Sinabi ng French embassy sa Maynila noong Miyerkules na tulad ng sa Pilipinas, ang presumption of innocence until proven guilty ay nasa buod ng sistemang panghukuman ng France.
Pinasinungalingan ng tatlong-talatang pahayag na inilathala sa website nito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na sa France, ang isang tao na umano’y sangkot sa isang krimen ay itinuturing na nagkasala hanggang hindi napapatunayan na siya ay walang sala.
Bilang tugon sa tweet ng United Nations Special Rapporteur ni Agnes Callamard na kailangan imbestigahan ng Pilipinas ang lahat ng “labag sa batas na pagkamatay” at “patigilin ang lahat ng mamamatay-tao” sa giyera kontra sa droga, sinabi ni Duterte sa isang pakikipanayam sa San Fernando, Pampanga, na si Callamard, isang Pranses, ay dapat bumalik sa kanyang bansa. Pagkatapos ay sinabi niyang:
Sa kanila, maaari nilang ikulong ang isang tao nang halos walang katiyakan, sa ilalim ng batas ng France. At ang batas ng France, sinasabi na ikaw ay nagkasala, at kailangan mong patunayan ang iyong kawalang-sala. Ganun ‘yan, pagpapalagay dito, inosente ka.
Pinagkunan: Media interview with President Rodrigo Duterte, San Fernando, Pampanga, August 28, 2017, panuorin from 15:03 to 16:01
Ang presumption of innocence until proven guilty ay nasa pinakamahalagang bahagi ng sistemang panghukuman ng Pilipinas at France.
Ano ang ibig sabihin ng presumption of innocence?
Sa Pilipinas, ang presumption of innocence ay isang karapatan na ginagarantiyahan ng 1987 Konstitusyon.
Nakasaad sa Artikulo III, Sek. 14 (2) na sa lahat ng kriminal na pag-uusig, ang akusado ay itinuturing na walang-sala hanggang hindi napapatunayan na nagkasala nang higit pa sa makatuwirang pagdududa.
Sa kanyang hiwalay na opinyon sa Vizconde massacre, isinulat ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, “Sa pagpapahayag ng presumption of innocence (pagpapalagay ng kawalan ng kasalanan) ng akusado at ang kanilang karapatan sa due process (angkop na proseso), sinasabi ng Saligang-Batas na ang panganib na pakawalan ang nagkasala ay isang pagkakamali sa panig ng katarungan. Ito ay higit na mas mabuti kaysa sa pagbilanggo ng isang inosenteng tao. “
Sources:
Statement of the Embassy of France to the Philippines
G.R. No. 176389 and G.R. NO. 176864