hanggang dalawang taon sa pamamagitan ng pagbabakuna laban sa COVID-19.

By VERA Files

Mar 21, 2021

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Herd immunity — ang hindi direktang proteksyon ng populasyon mula sa isang nakahahawang sakit — ang target ng karamihan ng mga gobyerno, kabilang ang Pilipinas, na umaasang makamit sa loob ng isa hanggang dalawang taon sa pamamagitan ng pagbabakuna laban sa COVID-19.

Ang pagkumbinsi sa 70 milyong Pilipino na nasa hustong gulang na tatanggapin ang mga bagong bakuna ay kabilang sa maraming sagabal sa COVID-19 immunization program. May 110 milyon ang kabuuang populasyon ng Pilipinas.

Inumpisahan ng Pilipinas, ang pinakamatinding tinamaan ng pandemya sa Western Pacific Region ng World Health Organization, ang mga unang jab gamit ang bakuna mula sa Sinovac Biotech noong Marso 1 sa iba’t ibang mga ospital ng gobyerno.

Dumating sa Villamor Airbase sa Pasay City noong Peb. 28 ang halos 600,000 dosis ng mga COVID-19 vaccine ng Sinovac, na donasyon ng gobyerno ng China. (Tingnan ang A show of trust: Philippine public health officials receive first jabs of Sinovac vaccine – Vera Files)

Alamin sa huling episode na ito kung ano ang maaasahan oras na magsimula ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa inyong lugar.

Panoorin ang Part 1 at Part 2 ng series.

 

Mga Pinagmulan

Official Gazette, R.A. 11525, Feb. 26, 2021

World Health Organization, COVID-19 Situation in WHO – Western Pacific Region, March 11, 2021

World Health Organization, Coronavirus disease (COVID-19): Herd immunity, lockdowns and COVID-19, Dec. 31, 2020

Allan Francisco Facebook Page, PANOORIN: Panayam kay Chareluck Santos, Head Nurse ng PGH na unang nagturok ng COVID-19 vaccine na sinovac kay Dr. Gerardo Legaspi, Mar. 1, 2021

PTV, #LagingHanda Public Briefing, Feb. 24, 2021

PTV, Laging Handa Special Coverage Pagbabakuna Kontra COVID-19, Mar. 1, 2021

Senate of the Philippines, Committee on the Whole, Jan. 11, 2021

Department of Health, Updated CEIR Registration, Jan. 19, 2021

Department of Health, Philippine National COVID-19 Vaccination Deployment Plan, Jan. 31, 2021

World Health Organization, WHO’s Science in 5 on COVID-19 – Herd Immunity – 28 August 2020, Aug. 28, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.