Sinimulan ng gobyerno ang mass testing sa coronavirus disease (COVID-19) isang buwan matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency at kalaunan nagpataw ang isang lockdown sa buong Luzon upang mapigilan ang pagkalat ng virus na nagdala ng sakit sa 4,932 katao at pumatay sa 315, kabilang ang 21 mga doktor, base sa rekord ng Abril 13, alas-4 ng hapon.
Inihayag sa isang press briefing noong Abril 2 ni Carlito Galvez Jr, presidential peace adviser at chief implementer ng National Task Force against COVID-19, ang plano ng gobyerno na magsimula ng “massive testing” para sa COVID-19 sa Abril 14, dalawang araw pagkatapos ng orihinal na pagtatapos ng enhanced community quarantine sa buong Luzon:
“On massive testing for PUIs and PUMs, we are also determined to fast track the accreditation of substantial laboratories so we can start the massive testing of the PUIs and the PUMs. We expect that by April 14, we should be able to start massive testing.
(Sa massive testing para sa mga PUI at PUM, determinado rin tayong bilisan ang akreditasyon ng maraming mga laboratoryo upang masimulan natin ang massive testing sa mga PUI at PUM. Inaasahan namin na sa Abril 14, dapat nating masimulan ang massive testing.)”
Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Daily Report Update on the Coronavirus Disease 2019 by Secretary Carlito Galvez, Jr., Abril 2, 2020, panoorin mula 7:54 hanggang 8:12
Sinabi ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, sa press briefing noong Abril 13, na ang DOH na naglabas na ng mga patnubay sa mass testing sa pamamagitan ng isang memorandum, ngunit, noong press time, hindi pa ito nailalabas sa publiko.
Binigyang diin niya na hindi kahit na sinong nagnanais na test ay maaaring mapagbigyan sa mass testing dahil limitado pa rin ang bilang ng mga testing kit sa bansa.
Narito ang limang bagay na kailangan mong malaman tungkol sa proseso ng mass testing ng gobyerno:
1. Sino ang dapat unahin para sa testing?
Ang mga pasyente at healthcare worker na may malubha o kritikal na mga sintomas, na may rekord ng paglalakbay o direktang pakikipag-ugnay sa isang positibong kaso ng COVID-19, at ang mga may rekord ng paglalakbay o pagkakalantad sa COVID-19 ang mananatiling prayoridad, ayon sa DOH.
Dagdag dito, ang mga pasyente na itinuturing na bahagi ng vulnerable na populasyon at mga healthcare worker na nagpapakita ng banayad na mga sintomas ay magiging kwalipikado rin para sa testing.
Sa bagong klasipikasyon na inilabas ng DOH noong Abril 11, ang mga PUI na may banayad, matindi, o kritikal na mga sintomas ay naiuri sa dalawa, depende sa kung sila ay dumaan na sa testing para sa COVID-19.
Gayunpaman, para sa paparating na paglabas ng mga alituntunin, sinabi ng DOH na sa sandaling “ang target na pagsasagawa ng 8,000 mga test sa bawat araw” ay naabot, isasama nito ang mga pasyente o mga healthcare worker na may banayad na mga sintomas ng COVID-19 ngunit hindi kabilang sa mga vulnerable na grupo.
Idinagdag nito na maaaring itest na ngayon ng DOH ang “asymptomatics,” o ang mga hindi nagpapakita ng mga sintomas at may kaugnay na rekord ng paglalakbay at direktang pakikipag-ugnay, sa sandaling mapalakas nito ang kapasidad ng testing.
Sa isang press release noong Abril 4, sinabi ng DOH na may kakayahan na itong magsagawa ng 3,000 mga test sa bawat araw at target nitong itaas nang 8,000 hanggang 10,000 araw-araw na test sa pagtatapos ng Abril.
Sa isang virtual presser noong Abril 13, sinabi ni Vergeire na ang bansa ay nakapag-test na ng 35,804 na indibidwal noong sa noong Abril 12, 6 p.m.. Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa isang panayam noong Abril 7 na CNN na ang isang pasyente ng COVID-19 ay karaniwang sumasailalim sa dalawa hanggang tatlong mga test.
2. Saan gagawin ang test sa mga tao?
Ang mga ospital na namamahala sa mga PUI na naka quarantine ay awtorisado na mangolekta ng mga sample na ipapadala para sa pagsusuri sa laboratoryo para sa COVID-19 infection. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Sino ang dapat masuri para sa COVID-19 at sagot sa iba pang mga katanungan)
Sinimulan ang mass testing ng komunidad sa Quezon City, Valenzuela City, at Manila City sa pamamagitan ng pagkuha ng mga swab test mula sa mga indibidwal, na pagkatapos ay ihahatid sa, at susuriin sa mga laboratoryo na akreditado ng DOH.
Hanggang Abril 14, ang bansa ay mayroong 16 mga laboratoryo na para sa COVID-19 testing. Nangangahulugan ito na ang mga lab na ito ay certified at pinapayagan na iproseso at suriin ang mga sample na kumpleto.
Hanggang sa Abril 6, 63 na mga health facility ay nasa iba’t ibang yugto ng proseso ng akreditasyon.
3. Gaano katagal bago makuha ng mga tao ang mga resulta ng kanilang COVID test?
Ayon sa tugon ng DOH sa mga katanungan mula sa VERA Files, makakaasa ang mga pasyente ng mga resulta ng test sa loob ng 48 hanggang 72 na oras kapag ang kapasidad ng testing ay madagdagan at ang backlog ng mga nakaraang test ay wala na.
Ang aktwal na tagal ng bawat test gamit ang Polymerase chain reaction (PCR) kit ay karaniwang tumatagal ng 3 hanggang 6 na oras. Ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at iba pang mga subnational laboratory, sumusunod sa mahigpit na pamamaraan na itinakda ng World Health Organization (WHO), ay maaaring maglabas ng mga resulta ng test sa pagitan ng 24 at 48 na oras. Ang pag-verify ng mga resulta ng test ay gagawin kapag ang mga ito ay inilabas na sa Regional Epidemiology and Surveillance Units (RESUs).
Sa panghuli, ipapasa ng RITM ang mga resulta ng COVID-19 test ng mga pasyente sa ospital kung saan ipinasok ang pasyente, pati na rin sa RESU at sa Epidemiology Bureau ng DOH. Maaaring makuha ng pasyente ang mga resulta ng kanyang test sa itinalagang doktor o opisyal ng kalusugan ng lungsod / munisipalidad.
4. Ano ang mangyayari sa mga pasyente na nag positibo test para sa COVID-19?
Ang klinikal na pamamahala ng mga pasyente na nag positibo para sa coronavirus disease ay nakasalalay sa kalubhaan ng kanilang mga sintomas, sinabi ng DOH.
Ang bansa ay may anim na mga quarantine facility para sa mga pasyente na may banayad na mga sintomas o na nag positibo sa test ngunit asymptomatic, at hindi magawang humiwalay sa bahay.
5. Anong uri ng mga test kit ang gagamitin?
Hanggang Abril 13, ang Food and Drug Administration (FDA) ay nag apruba ng 24 na magkakaibang brand ng COVID-19 test kit na magagamit, ayon sa DOH.
Sa isang virtual presser sa parehong araw, sinabi ni National Task Force for COVID-19 spokesperson Restituto Padilla na inaasahan ng RITM na ipamahagi ang 900,000 test kit sa lahat ng mga akreditadong testing facility sa bansa para sa mass testing.
Bilang karagdagan, mga 26,000 sa 120,000 piraso ng mga COVID-19 test kit na dinebelop ng University of the Philippines-National Institute of Health at pinondohan ng Department of Science and Technology ang ipamamahagi mula Abril 4 hanggang Abril 25 sa mga sumusunod na subnational laboratory:
- Philippine General Hospital
- Makati Medical Hospital
- The Medical City
- Vicente Sotto Memorial Medical Center
- Southern Philippines Medical Center, and
- Baguio General Hospital
Mga Pinagmulan
Department of Health Official Facebook, DOH COVID-19 Case Bulletin #030, April 13, 2020
Official Gazette, Memorandum from the Executive Secretary on imposition of Enhanced Community Quarantine in Luzon, March 16, 2020
Presidential Communications Operations Office, Daily Report Update on the Coronavirus Disease 2019 by Secretary Carlito Galvez, Jr., April 2, 2020
Department of Health Official Facebook, DOH presscon, April 13, 2020
Department of Health Official Facebook, Ang mga matatanda, buntis, at may medikal na kondisyon ay kailangan umiwas, March 16, 2020
Department of Health Official Facebook, New Classification of Individuals for COVID-19, April 13, 2020
Department of Health Official Facebook, Health Advisory tungkol sa Coronavirus, Feb. 7, 2020
Department of Health website, COVID daily testing capacity increases numbers to improve further to 10k, April 4, 2020
Department of Health Official Facebook, DOH Presscon, April 13, 2020
CNN Philippines Youtube, Above and beyond: Health Sec. Duque, April 7, 2020
GMA News Online, Localized targeted COVID-19 mass testing conducted in Manila, QC, and Valenzuela City, April 13, 2020
CNN Philippines, Manila City to begin mass COVID-19 testing, April 13, 2020
Rappler, Mass testing will cover severe to critical cases, vulnerable population – DOH, April 13, 2020
Department of Health Official Facebook, LOOK: We now have 16 Certified Laboratories, April 14, 2020
Department of Health Official Facebook, COVID-19 Test FAQS: Gaano katagal ang bawat test?, March 16, 2020
Department of Health Official Facebook, COVID-19 Testing Kits FAQS: Paano isinasagawa ng RITM at ng ibang laboratoryo ang COVID-19 testing?, March 24, 2020
Department of Health Official Facebook, COVID-19 Testing Kits FAQS: Gaano katagal bago ilabas ng laboratoryo ang resulta ng COVID-19 test?, March 24, 2020
Department of Health Official Facebook, Healthcare workers FAQS: Sino ang nagsasagawa ng pag follow-up sa mga PUI at PUM?, April 3, 2020
Department of Health Official Facebook, COVID-19 Testing Kits FAQS: Saan makukuha ang resulta ng COVID-19 test?, March 24, 2020
Department of Health, List of COVID-19 registered kits, April 8, 2020
Presidential Communications Operations Office, Day-End Virtual Presser with Retired General Restituto Padilla, NTF Covid-19 Spokesperson on Behalf of Secretary Carlito Galvez, Jr., April 8, 2020
GMA News Online, FDA approves UP’s COVID-19 test kits for commercial use, April 3, 2020
Manila Bulletin, DOST: Locally developed COVID-19 test kits ready this week, March 30, 2020
Manila Times, FDA approves locally made Covid test kits, April 5, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)