Skip to content
post thumbnail

​Vera FILES FACT SHEET: ‘Extra-legal’ at ‘extrajudicial’ na pagpatay, ipinaliwanag

Sinasabi ng mga abogado puwede pagpalitin ang mga termino, na may halos walang pagkakaiba sa pagitan ng mga ito.

By VERA Files

Nov 14, 2017

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Sa pagsasalita tungkol giyera ng administrasyong Duterte laban sa droga, salitan na ginamit ni Palace Spokesperson Harry Roque ang mga salitang “extra-legal killings” (ELKs) at “extrajudicial killings” (EJKs).

Kabilang sa “extra-legal killings” ang mga pagpatay na hindi dumaan sa proseso, sinabi ni Roque sa isang panayam noong Nob. 4, na binanggit ang depinisyon ng United Nations.

Pagkalipas ng limang araw, sinabi niya na iniimbestigahan ng gobyerno ang “mga alegasyon ng tinatawag na extrajudicial killings” pagkatapos himukin ng mga Amerikanong mambabatas si Pangulong Donald Trump na iparating ang pagkabahala sa mga nababalitang EJK bago ang pagbisita niya sa Pilipinas.

Ginagamit din ang EJK ng mga nagpoprotesta at mga grupong nagtataguyod ng karapatang pantao kapag tinutukoy ang pagkamatay ng higit sa 3,000 katao sa mga operasyon ng pulisya laban sa droga.

Ano ang tamang salita na dapat gamitin?

EJK, ELK pareho lang — mga abogado

Sinasabi ng mga abogado puwede pagpalitin ang mga termino, na may halos walang pagkakaiba sa pagitan ng mga ito.

Ang “EJK” ay ang mas popular na termino, ngunit ang “ELK” ay karaniwang ginagamit sa mga legal na dokumento dahil mas malawak ito, at “sumasaklaw sa anumang sitwasyon kung saan isang tao ang pinatay nang walang angkop na proseso,” sabi ni Atty. Romel Bagares.

Ang pagkakaiba ay hindi sa pagitan ng EJK at ELK kundi sa pagitan ng mga extra-legal o extrajudicial na pamamaslang at legal o utos ng hukuman na pagpatay, sinabi ni Jose Manuel Diokno, dean ng De La Salle University Law school.

“Kapag sinabi natin na ito ay isang ‘legal na pagpatay,’ ibig sabihin niyan may pahintulot ng korte,” sinabi niya, na siyang kaso kung ang isang bansa ay may parusang kamatayan.

“Pag sinabi naman natin na extra-legal o extrajudicial killing … alinman sa ang bansa ay hindi kinikilala ang parusang kamatayan, o kahit na kinikilala nito ang parusang kamatayan, hindi dumaan sa korte,” idinagdag niya.

Maaaring mangyari pa rin ang “legal killings” kahit na walang parusang kamatayan, tulad ng kapag ikinatuwiran ng mga opisyal ng pulisya ang self-defense na humantong sa mga pagpatay sa mga lehitimong operasyon ng pulis, sinabi ng abogadong si Antonio Gabriel La Viña.

“Kung napatunayan mo na ang pulisya ay gumamit ng lehitimong puwersa, hindi ito maaaring maging isang ‘ekstra.’ Iyan ay eksaktong tinatawag na ‘judicial’ o ‘legal’ na pagpatay,” aniya.

Sa mga kasong ito, ang estado ay obligadong mag-imbestiga upang patunayan na ang paggamit ng puwersa ay makatwiran, kung hindi man, ang mga pagpatay ay pinahintulutan o extra-legal, dagdag pa niya.

Kadalasan ginagamit ng United Nations ang mga terminong ELK at tumutukoy ang mga ito sa “mga ginawang pagpatay – halimbawa, ng mga grupo ng vigilante o mga lihim na ahente ng gobyerno — sa labas ng korte o legal na proseso — iyon ay, sa paglabag ng, o sa simpleng kawalan ng, angkop na proseso ng batas.” Isinasaalang-alang din ng UN ang termino na kasingkahulugan ng EJK.

Isinagawa ng mga ahente ng estado, death squad

Kahit walang batas na nagbibigay ng depinisyon sa EJK / ELK sa Pilipinas, ang Korte Suprema noong 2007 ay nagbigay ng panuntunan sa writ of amparo, isang remedyo sa buhay, kalayaan at seguridad, at sinunod ang depinisyon na ginamit ng UN.

Ang writ ay sumasaklaw din sa mga sapilitang pagkawala, o ang pag-aresto, pagkulong o pagdukot sa isang tao ng opisyal ng gobyerno o mga organisadong grupo na direkta o hindi direktang konektado sa gobyerno.

Ang pagkakasabwat ng gobyerno ay isinasaalang-alang ng Minnesota Protocol, ang modelong protocol para sa isang legal na imbestigasyon ng extra-legal, di-makatarungan at madaliang pagpatay na pinagtibay ng United Nations noong 1991 sa pagtukoy kung ang isang pagpatay ay extra-legal:

● Ang biktima ay huling nakitang buhay sa pag-iingat ng pulisya o detensyon

● Ang modus operandi ay nakikilala na may kaugnayan sa mga death squad na suportado ng gobyerno

● Tinangka ng mga opisyal ng gobyerno na hadlangan o maantala ang imbestigasyon sa pagpatay

● Ang mahalagang katibayan sa imbestigasyon ay hindi makuha

ELK mitsa ng espesyal na imbestigasyon ng gobyerno

Noong 2007, inisyu ng Korte Suprema ang Administrative Order No. 25 na nagtatalaga ng mga isang daang Regional Trial Court sa buong bansa para dinggin, litisin at pagpasyahan ang mga kaso ng laganap na pagpatay ng mga political activist at mga kasapi ng media.

Ang pagtukoy sa pagpatay bilang “extra-legal” ay nagpapasimula ng “espesyal na mekanismo ng imbestigasyon” para matiyak na walang pagtatakip at ang mga may sala ay maparusahan, sinabi Bagares.

“Ang pamahalaan ay kailangang gumawa ng karagdagang pagsisikap dahil ang krimen ay nagsasangkot ng isang opisyal at hindi isang pribadong tao. Kadalasan, kapag ang isang ahente ng estado ay kasangkot, ang gobyerno ay may mga kakayahan, maaaring may pampulitikang impluwensya na maaaring magamit para sa mga pagtatakip, “sabi niya.

Mga pinakunan:

DWIZ Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Jarius and Marissa Bondoc

Official Annotations to the Rule on the Privilege of the Writ of Amparo (Downloadhere.)

Statement of the Presidential Spokesperson on Rep. Randy Hultgren and James McGovern’s letter to President Donald Trump

Supreme Court Administrative Order No. 25, s. 2007

United Nations Manual on the Effective Prevention and Investigation of Extra-legal, Arbitrary and Summary Executions

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.